mnj ch28

59.6K 356 44
                                    

julianne's

Sus! Tutor daw!! Nang iinis lang tong lalaki na to e! Sinabi ko naman sakanya na hindi ko sya tuturuan ngayong Sabado kasi may lakad ako. Sabi nya, mas okay daw. Tapos ngayon, nandito sya!

"Matunaw ako nyan." he said smirking. Pero di sya nakatingin sakin. Pinapagana nya ung peripheral view nya. Pang inis!!

"Hoy Dave!! Kung nakakapatay lang ang tingin, kanina ka pa patay! Kaya magsagot ka na lang dyan!! Tsss." sigaw ko sakanya..

"Saan kayo galing?"he asked still facing the test materials na binigay ko.

O_O

Pinapa highblood ba talaga ako nito o curious lang talaga sya??

"Wala ka ng pakialam don."

"Sinagot mo na sya?"

Ay EPAL!

*tingin ng masama*

"Di ba sabi ko wala ka ng pakialam dun??"

"Tssss. E di wala!!" sabi nya. Tapos nun, di na sya ulit nagsalita.. Buti nga. Daming tanong e..

KRINGGGGGGGGG!!!!

KRINGGGGGGGGG!!!!

O_O

Nagkatinginan kami. Nagring kasi pareho ung cellphone namin. Tapos pareho pang 'ringing' tune lang ung ring tune namin.

Pagtingin ko sa cellphone ko, si Steph ung tumatawag.

"Hello? KAT?"

Kat? Sinong Kat?? Wala naman syang nababanggit na Kat ah!? Tsss. Di nga pala nagkukwento to. Girlfriend ba nya ung Kat??

Nakita kong nakatingin sya sakin. Nag aalangan atang magsalita kasi maririnig ko sya.

"H-Hello Lance??" hah! Akala nya sakanya lang may tumatawag ah!

++++++++++++++++++++

dave's

"Hello Kat? Wait lang hah. Lalabas lang ako.."

Mukang sila na nga nung Lance na un. Tsss. Maghapon na ngang magkasama, nagtatawagan pa.

"Hello Dave baby? How are you? Di mo ba 'ko namimiss?"

Kat! Focus on Kat, Dave!!

"Kat? Anu bang tanong yan? Syempre namimiss kita."

Tss. Tapos di man lang sinagot ung tanong ko kung saan ba sila pumunta. Baka kung saan saan sya dinala nung loverboy Lance na un.

"Good if namiss mo ako, kasi ako, miss na miss na kita. I want to go home already."

Hindi kaya niloloko lang sya ni Lance? Baka masaktan na naman un. Tapos iiyak na naman sakin. Tsk.

"Dave? Are you still there?"

"S-Sorry Kat. Medyo busy lang. May tutorial session kasi kami e."

"Ooooops. Sorry baby. Naistorbo pa kita. Naiinis lang kasi ako dito sa isa kong kasama sa OJT."

"That's okay Kat." hayst. Ano ba namang nangyayari sakin?? Kausap ko girlfriend ko pero di ko maiwasang mainis habang naiisip ko ung tungkol kay Lance and Julie.

"Tsss. Speaking of the devil. I have to go now baby. Bye. Behave dyan a. I love you!"

"I lo---"

TUT TUT TUT

Sorry Kat.

Tsss. Bugbugin ko na lang kaya ung Lance na un?? Para layuan na nya si Julie. Baka masaktan lang kasi ung babaeng un e.

"Okay. See you tomorrow. Wag na mainis."

Di pa pala sila tapos mag usap nung lover boy na un.

"Ee? Love you din.. Bye."

BLAG!

Sinandya kong ilaglag ung libro para ipaalam na nandito na ulit ako. Mukha kasing hindi matatapos agad ung usapan nila. May pa- I love you- i love you pa. Tsss. Magbe-break din naman sila!!

Natapos ung tutorial session namin na inis na inis ako. Di ko alam kung bakit. Sya din naman halatang naiinis sakin. Siguro dahil lagi ko silang iniistorbo nung Lance na un. Tsss. Tapos pumunta pa ako dito sakanila para magpaturo kahit na sinabi nyang may lakad sya. Kanina kasi, narinig ko ung usapan nila Mama and Tita na may sumundo daw kay Julie. Nakipagdate pala. Akala ko nga si Carlo ung kasama nya, un pala si Lance. Tsss.

Alam ko namang wala akong karapatang pakialamanan sya. Pero simula nung nakita ko syang umiyak, di ko na mapigilan sarili ko. I feel like I need to protect her. Ang hina nya kasi. Ang daling maloko.

SHIT LANG!

Nawala nga ung Carlo na un, pumalit naman si Lance. Patay talaga sakin si Lance pag nalaman kong pinaiyak nya si Julie.

====================

Lapit na Valentine's Day. Any guess kung ano mangyayari sa V-Day?hehe.. Free KISS sa makakahula.. Hehe.. Wala akong maisip na premyo.

Kung sino makakahula ng tama, sya mag iisip ng premyo nya.hihi. Pauso ko talaga. :))

Thanks!!

Comment?

Vote?

Lablab!!ö

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon