julianne's
Pagdating namin sa harap ng bahay nila Dave, ayaw pa akong pababain ni Carlo. Kundi ko pa sinimangutan hindi pa ako papababain. Hayst. Kung ung dati siguro matutuwa pa ako sa pagiging possessive nya. Pero ngayon, naiinis na ako sakanya..
Bago ko pa mapindot ung doorbell, may nagbukas na agad ng gate. Si Tita Rose...
"O Julia! What are you doing here?? Okay ka na ba??"
"Yes Tita. Okay na po ako. Thanks po. Uhm.. Si Dave po?"
"Naku wala pa e. Di ko alam kung anong oras dadating un."
Nasaan un? Dati naman pag ganitong oras na nandito na sya e. Baka pauwi pa lang..
"Ah tita, okay lang po ba kung hintayin ko na lang sya?"
"Oo naman. Tamang tama, paalis kasi ako ngayon. Magkikita kami ni Tito Ben mo. Anyway, feel at home lang ah.. Bye." nagmamadaling lumabas ng bahay si Tita Rose.
Gaano kaya katagal bago dumating si Dave? Tsk. Sana naman dumating na un. Tsk.. Ano namang gagawin ko dito? Puntahan ko na lang kaya si Carlo? Hindi pala pwede. Pagnalaman nyang wala naman pala si Dave dito e malamang iuwi na ko nun.
Ah alam ko na!
+++++++++++++++++++++
dave's
Sa wakas, nakaganti rin kami dun sa gang nung Vince na un. He should know kung sinong hari sa lugar na to, at hindi sila un... Kundi KAMI. Pasalamat sya 3 daliri lang nya ung binali ko. Pero para sakin, hindi pa sapat un. Sobrang kulang pa un. Hindi pa ako nakakapatay ng tao pero kung may mas malalang nangyari kay Julie, kahit saan sila magtago, hahanapin ko sila para patayin.
Sino kaya tong naka park malapit samin? Ngayon ko lang nakita tong kotse na to dito samin. SHIT! Hindi kaya member to nung gang nila Vince?? Pero hindi, halos lahat naman ng member nung walang kwenta nilang gang e binugbog na namin kanina.. Teka. Si Carlo to a! Anung ginagawa ng g*gong to dito samin? Makikipag usap ba sya sakin? Bakit pa?? E alam naman na nya na nagpapanggap lang kami ni Julie. Kahit si Emman alam na rin ung tungkol sa pagpapanggap na un. Nakatanggap pa nga ako ng isang malakas na suntok mula sakanya.
Tsss. Wala ako sa mood makipag usap o makipagsuntukan kay Carlo. Saka baka magalit lang sakin si Julie pagbinugbog ko tong si Carlo. Mabuti pang umiwas na lang ako. Ayokong madagdagan pa kasalanan ko kay Julie.
Tsinempuhan kong hindi nakatingin si Carlo sa gate namin bago ako dali daling pumasok sa loob ng bahay namin. Tss. Para naman akong magnanakaw sa sarili kong bahay nito.. Teka? Bakit nakabukas ung ilaw? Akala ko aalis sila Mama? Ah baka nandito na si Emman.. Kung Emman pa nga lang tao dito, mabuti pang umakyat na lang ako sa kwarto ko. Hanggang ngayon kasi galit pa rin ata sya sakin. Buong akala nya kasi talaga kami ni Julie. Tsk.
*sigh*
6:30 na pala.
Dati, pag ganitong oras, nandito na kami ni Julie sa kwarto ko. Sinasagutan ko na ung mga test materials na binigay nya. Tapos, tuturuan na nya ako. O kaya pinapagalitan na nya ako kasi mali mali ung mga sagot ko. Akalain mo un. Bukod sa mga magulang ko, sya pa lang ang may lakas ng loob na sigaw sigawan ako at pagalitan. Kahit pa alam nyang gang leader ako, mukhang hindi na sya masyadong takot sakin. Nasanay na rin siguro sya. Halos isang buwan na rin naman nya akong tinuturuan e. Hindi na siguro sya natatakot sakin, na isang gang leader. Hayst.
Gang Leader.
Isa akong gang leader. Tsss. Masayang maging gang leader. Maraming gumagalang sakin, maraming natatakot sakin at madalas, nakukuha ko kung ano ung gusto ko. Ako rin ang tinuturing na hari ng teritoryo ko. Haha. Masaya talagang maging Gang Leader.
Pero dahil sa pagiging gang leader ko, maraming galit sakin. Maraming naiinggit. At dahil din dun, hindi ko masyadong nakakasama pamilya ko. Ayoko silang madamay sa mga gang war na sinasalihan ng gang namin. Kaya hangga't maaari, ayokong ipaalam sakanila ung pagiging gang leader ko. Mas mabuti pa na wala silang alam. Na hindi nila alam ang tungkol dun..
At dahil din sa pagiging gang leader ko, hindi ko pwedeng maging kaibigan ng basta basta kung sino man ang gusto kong maging kaibigan. Hindi ko pwedeng maging kaibigan si Julie. Ang g*go ko nung hinayaan ko na madamay sya dun sa gang war namin nila Vince. E g*gong g*go na talaga ako pag hinayaan ko pang mas madamay si Julie. Nung nakita kong nakatutok sakanya ung kutsilyo na un, napuno ako ng galit. Galit kay Vince. Galit dun sa lalaking nagbabalak saktan si Julie. Galit dun sa gang nila. Pero nung tinawag nya ako, nung tinawag nya ung pangalan ko, bigla akong natauhan. Hindi pala dapat ako magalit sakanila, kundi sa sarili ko dapat ako magalit. Kung hindi ko naman kasi sya kasama nun, hindi sya madadamay. Hindi sana sya malalagay sa alanganin, di sya masasaktan. Nung nakita kong sasaksakin na sya nung g*gong un, tumakbo na ako papunta sakanila. Kaso nahuli ako. Nasugatan na sya nung lalaki at hinimatay na sya. Tapos nun, biglang nagdilim ung paningin ko, napuno ulit ako ng galit. Wala na akong pakialam kung gaano pa sila karami. Basta ang mahalaga sakin nun, mailabas lahat ng galit ko. At mapagtanggol si Julie.. Hanggang sa dumating na nga ung mga pulis kasama si Carlo.
Kaya alam kong tama ung desisyon ko na iwasan ko na sya. Para rin naman sakanya un e. Para hindi na sya masaktan.
Kaya lang, nasanay na ata talaga ako na lagi syang kasama. Na lagi ko syang nakikita. Kahit pag nasa school kami, minsan nag uusap din kami. Oo nga't madalas kaming di nagkakasundo pero masaya naman ako pagkasama ko sya. Tsss. MISS KO NA SYA.
Tsss.. Ano ba naman tong mga iniisip ko?? Makapasok na nga.
CLICK
O_O
Anak ng!
"ANONG GINAGAWA MO DITO??"