julianne's
Bakit ba ganito tong nararamdaman ko?? Di ko na talaga maintindihan. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayong nakayakap ako sakanya. Alam mo ung feeling na ang lapit nyo na sa isa't isa pero you still want him much closer? E halos hindi ko na nga maramdaman ung sarili kong katawan dahil nadadaganan na nya ako. But still, I want him closer. I want to feel him more. Napakakomportable ng pakiramdam ko. I feel so safe. Plus, ung ABS nya. Gusto ko sanang hawakan kaso nahihiya ako.
Then, his kisses-his lips. Di ko alam if makakahinto pa kami. I don't even know if I want us to stop. Basta. Naaadik na ko sa halik nya. I love this overwhelming feeling that Dave made me feel. Lahat ng pinaparamdam sakin ni Dave, bago lahat sakin to. Even this unusual heart beating. Halos kapareho to ng nararamdaman ko pag hinahawakan nya ung kamay ko, kapag tinitignan nya ako sa mata(malumanay man o masama), kapag nginingitian nya ako o kapag sinusungitan nya ako. Ang pinagkaiba lang, mas intense ung ngayon. Mas intense pa nga to kesa pag si Carlo ang kasama ko. And I think mas matindi pa tong pakiramdam na to kesa nung mainlove ako for the first time, kay Carlo.
Shemay.
Hindi kaya? No hindi naman siguro. Pero paano kung? Hindi pwede!
Hindi ako pwedeng mainlove kay Dave! Pero paano nga kaya kung mahal ko na si Dave? Anong gagawin ko? Imposible naman kasing magkagusto din sakin si Dave gayong may 'Kat' na sya. Ang ganda ganda kaya nun saka napakabait pa. Ano namang laban ko dun di ba? Hayst.
KRING
KRING
Sabay kaming napahinto ni Dave sa paghalik sa isa't isa at napatingin kami pareho sa cellphone ko na biglang nagring. Sino kaya ung istorbo na un?
Di pinansin ni Dave ung pagtunog ng cellphone ko. He just kissed me passionately and the overwhelming feeling take over me again. Ang sarap ng pakiramdam ko. Ang saya saya ng puso ko.
Shocks! Ano ba naman tong nararamdaman ko?? Ang weird masyado. Bakit ang saya ng pakiramdam ko ngayon? Sya kaya? Masaya din ba sya? Pareho ba kami ng nararamdaman? Paano kung hindi? Shemay. Nalilito na talaga ako. Naguguluhan na ako.
"Tss.." narinig ko galing kay Dave. Tapos naramdaman kong umalis sya mula sa pagkakapatong sakin at umupo sya sa gilid ng kama. Nakapikit lang sya. Mukang nag iisip ng malalim.
Bago pa ako makapagtanong, nagring na naman ung cellphone ko. Pero nagulat ko nung mapansin kong wala na sa side table ko ung cellphone ko. Hawak na to ni Dave.
"Tsss. Nasaan si Carlo?" tanong nya habang nakayuko. Galit ba sya??
"Huh? Si Carlo?"
"OO JULIE. NASAAN SI CARLO?!" sigaw nya.
"Umuwi na si Carlo!!" sigaw ko din. Nakakainis sya e. Makasigaw!
"Umuwi?? Julie naman! Nasan na ung g*go na un? Imposible namang nakauwi na sya!"
"Umuwi na nga sya!! Ano namang imposible dun?! Bakit ba ayaw mong maniwala?? Umuwi na si Carlo!"
"Tss. E bakit nasa baba ung kotse nya??!" sigaw ulit nya.
"Naflatan ng gulong ung kotse nya!! Okay?! Umuwi na sya! Kung ayaw mong maniwala, e di huwag!!" sigaw ko. Tapos nagtatakbo ako papasok sa CR ko.
SHIT naman! Un na ba un?! Lahat un para lang malaman nya kung nasaan si Carlo?? Para lang masigurado na wala talaga dito si Carlo?? Di ko na napigilang maiyak. Nakakainis kasi e! Ang tanga tanga ko. Parang pinaasa ko lang ung sarili ko sa wala. Akala ko kasi may gusto sya sakin kaya nya ako hinalikan. E halata namang wala. Tsss. Bakit ba naman kasi aasa asa pa ako e. Nakakahiya! E muntik ko na ngang ibigay sakanya YON. Buti na lang nakapagpigil ako. Kundi, siguradong mas masasaktan ako.
Di ko mapigilang madisappoint. Nakakalungkot talaga. Ang bilis ng turn over ng emosyon ko. Kanina ang saya ko tapos ngayon sobrang bigat ng pakiramdam ko. Akala ko kasi talaga gusto nya akong halikan. Pampain lang pala ako.
Tapos ayaw nya pang maniwala sakin. Umuwi naman na talaga si Carlo e. Na flat naman kasi talaga ung isang gulong nung kotse nya kaya pinaiwan na lang ni Daddy ung kotse nya. Tapos nagcommute na lang sya papauwi. Sya siguro ung tumatawag. Sabi ko kasi tumawag sya pagnakauwi na sya e. Hayst. Wrong timing naman si Carlo.
Maya maya narinig ko ung pagbukas ng pinto ng kwarto ko tapos sumara ulit. Mukhang umalis na sya. Kaya lumabas na ako sa CR at humiga na ako sa kama ko. Di ko na nagawang magbihis o magtanggal man lang ng make up. Sobrang pagod na kasi ung nararamdaman ko. Tapos naiiyak pa ako. Nakakainis kasi si Dave. Hayst.
Ilang minuto muna akong nag iiyak bago ako dinalaw ng antok. Ayaw kasing tumigil nung mga luha ko e.
Pero bago ako tuluyang makatulog, narinig kong bumukas ung pinto ng kwarto ko. Di ko maibukas ng maayos ung mga mata ko kasi ang bigat na nila dahil sa sobrang antok. Pero kahit papano may naaninag naman ako.
Pero mukhang nananaginip na ako. Imposible naman kasing bumalik si Dave. Bakit naman sya babalik kung nakasigurado na syang wala dito si Carlo. Unless, kung di pa rin sya naniniwala sakin. Tsss.
Naramdaman kong parang may humiga sa tabi ko. Nakatagilid ako kaya magkaharap kami. Tapos niyakap nya ako. Hanep tong panaginip ko a. Parang totoo. Tutal naman panaginip lang to, maglalabas na ako ng sama ng loob sakanya.
"Aish het shu." sabi ko sabay siksik ng katawan ko papunta sakanya. Sa sobrang antok ko, un na lang nasabi ko.
"Matulog ka na. Sorry Sweetie." sabi ni Dave sa panaginip ko tapos naramdaman ko ung pagdampi ng labi nya sa noo ko. Sabi ko na e. Panaginip lang to. Di ko mapigilang mapangiti. Para kasing totoo e. Sana nga hindi na lang to panaginip.
"AISH LARB SHU YABE."
========
Si Dave -->
Thanks!ö