julianne's
"Kat?!" Nagulat ako sa sigaw ni Kat. Pero mukhang hindi pa agad narinig ni Dave ung pagtawag ni Kat sa pangalan nya. Kasi susuntukin pa sana ni Dave si Carlo. Pero nung narinig nya ung pagtawag ko sa pangalan ni Kat, napahinto sya. Tapos nung makita nya si Kat, bigla nyang binitawan si Carlo.
"K-Kat?" sabi nya na halatang nagulat. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ramdam ko pa rin ung pagkabigla sa sinabi ni Dave na gusto nya ako. Hindi ako makapaniwala pero gusto ko syang paniwalaan. Ung puso ko tumatalon sa saya tuwing nirerewind ng isip ko ung sinabi nya.
'Gusto ko si Julie. At akin lang sya. Naiintindihan mo ba?!'
Ang saya siguro kung totoo talaga un. Pero ngayong nakikita ko ung ekspresyon ng mukha nya habang nakatingin sya kay Kat, parang nagdududa na ako sa sinabi nya. Kitang kita kasi sa mga mata ni Dave na nahihirapan sya habang nakikita nyang umiiyak si Kat. At nasasaktan ako dahil don.
"A-anong ibig s-sabihin nito D-Dave?!" mahinang tanong ni Kat. Hindi agad nakasagot si Dave. Nakatayo lang sya habang nakatingin kay Kat. Kahit ako, hindi rin ako makakilos. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Narinig nya kung ano ung sinabi ni Dave--na gusto nya ako. Kahit pa alam kong malaki ang posibilidad na hindi totoo un, masakit pa rin un para kay Kat.
"D-Dave.." nagulat ako sa pangangatal ng boses ko. Napatingin sakin si Dave at akmang lalapit. Pero isang hakbang pa lang nagagawa nya nang magsalita ulit si Kat.
"G-gusto mo si Julie??"mahinang tanong ni Kat. Ramdam ko sa boses nya ung sakit. Mabait si Kat. Hindi sya dapat nasasaktan ng ganito. Kag*guhan naman kasi ni Dave e! Kung ano anong sinasabi! Alam ko namang sinabi nya lang yon para inisin si Carlo. Tama, yun nga. Hindi totoo ung sinabi nya na gusto nya ako.
"K-Kat, m-mali ka ng dinig. H-hindi ako gusto ni Dave. Di ba Dave?" sabi ko. Pero sa loob loob ko, hinihiling ko na sana totoo na lang ung sinabi nya.
Napalingon si Dave sa kinatatayuan ko. Halata ung pagkabigla nya sa sinabi ko.
"Julie! Ano ba--"
"Tara na Julia." putol ni Carlo sa sinasabi ni Dave. Tapos naramdaman ko ung kamay ni Carlo sa kamay ko.
Hindi na ko tumutol. Nawalan na ako ng lakas. Naubos dun sa huling sinabi ko. Hindi naman kasi un ung gusto kong paniwalaan e. Pero alam kong tama tong ginawa ko. In the first place, mali naman kasi na magkagusto ako kay Dave lalo na't alam ko na may girlfriend sya. Badtrip naman kasi tong puso ko e.
Pagpasok ko sa kotse ni Carlo, nakita ko mula sa side mirror na nakalapit na si Kat kay Dave. Mukhang naniwala naman sya sa sinabi ko. Pero nung umaandar na ung kotse, nasaktan ako sa nakita ko. Magkayakap na silang dalawa. Ang bilis ah. Nagkaayos na agad sila? Tsss.
*sigh*
"Wag mo ng isipin un. Magkakabati din sila." sabi ni Carlo sabay hawak sa kamay ko habang nagmamaneho sya. Nananadya ba to? Alam naman nyang gusto ko si Dave tapos un ung sasabihin nya. Pero, yun naman talaga ung dapat e. Yung magkaayos na sila. Misunderstanding lang talaga ung kanina. Pero, aaminin kong nasasaktan ako kasi umasa ako na totoo na gusto ako ni Dave. Hayst.
"Okay." yun lang ang sinabi ko tapos hinatak ko ung kamay ko mula sa pagkakahawak nya. Nakita kong nagulat sya sa ginawa ko. Hindi ko gustong saktan si Carlo. Inamin ko naman na sakanya kung ano ung nararamdaman ko para kay Dave e. Pero ayaw pa rin nyang sumuko. Saka, wala rin ako sa mood ngayon. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
Wala ng nagsalita saming dalawa pagkatapos nun. Sandali lang kaming nasa kotse nya pero pakiramdam ko ang tagal namin dun.
"Salamat sa paghatid. Ingat ka." sabi ko nung nasa tapat na kami ng bahay namin. Pero bago ako makababa ng kotse nya, naramdaman ko ung paghawak nya sa kamay ko. Pinipigilan nya akong lumabas.
"Sandali lang Julia."
"Gabi na Carlo. Umu--"
Hindi ko na natapos ung sasabihin ko kasi naramdaman ko na ung paglapat ng labi nya sa labi ko. Hindi ako nakareact agad sa paghalik nya sakin. Nabigla kasi talaga ako. Pero nung maramdaman ko na ung kamay nya sa bewang ko, nagpupumiglas na ako. Pinilit ko syang itulak papalayo sakin pero walang epekto. Mas malakas sya sakin. Hanggang sa bumaba ung paghalik nya sa leeg ko.
"C-Carlo... W-Wag please.." pautal utal kong sabi. Noon ko lang napansin na umiiyak na pala ako. Akala ko hindi na sya hihinto pero pagkasabi ko nun, huminto sya. Saka ako dali daling lumabas ng kotse. Muntik pa nga akong madapa dahil sa sobrang panginginig at panghihina ng buong katawan ko.
Bago ako tuluyang makapasok ng gate namin, naramdaman ko na naman ung kamay ni Carlo sa kamay ko. Agad ko namang binawi ung kamay ko sakanya.
"Sorry Julia. Di ko sinasadya."
"U-Umalis ka n-na. A-ayaw na k-kitang makita k-kahit kailan!" sigaw ko sakanya. Tapos tumakbo ako papasok ng bahay.
Ramdam ko pa rin ung panginginig ng katawan ko. Sobrang natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit nya ginawa un. Hindi naman ganon si Carlo e. Natatakot na ako sakanya. Hindi ko mapigilan ung panginginig ng katawan ko pati ung pagtulo ng luha ko.
Siguradong pagnalaman to ni Dave, baka mapatay nya si Carlo. Kaya di nya dapat malaman to. Pero ganon nga kaya ang gagawin nya? Baka hindi. Kasi malamang masaya un ngayon, kasama ung girlfriend nya. Tapos bukas, iiwasan na nya ako ulit dahil ayaw nyang mag away ulit sila ni Kat. Tss. Lalo ka lang nanghihina at nasasaktan sa mga pinag iisip ko. Pero alam kong posibleng mangyari ung mga yon.
"Julia, anong---" boses ni Mama ang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.