steph's
Sumasakit na ulo ko kakaisip!!
Una, bumalik na si Carlo. Oo. Si John Carlo Galvez----ung galunggong na ex ni Julia. Sayang un. Ang gwapo pa naman. Ang ganda pa ng voice. Kaso manloloko!!!
Pangalawa, kilala pala ni Julia ung gwapong leader ng gang na si Dave. Paano?? Saan??? At kailan sila naging magkakilala?? Dami pa lang dapat ikwento sakin ni Julia!
Pangatlo, kinukulit ako ni Lance na tulungan ko sya sa balak nyang panliligaw kay Julia. Ginawa pa talaga akong tulay hah! Nakakainis lang talaga. Akala ko nung una yayayain lang nya sa JS prom si Julia, pero un pala nanliligaw na talaga.
Hayst.
Ang haba ng hair mo friend..
Absent nga pala si Julia kaya eto, mag isa lang ako sa library. Di naman talaga ako masipag mag aral, si Julia lang un. Wala kasi akong matambayang iba kaya nandito ako sa library.
"Steph, absent pala si Julia?"
TT.TT nakow naman. Hanggang dito ba naman sa library??
"O Lance! Nandito ka pala. Oo. Absent nga sya."
"Bakit? Dahil ba dun sa ex nyang si Carlo?"
Alam naman pala. Nagtanong pa!! Grrrr. Nakakairita talaga tong lalaking to!!
Chill lang Steph. Smile lang..
Smile- ñ_ñ
"Ah eh. Hindi ko alam e. Di ko pa kasi sya nakakausap"
Charrr! Ang totoo nyan, nagsabi naman si Julia sakin na hindi muna sya papasok. Alam naman nya kasi na sya lang lagi kong kasama dito sa school. Marami naman kaming ibang friends kaso sya lang talaga lagi kong kasama eh.
"Ah. Nagtext na ko sakanya kaso wala pa ring reply."
"Ah Okay"
Makapagbasa na nga lang ulit. Baka sakaling umalis sya pagnakita nyang nagba-----
"Uy Steph. Tutulungan mo naman ako sa panliligaw ko kay Julia di ba?"
AY AMBOT!
"Hehe. Oo naman. Boto nga ako sa'yo para sa bestfriend ko eh"
Oooopppssss..
Totoo un ah. Boto talaga ako kay Lance para kay Julia. Bukod sa matalino na, mabait pa tapos ang gwapo pa. Ganda rin ng wankata! Woot! Woot!
Kaso nakakairita talaga sya! Di ko alam kung bakit pero naiirita talaga ako. Siguro dahil sobrang kulit nya...
"Thanks Steph! Magsisimula na ako bukas pagpasok nya. Thank you talaga. Pag napasagot ko si Julia, bibigay ko kahit anong gusto mo!"
"Talaga lang ha."
"OO! Basta mapasagot ko lang sya."
"Okay."
"Ikaw ba Steph? May boyfriend ka na ba?"
o_O
"Saan naman nanggaling yang tanong na yan?"
"Huh? Wala lang. Para makilala lang kita."
"Hmmm.. Bakit mo ako gustong makilala? I mean... si Julia naman ung... errr... liligawan mo di ba?"
Ang awkward ng tanong ako. Powtek. Pabigla bigla naman kasi ng tanong tong si Lance eh..
"Yun na nga eh. Bestfriend ka ng, ahem, future girlfriend ko. Kaya dapat makilala din kita"
Ang hangin much??
Pero may point sya. Dapat ngang magkakilala kami. Future boyfriend nga naman sya ng bestfriend ko...
E ano ba namang isasagot ko sa mokong na to? Di ko pwedeng sabihing hindi pa ako nagkakaboyfriend. Na NBSB ako. T.T Nakakahiya naman un. Kahit nga si Julia na napakahilig mag aral eh nagkaBF na.
Nakakainis!! Bakit ba naman kasi walang nanliligaw sakin?? Maganda naman ako. Di ako mataba nor payat, ung tama lang. Di rin ako matalino, di rin bobo. Average ako...
Un nga!! Masyado siguro akong AVERAGE kaya walang nagkakagusto sakin. :((
"Steph??"
"Ay butiki ka!!... O Lance? Nandyan ka pala!"
Anu daw?? Ampupu ko talaga!
"Huh? Hehe. You're so funny Steph.. So gaano na kayo katagal?"
"Nino?"
"Nung boyfriend mo."
O_O
"Kailan ko sinabing may boyfriend ako??"
"I just assumed it. Impossible kasing sa ganda mong yan e wala kang boyfriend"
MAGANDA DAW AKO O!
>/////
Alam ko naman un! Kaso iba pa rin pala pag sa iba nanggaling, lalo na pag sa lalaki... Weeeehhhh...
"Ah hehe. Napakabolero mo naman pala!"
*hampas sa braso ni Lance*
"Huh? Hindi naman pambobola un. O ano na? Kilala ko ba ung bf mo?"
"Ah eh. H-Hindi mo sya kilala! Ano kasi eh... Sa, sa ibang school sya nag aaral. Tama. Hindi sya dito nag aaral." mautal utal kong sabi. Ang galing kong mag imbento. T.T
"Ah ganon ba. So gaano na kayo katagal?"
"Mag 1 year na kami next month. Hehe. Tagal na namin no?"
"Oo nga noh. Ang tagal nyo na. Uhm. Una na ako Steph ah. Maghahanda pa kasi para bukas. Bye.."
"Bye. Good luck!!"
*sigh*
PATAY AKETCH!! Paano ko mapapanagutan ung mga pinagsasabi ko!!
+++++++++++++++++
COMMENTs?
SUGGESTIONs?
VIOLENT REACTIONs?
Go lang! They are HIGHLY APPRECIATED.
:))