julianne's
*inhale*
*exhale*
*inhale*
*exhale*
TT_TT
Kainis! Walang epekto! Kinakabahan pa rin ako. Ganito ba pag first time?
Waah! Ayoko na ta--
"Julia!"
"Ay shomai! Ma naman! Wag mo nga akong gulatin!"
"Huh? Di naman kita ginulat ah. Tinawag lang naman kita. Anyway, bumaba ka na. Kanina ka pa hinihintay ni Carlo sa baba."
Wah! Anong gagawin ko?? Parang ayoko na talagang pumunta e. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko maintindihan kung bakit pero eto o, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.
"M-Ma, parang a-ayoko na hong pumunta." pagkasabi ko nun natawa si Mama tapos lumapit sya sakin at hinarap nya ako sa salamin.
"Anong ayaw na? Bakit? Sayang naman yang gown mo. Tignan mo nga. Bagay na bagay sa'yo."
Tinignan ko ung repleksyon ko sa salamin. Medyo tama naman si Mama. Di ko expected na may babagay palang gown sakin.
"Kahit na Ma. Kinakabahan po talaga ako e. Papano pag natapilok ako dito sa suot kong sandals? E ang taas taas nito. Siguradong puputulin ng mga doktor ung paa ko pagnagkataon! Saka paano pag biglang nasira ung damit ko?! O kaya maapakan ko si Carlo habang sumasayaw kame? Ma hindi ako marunong sumayaw!!"
"Hep! Julia, relax ka lang. Hindi naman siguro mangyayari sa'yo ung mga sinabi mo. Sige na. Bumaba na tayo."
"Sure ka Ma? E pano pag---"
"Tsk. Baba na Julia.." sabi ni Mama tapos tinulak nya ako palabas ng kwarto ko.
"Ma naman e. Buti na lang hindi ako natapilok."
"Sus, hahayaan ko ba un? Sige na. Baba na."
Sinunod ko si Mama. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan namin. Isang hakbang pa lang pababa ang nagagawa ko, nakita ko na agad si Carlo. Inaabangan na pala nya ako sa baba ng hagdan. Feeling ko tuloy isa akong prinsesa na hinihintay ng kanyang prince charming ko. Mukhang isang prinsipe si Carlo. Ang gwapo gwapo nya sa puting tuxedo nyang suot. Para syang isang prinsipe na lumabas sa isang fairytale book. Kulang na lang kabayo pati ung espada nya. Waah! Ano ba naman tong mga iniisip ko?! Kinikilig ako ng bongga pero kinakabahan pa rin.
Konting baitang na lang ang natitira nung marinig kong magsalita si Yssa..
"Ma, si Ate Julia mukha talagang prinsesa.. Ang ganda ni Ate!"
Napangiti naman ako sa sinabi ni Yssa kaya bago ako tuluyang bumaba ng hagdan, nilingon ko muna sa Yssa sa itaas ng hagdan..
"Thank you Yssa."
"E ate, nasaan na si Prince Charming mo?"
"Eto o, si C-Carlo. Di ba mukha syang prinsipe?" Nahihiya man ako kay Carlo, e pinatulan ko na ung pantasya ni Yssa na isa akong Prinsesa..
Nakita kong parang nag isip sandali si Yssa...
"Hmmm.. Oo nga. Mukha syang prinsipe kahit na sya ung evil witch.."
O___O
Nagulat naman ako sa sinabi ni Yssa. Hindi pa rin pala nya nakakalimutan un.. Nakakahiya na talaga kay Carlo.
"Shhhh.. Yssa. That's rude.. Say sorry to your Kuya Carlo." saway ni Mama kay Yssa.
"Okay lang po un Tita.." sabi naman ni Carlo habang nakangiti.
"Sorry kuya Carlo.. E ate, ung isang Prince Charming mo nasaan? Si Kuya Dave?" inosenteng tanong ni Yssa.
(_ _")
Paano ko ba sya sasagutin? E hindi ko naman alam kung nasaan un?
Nag iba ung mukha ni Carlo dun sa sinabi ni Yssa. Pero di ko na lang pinansin kasi nagsalita na si Mama.
"Ah si Dave? Nandun na siguro yon."
"Ma? Pupunta si Dave sa prom??" Tama ba ung pagkakaintindi ko sa sinabi ni Mama?? Nandun nasa prom si Dave??
"Di mo ba alam? Pupunta din si Dave dun. Nakausap ko si Tita Rose mo kanina. E nagpaalam nga daw si Dave na pupunta dun sa prom nyo kasama si Kat. Sino ba ung Kat na un? Girlfriend nya ba un?"
Girlfriend? Hindi ko alam. Wala naman nasabi si Dave tungkol dun. Ang alam ko lang nagtatawagan sila sa cellphone. Hayst.. Bakit ba nararamdaman ko na naman to? Para akong naiinis na nalulungkot na naiiyak na ewan. Tsk!!
"Hindi ko ho alam Ma." Wag na lang kaya ako pumunta talaga? Kaso... Nandito na si Carlo e. Alangan namang pauwiin ko sya.. Saka gusto ko naman to e. Ako pa nga nagyaya kay Carlo na pumunta sa prom di ba? Actually, nung Tuesday pa lang niyaya na nya ako(invited din kasi sya ng school admin since naging student din naman sya ng school), kaso hindi ako pumayag kasi nawalan ako ng mood.
Lalo ata akong kinabahan ah. Ung bilis ng tibok ng puso ko kanina, dumoble pa. Parang sumikip ung gown ko, hindi tuloy ako makahinga ng maayos. Tapos parang sumasakit pa ung tyan ko. Kailangan ko ata ng CR. T___T
"Tita, aalis na po kami. Baka po kasi ma-late kami e." sabi ni Carlo tapos inalalayan nya ako pababa ng hagdan. Nasa pinto na kami nung lumabas si Daddy mula sa kusina.
"Teka. Carlo... Kailangan before midnight naiuwi mo na si Julia ha."
Midnight daw. As in 12 midnight. Para naman akong si Cinderella nyan e. Pero utos un, hindi pakiusap. Ayaw pa man din ni Daddy ng hindi tumutupad sa usapan. Medyo hindi pa rin kasi sya tiwala kay Carlo e. Kaya mas lalo syang mahigpit ngayon kesa dati.
"Yes po Tito." sagot ni Carlo.
"At isa pa pala, nakausap ko na si Dave, babantayan nya kayo."
O_________O
Ano daw?? Babantayan?? Ano kame?? Mga bata??
"Ma!! Dad!! Anong babantayan?!"
"What?? Marami akong nababalitaan na nangyayari sa prom na yan. Kung ako nga lang, ayaw na sana kitang papuntahin sa prom nyo kaso etong Mama mo. Kailangan mo daw maexperience ung prom. Tsk. O sya. Ingat sa pagda-drive Carlo. Remember, before 12midnight." paliwanag ni Daddy. Nakakainis naman sila! Bakit kailangan pa kaming bantayan?? Hindi naman na kami bata ni Carlo ah!!Tapos si Dave pa ung magbabantay samin!! Ayoko na talagang pumunta!
"Dad! Hindi na ho ako pupunta!"
Kainis!
ò_ó