stephanie's
Click
Click
"Smile guys!!"
Click
"This is for the School's Newspaper. Dali na! Smile!!"
Ayos talaga to.
Hayst. Atleast, kahit wala akong date, nakapunta pa rin ako.
[flashback]
"Steph!"
O bakit nasa labas na ng school si Lance? Uuwi na din ba sya? Himala. Hindi sya mag aaral? Simula kasi nung 'binasted' sya ni Julia, mas napadalas pa ung pag aaral nya kesa sa dati.
"Lance! Bakit?"
Ngumiti sya sakin bago sumagot.
"Ha? E kasi.. W-wala lang. Pwede sumabay hanggang kanto?"
Dubdub dub dub..
Sasabay sya sakin?
Dubdubdubdub
Bakit??
"Hindi ba pwede?" tanong nya.
"Ha ha ha!! Syempre pwede. Di naman akin ung daan e. Ikaw talaga!*palo sa braso* Tara na nga!"
Ngumiti ulit sya tapos nagsimula na kaming maglakad. Napansin kong parang hindi sya mapakali. May problema ba sya??
"Okay ka lang Lance?"
"W-Wala... W-wala un.."
-____-
Sus.. Halata namang meron e.
"Spill it out Lance!!" sabi ko na nakataas ung isang kilay.
"Ung sa prom... Will you be..."
O____O
prom??
Shocks! Don't tell me yayayain nya ako sa prom??! To be his date?!!
"P-prom? H-Hindi kasi ako pupunta dun."
Biglang lumungkot ung mukha nya sa sinabi ko. Shocknesss!! Gusto ba nya talaga akong maging date nya??? Waaahhh!! O/////O
Haha!! Mag assume daw ba ako!! Ano nga kaya un??
"Ah ganon ba.. Kasi ano ee.."
"A-ano un? Malay mo magbago isip ko sa sasabihin mo."
Halatang halata ang pag aalinlangan sa mukha nya. Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita ulit.
"Ano e.. Steph.. Will you be.."
"Ano??"
"Will you be.. Tsk. Wag na nga.." sabi nya tapos naglakad ulit ng nakayuko. Ano ba kasi un at hindi nya masabi masabi?? Baka nga yayayain nya akong maging date nya kaso nahihiya sya..o_O
"Hoy Lance!! Ano ba un?!" pigil ko naman sakanya. Kailangang malaman ko kung ano un. Baka kasi di ako makatulog kakaisip e.
"Will you be... our Official Photographer for the School Newspaper?!"
"I would love to!"
Halos sabay naming sinabi. Huli na nung marealize ko ung sinabi nya..
"Photographer??!"
"Oo. For the school newspaper. Ipi-feature kasi namin ung JS Prom e. Kaso wala kaming photographer. We heard that you're like a professional sa photoraphy. Thank you talaga sa pagpayag mo Steph!!"
He asked me to be the photographer sa JS prom?? I mentally hit my head using an imaginary hammer.. Stupid Steph!! Bakit ko ba naisip na gusto akong maging date ni Lance sa prom e si Julia, ung BFF ko, ung gusto nya. Wag kasing assuming Steph!! Tsk!
Hayst. Ayos na rin to. Matagal ko na rin naman ng gustong maging photographer ng school newspaper e. Dream cone true na rin kahit papano.. Ewan ko ba kung bakit disappointed ako. Tsk.
"W-wala un."
"See you tomorrow then. Bye!!" he said. Akala ko aalis na talaga sya. Nandito na kasi kami sa kanto e. Pero nagulat ako nung bumalik sya..
"O bakit? May nakalimutan ka?"
"Meron." sabi nya. Then he lowered his face and kiss my cheek.
"Lance?"
"Thank you. See you tomorrow, beautiful."
[End of Flashback]
Di ako pinatulog nung ginawang paghalik ni Lance sa pisngi ko. Iniisip ko kasi kung bakit nya ginawa un e.. Hindi ko na kasi sya natanong e. Sumakay kasi sya agad. Ang awkward naman pag tinanong ko pa sya ngayon o sa susunod na mga araw. Baka isipin pa nya na hindi ako makaget over sa sweet gesture nya na un. Ganon ba talaga syang mag 'thank you'? I think I shall start doing him more favor from now on.
O__O
Hayst.. Ang weird ng pakiramdam ko! Kinikilig ba ako?? Waaaah.
"Steph??!"
"Julia!!! K-Kanina pa kita hinahanap ah!! Akala ko hindi ka na pupunta e!" bigla bigla namang sumusulpot tong si Julia. Pero totoo namang kanina ko pa sya hinahanap e.
Nakita kaya nya ako nung kinikilig kilig ako??
"Naku muntik na.. Steph bagay na bagay sayo ung gown na pinili ni Tita Rose! Ang ganda ganda mo. Saka sexy pa!" weeew. Mukhang hindi naman nya ako nahuling kinikilig..-___-
Ung tinutukoy nya ung Mommy ni Emman and Dave. Sumama kasi ako sakanila nung bumili sila kahapon e. Biglaan lang kasi ung pagpunta ko dito. Tsk.. Nahihiya nga ako sa mommy ni Emman e. Talagang sya pa ung pumili sa susuotin ko. Ang galing nga ng fashion sense nya e. Malamang magkakasundo kami ni Tita pagdating sa mga fashion ek ek..
"Sus! Ikaw din kaya
friend! Ang ganda ganda mo! Para kang prinsesa!!"
"Thanks. So, kinakarir mo talaga ang pagiging photographer a.."
"Kailangan e. Nasaan si Carlo?"
"Nan---"
"Steph!"
Hindi na natuloy ni Julia ung sasabihin nya kasi may tumawag sakin... Si...
"L-Lance? Bakit?"
"Kasi kai--- J-Julia?" Di na rin na tuloy ni Lance ung sasabihin nya dapat sakin kasi nakita nyang kasama ko si Julia. Napatitig sya sa kaibigan ko. Halata na namangha sya sa nakita nya. Ganda kasi ng bestfriend ko e. Pero nag iba ung expression ng mukha nya from amazement into something na parang pinaghalong lungkot and disappointment.
"Ano ung sasabihin mo Lance?"
Tumingin sya sakin bago nagsalita.
"We need to take some pictures of the guest of honor. Tara."
"Wait Lance. Why don't you just stay here with Julia then ako na lang pupunta dun. Or better yet, isayaw mo muna tong bestfriend ko."
Hindi ko na sila hinintay na magreact. Iniwan ko na lang sila don. Bahala na sila kung mag uusap sila or magsasayaw or both. Atleast kahit papano, tinulungan ko si Lance kay Julia kahit na hindi na sya nanliligaw sakanya.
Hayst.
Bakit parang hindi ata ako makahinga?? Bakit parang biglang lumungkot ako at naiiyak?
Hindi pwede to! NO!
Hindi ako pwedeng magkagusto sakanya!
Not Lance please!