mnj ch43.b

16.2K 201 110
                                    

Julianne's


Baliw ka na talaga Julianne. Isa kang baliw. Anong pumasok sa utak mo at pumayag kang makipagkita kay Kat? Nasisiraan ka na talaga. Di mo man lang ba naisip na member ng gang un?

Di ko alam! Waaaaaah. I mean, di ko alam kung bakit bigla na lang akong pumunta. Basta nung pagkabasa ko nung text nya, decided na ako na di ako pupunta at makikipagkita sakanya kahit na anong mangyari. Ewan ko ba. Namalayan ko na lang nagreply na ako sa kanya na dito kami sa coffee shop ng isang mataong mall magkita. Infairness naman sakin kahit wala ako sa ulirat, naisipan ko pa rin na sa mataong lugar kami magkita. Atleast di nya ako mapapabugbog, ang dami kayang tao dito sa mall lalo na't Linggo ngayon.


Sa totoo lang, a part of me says that it's time to talk to Kat. Nakakatakot isipin kung ano ba ung sasabihin nya at kung ano ba ung masasabi ko. Pero ano pa Mabang mawawala sakin? I already gave up on Dave. Seriously though, there's nothing to give up. Wala namang "kami" in the first place.


Ayokong magsinungaling sa sarili ko at isiping di ko mahal ung mokong na un. Pero ano pa bang dapat kong gawin? May girlfriend naman talaga sya. Hay. Ano ba naman kasing pumasok sa puso ko at minahal ko sya? Maling mali naman kasi talaga. I think kailangan kong mag apologize kay Kat. After nun, aalis na ko. Hindi ko na hihintayin ung sasabihin nya. Tapos magmo-move on na talaga ako. Tama. Yun ang dapat kong gawin.


"Uhm. Excuse me, miss." I was so on deep with my thoughts that I almost didn't notice someone calling me.


"Yes?" I asked looking at him. Nakaupo ako at sya naman nakatayo, at obvious naman na matangkad sya kaya todo tingala ako.


"Can I please share the table with you. If you don't mind." he asked sounding kind of apologetic. Tinignan ko muna ung paligid ng coffee shop. Punong puno pala talaga ng tao. Gaya nga ng sabi ko, Linggo kasi ngayon at sikat na puntahan ng mga tao tong mall na to.


"Sorry. But I am actually waiting for someone." Kung pang apatan lang sana ung inuupuan ko, baka pinayagan ko sya. Kaso pang dalawahan lang e.


"Sige na miss. Sandali lang. Na-sprain kasi tong paa ko kanina kaya di ko kayang tumayo ng matagal. May hinihintay lang din ako. Ganito na lang. Pag dating nung boyfriend mo, aalis din ako agad saka ako na din mag eexplain kung bakit ako nakiupo." he suggested. Tinignan ko muna ung paa nya kung talagang na-sprain. Mukhang legit naman kasi naka sandals lang sya kaya kita ung benda ng kanang paa nya.


"Okay sige. You can take a seat. And by the way, di ko boyfriend ung hinihintay ko." I said trying to smile even though nao-awkward-an ako sa sitwasyon.


"I see. Thank you ha. I'm Pierre." he said then inoffer nya ung kamay nya for a handshake which I instantly received out of courtesy.


"Julianne." sabi ko sabay baba ng kamay ko. Buti na lang full charge tong cellphone ko at nakabili na ako ng coffee. Atleast may mapagkakaabalahan ako habang hinihintay si Kat. Di naman sya late. Maaga lang talaga ako.


Halos sampung minuto na ang nakalipas pero di pa rin dumadating si Kat. Five minutes to go bago ung time na pinag usapan talaga namin. Sana lang dumating sya ng maaga kasi ang awkward na talaga. Dyahe naman kasi. Di naman kasi naman kilala ung isa't isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon