mnj ch16

71.1K 455 58
                                    

carlo's

Bakit pa nga ba ako bumalik? Matagal na ring panahon ung lumipas. One and a half year. Di ko expected na babalik pa rin ako dito, na babalikan ko sya, after all that had happened. After ng lahat ng nagawa ko sakanya.

Gago kasi ako e. Masyado akong naging mahina.. Natakot akong piliin sya over Wendy. Natakot akong dalin sa konsensya ko habang buhay ung posibleng mangyari kay Wendy pag iniwan ko sya.

Wendy was my bestfriend. She was suffering from cancer of the bones, by the time na maging kami ni Julia. I know very well that her(Wendy) love for me was not like the kind I have for her. She loved me romantically. But me, on the other hand, fell inlove with the nerdy Julia. Nakakatawa kasi pinagpalit ko si Wendy na isang Nerd sa kapwa nya Nerd. Kaya siguro lalong lumala ung sakit ni Wendy dahil sa pagiging brokenhearted sakin.

Nung una, i thought it was fine kay Wendy na may iba akong girlfriend. But it's not pala. She lost her appetite on everything. Ayaw kumain, uminom ng gamot, even magpa-chemo ayaw nya. And so, her health gotten worst. Humina sya, to the point na binigyan na sya ng taning ng doktor. And the only way for her to survive was to undergo an operation sa Amerika. But she refused. Ayaw nya... Unless kasama ako.. I was her source of strength. Ganon nya ako kamahal.. And so i decided to go with her. Oo, mas pinili ko si Wendy over Julianne. Hindi dahil mas mahal ko si Wendy kaysa kay Julianne.. But dahil alam kong mas kailangan ako ni Wendy..

The day when Julianne saw me kissing Wendy, sinadya ko un. Alam kong un ung dinadaanan ni Julianne pag umuuwi sya. Hindi ko kasi alam kung paano magpapaalam sakanya. Kasi alam ko sa sarili ko na kapag hindi sya pumayag, malaki ang chance na hindi nga ako sumama. Ganon ko kamahal si Julianne. I just really can't afford to be away from her but I knew I have to.

Nung nasa Amerika na kami ni Wendy(kasama namin ung parents nya), nakikibalita pa rin ako ng tungkol kay Julia. Dumating pa nga sa point na nagsabi ako na uuwi muna ako sa Pilipinas dahil nabalitaan ko na pinapabayaan ni Julianne ung sarili nya.. Hindi daw kumakain, walang imik at di nagsasalita.. I knew na nasaktan ko sya ng grabe.

Pero di na ako natuloy sa binabalak kong pag uwi dahil si Wendy naman ang sumama ang lagay. Nung time na un, sobrang gulong gulo ako.. Kasama ko si Wendy pero si Julianne ang nasa isip ko. Pero I still chose na mag stay for Wendy..

One day, kinausap ako ng parents ni Wendy. Nagulat ako sa hiningi nila sakin. They asked me to marry their daughter. Syempre ayoko kasi di ko naman mahal si Wendy. I mean, oo, mahal ko sya as my bestfriend. But hanggang doon lang talaga un. Wendy is not Julianne at si Julianne lang ang gusto kong pakasalan. But seeing how weak Wendy was, I agreed with them. Pinakasalan ko sya. We were just 16 by that time kaya kinailangan pa ng parent's consent. Kaya pumunta din ung parents ko sa Amerika.

After ng kasal namin, i decided na kailangan ko ng kalimutan si Julianne. At si Wendy na lang ang mahalin. Yeah, I tried to forget her. Pero niloloko ko lang talaga sarili ko kasi deep inside I know na hinding hindi ko sya makakalimutan si Julianne at na sya lang talaga ang mahal ko..

After a year of battling with her illness, di rin kinaya ng katawan ni Wendy. Oo, namatay din sya. But before sya mamatay, she asked me to go back to Julianne. Actually, she made me promise na magkakabalikan kami ni Julianne. Nagsorry din sya sakin dahil nalayo ako sa taong mahal ko dahil sakanya. Nagsorry din sya kay Julianne.

Di agad ako nakauwi sa Pilipinas dahil tinapos ko muna ung pag aaral ko dun. Another request ni Wendy.

Pagkauwi ko sa Pilipinas, dumeretso agad ako kila Julianne. But I saw her with another guy. Galing sila sa loob ng bahay ni Julianne. Di naman sila nagkiss or anything, I even doubt if nag usap sila eh. But still, it made my blood boils. So, I decided na umuwi na lang muna..

But I texted her. I asked her kung sino ung kasama nya kanina. Mukha lang ngang tanga kasi miss na miss ko na sya pero inuna ko pa ung selos ko.. Maya maya nagreply sya, sino daw ako..

I decided natawagan sya. Pero di na nya ako nakilala, I mean ung boses ko. Nasaktan ako nun. Pero alam kong kasalanan ko naman kung bakit nya ako nakalimutan ee. Nung narinig ko ung boses nya, lalo ko syang namiss. Lalo kong narealize na kailangang mabalik ko sya sakin. At gagawin ko lahat para maging akin ulit siya..

=======================

As usual, hindi na naman kasya ung nagawa ko. Kaya putulin ko na lang muna dito. Next time na lang ung kasunod ng POV ni Carlo..hihihi.

Comment?

Vote?

Thanks for reading! :))

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon