mnj ch43.a

19.5K 283 118
                                    

julianne's

Tok tok tok

"Julia, anak. Babain mo na si Carlo. Kanina ka pa nya hinihintay."

Hayst. Ang kulit nga naman ng lalaking un. Sinabi ko na sakanya, sa text, na ayaw ko muna syang makita at makausap. Pero araw araw pa rin syang pumupunta dito sa bahay. At ang lakas din naman ng loob nya na pumunta dito samin.

"Ma, pauwiin nyo na sya. Ayoko po syang kausapin."

Yes. Tama kayo. Wala pa rin akong pinagsasabihan sa ginawa nya sakin. Di ko alam kung bakit di ko masabi kila mama. Siguro dahil ayoko na ring isipin. Isang linggo na ung nakakalipas nung nangyari un. But I still cant get myself to think of what Carlo did.. Or ung kay Dave.

Narinig ko muna ung buntong hininga ni Mama at saka sya bumaba. Di ko alam kung bakit parang nalulungkot si Mama na ayaw kong kausapin si Carlo. Dahil ba hanggang ngayon e umaasa sya na magkakabalikan kami ni Carlo. Sorry mama. Pero walang wala ng pag-asa pa.

Tok tok tok.

Ang kulit din nitong Mama ko e. Nahawa na ata kay Carlo.

"Ma, ayoko po talaga syang kausapin. Pauwiin nyo na po sya"

"So, napipilitan ka lang pala na kausapin ako pag dinadalaw kita."

Nagulat ako nung hindi si Mama ung pumasok.

"Emman! Haha. Sorry. Akala ko ikaw si Mama."

Well, di na ako nabigla na nandito si Emman ngayon. Bukod kasi kay Carlo e itong si Emman ung araw araw na bumibisita sakin. Simula nung maospital ako ng 2 days hanggang nakauwi na ko dito sa bahay, di pumapalya tong si Emman sa pag dalaw sakin. E daig pa nya ung bestfriend ko e. Saka ung kuya nya na di man lang dumalaw bukod nung isang beses na nasa ospital ako.

"Excuse me sa Mama mo pero mas maganda ako sakanya." He said while comically combing his non existing long hair and immitating a girl's voice. Di ko napigilan ung tawa ko sa ginawa nya. Of course, he's not gay. Funny lang talaga tong si Emman. Oh yes, ngayon ko lang din nalaman na may funny side din pala tong tahimik at medyo suplado na lalaki na to. And besides, hindi gay ang lalaking may gusto sa bestfriend ko, kay Steph.

"So, what's brought you here?" I asked even if alam ko naman ung sagot.

"Wala lang. Dinadalaw ka lang."

"Aysus." I said while rolling my eyes. "Nag deny pa talaga. Dalaw ka dyan. You know so well na wala na akong sakit kaya tigilan mo ako dyan sa dalaw dalaw mo. And sorry pero di pa nagtetext si Steph kung pupunta ba sya ngayon o hindi."

Pag tingin ko kay Emman, nakayuko sya at halatang nahiya. Napahiya ko ata.

"Gusto naman talaga kitang dalawin e." Sabi nya habang nakayuko pa rin. Hala. Mukhang malungkot pa rin talaga sya. Nakwento nya sakin lahat ng nangyari sakanila ni Steph. Mula nung una silang nagkakilala, nung nagpanggap syang boyfriend ni Steph para di mapahiya kay Lance si Steph hanggang dun sa niyaya nya si Steph na maging girlfriend nya nang totohanan.

Pinuntahan ko sya sa pagkakaupo sa may sahig sa gilid ng kama ko. Tinabihan ko sya at pinatong ko ung ulo ko sa balikat nya. There's nothing romantic sa relasyon naming dalawa. Nung una, medyo naiilang ako kasi nalaman ko nga na nagkagusto sya sakin dati. Pero nung napansin kong panay ang tanong nya tungkol kay Steph at nalaman kong may gusto nga sya sa bestfriend ko, e nawala na ung pagkailang ko sakanya. In fact, sa loob ng isang linggo, naging komportable na ko sakanya. Pero not to the point na ikwento ko sakanya ung nangyari sakin. Nag attempt sya nung una na itanong sakin, pero nung napansin nya na di pa ko ready, di na nya pinilit.

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon