mnj ch9

80.8K 583 61
                                    

dave's

Di ko naman sinasadya na makita ko sila or marinig ko ung usapan nila. Ang ingay kaya nila.

I was talking to Kat on my phone nang may narinig akong sumigaw. Syempre di ko naman sila pinansin.

But what caught my attention was hearing a familiar name.

Paglingon ko, nakita ko si Julie kasama ung kaibigan nya. Un ding kasama nya sa library dati. Ung nagsabi ng kung ano ano tungkol sakin. Oo. Narinig ko nga sila.

Pumunta talaga ako sa library ng araw na un para sana kausapin si Julie. Pero after hearing what that friend of her said, nabadtrip ako bigla. Tapos dinenay pa ni Julie na kilala nya ako.

Nasaktan ako nun.

No, not me but my ego.

So, ayun. Sigurado akong ung kaibigan din nyang un ung sumigaw sa corridor. Bakit ba sya sumigaw?

Tapos may isa pa silang kasama, lalaki.

Nagdalawang isip pa ako kung kasama ba nila talaga un. Kasi parang hinaharang nung babae ung sarili nya sa pagitan ni Julie at nung lalaki.

Love triangle?

Nung makahanap ng tyempo ung lalaki, hinawakan nya agad si Julie.

Nagpaalam na ako kay Kat at sinabing tatawagan ko na lang ulit sya mamaya. May sinasabi pa si Kat pero di ko na narinig kasi pinatay ko agad ung cellphone ko then nilagay ko sa bulsa ko.

Maya maya narinig kong nagsalita si Julie.

"Okay. I will talk to you...but not now. Di ko pa kaya. Sorry"

Nagbreak ung boses nya. It's as if pinipigilan nya ung sarili nyang umiyak.

Pareho yata kami nung iniisip nung lalaki kasi tinanong nya kung umiiyak ba si Julie.

Hinawakan nya ung kamay at muka ni Julie. Parang pinipilit nyang humarap sya sakanya.

"Ayaw nyang makipag usap di ba? Wag mo nang pilitin."

Di ko na napigilan ung sarili ko na maki epal sa usapan nila. Pero di ako nakatingin sakanila.

Akala ko nakatingin sila sakin, pero pag angat ko ng ulo ko, magkaharap na si Julie at ung lalaki.

Nakahawak ung lalaki sa

muka ni Julie tapos sya naman nakatitig lang dun sa lalaki.

Pero bakit parang naiiyak sya lalo?

Teka...

Sya ba ung sinabi ni Yssa na Evil Witch? Yung ex ni Julie?

Lumapit ako sakanila then I grabbed Julie's hand.

"Julie sweetie, UMUWI NA TAYO"

Hindi na sila nakapagsalita. Pero nung nakalayo na kami, narinig kong sumigaw ung lalaki.

"BABAWIIN KO SI JULIA SA'YO!"

+++++++++++++++++++

COMMENT please. :))

Thanks for reading, btw.

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon