mnj ch39.b

51.7K 378 93
                                    

julianne's

Buti naman at huminto na ung nanlilimos. Pero bakit may nagsisigawan? Naku! Mukhang napikon si Dave dun sa nanlilimos ah! Dali dali akong nagtapis ng tuwalya at bumaba.

"Dave--- Carlo!! Ano ba?! Bitawan mo si Dave!!" nagulat ako sa nakita ko. Si Carlo hawak ung kwelyo ng damit ni Dave. Ano bang nangyari? Bakit parang magpapatayan sila??

Ginawa naman ni Carlo ung sinabi ko. Kaso napansin kong nakatitig sya sakin. Nun ko lang naalala kung ano ung itsura ko. Pero bago pa ako makapagreact, nagsalita na si Dave.

"Hoy! G*go ka! Baka gusto mong dukutin ko yang mata mo?!" pagkasabi nya nun, sinara nya agad ung gate tapos hinatak nya ako papasok. Sinarado din nya ung pinto at narinig ko ung paglock nito.

Nagulat ako nung bigla nya akong isandal sa pinto. Tapos ung dalawa nyang kamay nilapat nya sa pinto, sa magkabilang gilid ng mukha ko. Nakatitig na naman sya sakin.

"Dave? Anong--" napahinto ako sa pagsasalita kasi bigla nyang pinatong ung noo nya sa balikat ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa ginawa nya. Ano bang binabalak nya?

"Dave--"

"Julie, lumayo ka na sakin. Please. Baka kung ano pa magawa ko." sabi nya habang humihinga ng malalim.

"Okay ka lang ba Dave?" pilit kong inaangat ung ulo nya para makita ko kung okay lang sya. Kinakabahan na kasi ako sakanya e. Ang init ng noo nya. Napapaso ung balikat ko. Pati ung mukha nya mainit din ung dating sa mga kamay ko.

"Julie, please lang." sagot lang nya habang nakayuko pa rin.

"Please rin Dave! Humarap ka sakin para malaman ko if okay ka lang. Ang init mo kasi e. Nilalagnat ka ba? Kumain ka na ba? Kailangan mong uminom ng gamot."

Narinig ko ung pagtawa nya. Wala namang nakakatawa dun sa sinabi ko ah!

"Hoy Dave! Humarap ka na sakin. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?"

"Tsk. Heto ako, iniisip na baka kung ano ung magawa ko sa'yo. Pero ikaw nakuha mo pang isipin kung kumain na ba ako." sabi nya habang nakayuko pa rin.

"E kasi--"

Di ko na naman natapos ung sasabihin ko kasi humarap na sya sakin. Di ko maintindihan kung ano ung meron sa mata nya. Pero halos kapareho to nung tingin nya sakin kagabi.

"Okay lang ako Julie. Pero tama ka, gutom na ko. Kaya magbihis ka na para makasunod na tayo sakanila." he said while giving me his beautiful smile. Ung ngiti nya na nakakapanghina ng tuhod ko, ung nakakapagpapula sa mukha ko ng sobra, ung nakakapagpataranta sa puso ko..

"Sige." masigla kong sagot habang nakangiti.

"Hmmm. Pero kung gusto mo wag na lang tayong sumunod sakanila. Ipagluto mo na lang ako."

"Eh???!"

+++++++++

dave's

"Tara na Dave! Sumunod na lang tayo sakanila!!" pagpupumilit ni Julie. Kahit magmakaawa pa sya sakin, di kami aalis dito. Sigurado kasi akong nasa labas pa rin ung Carlo na un at hinihintay lang na lumabas kami o may dumating. Tss. Kung alam lang nya, gagabihin ung mga un.

Hayst. Buti nakapagbihis na sya kundi baka maubos na ng tuluyan ung konting selfcontrol na meron ako.

"No. Dito na lang tayo. Ipagluto mo na lang ako. Gutom na ko. Saka di ba kailangan ko pang uminom ng gamot?"

"E ano kasi e. Hindi ako marunong magluto." sabi nya habang nakayuko na parang nahihiya. Pero kahit na nakayuko sya, kita ko pa rin ung pamumula ng mukha nya.

"Tsss. Tara na." sabi ko sabay hatak sakanya papunta sa kusina nila. Nilabas ko mula sa ref nila ung mga gagamitin namin. Sya, nakatulala lang sa mga ingredients na nilalabas ko.

"Dave? T-This is a bad idea." sabi nya ng pautal utal.

"Hmmm. Pwede naman tayong pumunta sa mall kagaya ng gusto mo. Kaso magmomotor tayo. At sa sobrang gutom ko ngayon, malamang wala pang 5 minuto makakarating tayo dun. Tara?" pagkasabi ko nun nanlaki ung mga mata nya. Mukhang naintindihan naman nya ung ibig kong sabihin.

"E marunong ka bang magluto? Baka mapasabog natin tong kusina ni Mama. Patay tayo dun."

"Marunong ako. Tinuruan ako ni Kat. Balatan mo ung patatas tapos hiwain mo ung sibuyas." utos ko sakanya. Tsss. Kababaing tao, hindi marunong magluto.

"Ah.. Dave? Ano palang ginawa mo kay Carlo? Bakit ka nya susuntukin? Kilala ko kasi si Carlo e. Hindi naman palaaway." sabi nya habang nagsisimula na nyang balatan ung patatas.

"Wag ganyan Julie. Papalabas dapat ang pagbabalat. Wag papaloob. Sabi ni Kat mas prone daw sa hiwa pagpapaloob ang pagbabalat." sabi ko habang hinuhugasan ung manok. Sinunod naman nya ako kaso nakasimangot sya. Wala akong balak sagutin ung tanong nya. Alangan naman kasing sabihin

ko sakanya ung sinabi ko kay Carlo. E di nagalit din sya sakin.

Habang naghahanap ako ng kaserola, narinig ko ung pagbagsak ng isang bagay sa sahig. Paglingon ko kay Julie, hawak na nya ung hintuturo nya. May lumalabas na dugo mula dito.

"Shit naman Julie. Ano ba yang ginawa mo?!" dali dali ko syang pinuntahan. Tinignan ko agad ung daliri nya. Pero hinatak nya ung kamay nya mula sa pagkakahawak ko at saka nya sinubo ung daliri nya. Napataas ung kilay ko sa ginawa nya.

"Okay na o. Wala na ung sugat." sabi nya tapos pinakita nya sakin ung daliri nya na wala ng dugo.

"Tss. Bakit mo ginawa un?! Tara nga dito." hinatak ko sya papunta sa lababo saka ko tinapat sa tubig ung kamay nya.

"Okay na nga sabi ako e!" sigaw nya pero parang naluluha na sya.

"Tsss. Paano ka magiging okay e parang iiyak ka na dyan. Sabi ni Kat nakakainfect ung ginawa mong pagsipsip sa sugat mo." nakita kong tumulo na ung luha nya pagkasabi ko nun. Tapos lumayo sya sakin.

"Dave? Pwede bang wag mong banggitin si Kat pagkasama mo ko? Pwede ba un?" sabi nya habang tumutulo ung mga luha nya.

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon