julianne's
TSSS...
Kundi ko lang bestfriend tong si Steph at kung di lang ako nakagawa ng kasalanan sakanya, baka nasampal ko na to sa sobrang kakulitan.
"As in?? Ung gang leader na un ung tinuturuan mo???"
o_O
"Ishteph? Ishang tanong pa!" I said while gritting my teeth. Nakakainis na kasi e. Paulit ulit ung tanong. Paulit ulit din naman ung sagot ko.
"Okay! Chill. So sya nga? Hmm.. You're so lucky friend!"
T_T
"Lucky?*stare*"
"Duh! Friend, si Dave un!! Ang gwapo gwapo kaya nun!! And ang HOT! Tapos tinuturuan mo sya gabi gabi!! Wow! Nakakainggit ka friend!"
*stare*
"Seryoso ka dyan sa sinasabi mo Steph?"
"Hmmm.. Oo. Baket?" she asked innocently.
"Di ba nung 2weeks ago lang e sinasabi mo na SANA hindi si Dave na isang gang leader ung tinuturuan ko??*stare ulit*"
"Ah. Hehe. Sinabi ko ba un? Hehe.*kamot sa ulo* Wala akong maalala friend"
ô_Ô
"Hindi ka dyan! Sabe mo pa nga baka saktan nya ako pag-ummmmpp"
"Shhhhhhh... Shhhh... Please wag mo ituloy. Baka may makarinig sa'yo"
"Huh?"
"Wala lang. Baka kasi bigla na namang sumulpot un eh.."
"Ah. Okay.."
May point naman kasi sya. Nung last time kasi na pag usapan namin ung si Dave e bigla na lang sumulpot. Kung ano ano pa man din ung sinasabi ni Steph tungkol kay Dave nun. Tapos mukang narinig pa nya kami..
"But seriously Julia, tutoring Dave was not a bad idea at all. I can sense naman na hindi sya ung tipo ng lalaki na basta basta na lang mananakit ng babae e. Unless, magalit talaga sya sayo. Kaya wag na wag mo syang gagalitin ah."
Tumango ako as an answer.
Kung alam mo lang Steph, may ALAS ako against Dave kaya hindi nya ako basta basta masasaktan. Saka, tama, medyo may pagkashort tempered sya pero di pa naman nya ako nasasaktan, physically and emotionally.
"Saka ayos na rin un. Para di na rin basta basta makakalapit si Carlo sa'yo."
"What do you mean?"
"E after nung nangyari nung isang araw sa hallway, malamang iniisip na ni Carlo na boyfriend mo si Dave."
Oo nga. Bakit ba nawala sa isip ko un? Tinakas nga pala ako ni Dave dun sa hallway na un. May pa-sweetie sweetie pa kasing nalalaman ee. T_T
"E hindi ko naman boyfriend si Dave"
"That's the point here. Di mo boyfriend si Dave pero iba ang alam ni Carlo. Hayaan mo munang yun ang isipin ni Carlo para layuan ka na nya.."
May point si Steph. May possibility nga na hindi ako lapitan ni Carlo when he thought na ang bf ko ay isang gang leader. Pero tama bang un ung gawin ko? Ang pagpanggapin na BF ko si Dave? Saka bakit parang nalulungkot ako? Saan ba ako malungkot? Hayst..
"Or, sagutin mo na kaya si Lance? Atleast pagsinagot mo na sya, totoong BF mo na sya. Wala ng pagpapanggap na magaganap"
May point ulet si Steph. Mas okay atang gawin un. Pero tama din ba un? E parang ganon din. Parang ginamit ko lang din si Lance kung ganon kasi sasagutin ko sya for the sake lang na hindi na ako guluhin ni Carlo? Unfair un!! Can't be, can't be!!
*sigh*
"Hoy Friend..."
E ano nga bang dapat kong gawin? Di ko na talaga alam ung gagawin ko..
"Julia?? Hoistttt.."
Bakit ba kasi di ko magawang kausapin si Carlo ee? Di ko pa ata talaga kaya.. Gags kasi un ee. Hayst..
"Julia naman. Baket ngayon ka pa nagdaydream?? Papalapit na sya oh!"
Hayst ulet. I guess, for now, magstick muna ako sa alam ni Carlo na Bf ko si Dave. Si Dave din naman may kasalanan nun eh.
"Shetttt.... Julia, ayan na si Dave.."
"Oo si Dave nga. Papayag kaya syang magpanggap na BF ko?"
Masyado atang napatagal ung pag iisip ko. Pagtingin ko nanlalaking matang nakatingin sakin si Steph.
Hehe. Wala naman siguro syang narinig this time di ba?T_T
"Ahem.."
"Ahem din." Nakangiti akong lumingon kay Dave. "Hehe. Anong ginagawa mo dito?"
"Di ka ba marunong magbasa ng text messages at mag accept ng tawag?? O sadyang di ka marunong gumamit ng cellphone?"
Ang sungit naman.>_
Pero infernes, anhaba ng sinabe nya. Ganon ata talaga. Humahaba ang sinasabe nya pag mainit ulo..
Niliitan ko sya ng mata bago ako sumagot.
"FYI lang Dave. Di talaga ako gumagamit ng cellphone pag nasa school."
"Tss. Sasagot pa ee. Hindi na lang kunin ung cellphone." sagot nya ng hindi nakatingin sakin.
"Eto na nga ho o.."
Pagkalabas ko ng cellphone ko mula sa kasuluksulukan ng bag ko, nakita ko na may 3 text messages & 5 missed calls.
Tig 1 text sila mama at papa. Ung isang text, di nakaregister ung number. Ung missed calls naman, puro kay mama at papa din, ung isa dun ulit sa unregistered number.
Binasa ko agad ung text ni Mama:
'Julia honey, may dinner tayo kasama sila Tita Rose mo. Umuwi ka ng maaga.. Ingat ha.'
Next kong binasa ung text ni Papa.
'Anak, magsabay na lang kayo ni Dave papunta sa restaurant. Nakausap ko na si Dave. Ingat kayo, okay?'
Last na tinignan ko ung unreg na number...
'Hoy. Aalis na ako. Pag di ka nagreply, iiwan kita.'
"Ikaw tong isang nagtext??*liit mata*"
"Tsss.. Tara na. Gagabihin na tayo." sumagot nga, tumalikod naman. Tsk.
"Tsk. Steph, una na kame ah. Ssshhh ka lang okay??"
Pilit ang ngiting tumango si Steph. Pagtalikod ko, nakalabas na ng library si Dave. Loko talaga. Di man lang ako hinintay. Ang bilis pa man din nyang maglakad kaya di ko sya mahabol.
Pero bigla syang napahinto nung pagdating nya sa gate. Hinihintay ba ko nito?
"O baket?"
"Wala. Bilisan mo!"
O_O
Nagulat ako kasi bigla na lang nyang hinawakan ung kamay ko. Tapos binilisan nya ung lakad nya, kaya pati ako nakaladkad nya.
Medyo nakakalayo na kame sa school ng biglang...