mnj ch39.a

52.4K 324 72
                                    

julianne's

Ang ganda naman dito. Kitang kita ung mga bahay sa baba. Ang liit nilang tignan mula dito. Saka dito sa taas mas kita ung ganda ng mga puno. Ang ganda talaga. Pero bakit parang familiar ung lugar na to? Nakapunta na ba ako dito?

"Julie, wag ka dyan! Baka malaglag ka." pagkarinig ko nun naramdaman kong may maliliit na kamay ang humawak sa mas maliit kong kamay.

"Davie! Ang ganda dito! Tara dali tignan mo oh!" narinig kong sinabi ng isang batang babae. Teka, ako ba ung nagsalita?

"Nakita ko na yan. Tara na. Baka hinahanap na nila tayo." pinipilit nya akong hatakin papalayo sa bangin pero nagmamatigas ako. Ayoko pang umalis e.

"Eee! Ayoko pa. Dito muna tayo please.. Davie.." i said pleading with matching puppy eyes pa. Nakita kong natigilan ung batang lalaki dahil sa ginawa ko.

"Okay. Pero sandali na lang ah." he said in defeat. Pero nakangiti naman sya. Ang cute naman ng batang to. Teka. Sino bang Davie to?

"Yes! Hmm.. Davie, punta tayo ulit dito paglaki natin ah." sabi ko habang nakangiti sakanya.

Hindi sya sumagot, tumango lang sya tapos ngumiti.

"Pinky swear?" I innocently offered him my forefinger. Natawa sya sa ginawa ko. Pero inextend pa rin nya ung hintuturo nya and we did the 'pinky swear'. Tapos tinignan ko ulit ung magandang view.

"Tara na Davie. Uwi na tayo." pagharap ko sa pwesto nya, wala na sya. Tapos biglang dumilim ung paligid ko. Ung kaninang magandang view, napalitan ng dilim. Di ko na alam kung anong nangyari. Tumakbo na lang ako ng tumakbo habang umiiyak. Davie?!! Nasaan ka?? Bakit mo ako iniwan?? Natatakot na talaga ako. Please.. Bumalik ka na..

"DAVIE!!"

+++++++++++

dave's

"DAVIE!!" narinig kong sigaw nya mula sa kwarto nya. Dali dali akong tumakbo paakyat sa kwarto nya.

"Julie." Nakita kong nakaupo sya sa kama nya tapos umiiyak. Suot nya pa rin ung pink gown nya. Nung makita nya ako, pinahiran nya ung mga luha nya tapos pinilit nyang inayos ung sarili nya. Pero habang nag aayos sya, napahinto sya bigla. Tapos napatingin sya sakin.

"Dave?? Bakit nandito ka?? Sila Mama? Baka makita ka nila!!" nanlalaki ung mata nya habang tinatanong nya ako.

"They're not here Sweetie." I said while smirking. Nakita kong namula sya sa sinabi ko.

"W-wala sila? Nasaan sila?? Kung wala sila, then why are you here?? Bumalik ka ba kagabi?" tanong nya habang nakataas ang isang kilay.

"Nasa mall sila. Kasama sila Mama. Mag ayos ka na para makasunod tayo sakanila. Unless gusto mong kumain ng tira nila kaninang umaga." sabi ko tapos nagmadali akong bumaba. I need to get out of that room. Baka kung ano na naman kasi ung magawa ko. Pinaiwan kasi nila ako dito para hintaying magising si Julie. Pagkaalis nila, hindi ko alam kung paano ko pipigilan ung sarili kong akyatin sya. Hindi ko nga alam kung anong oras na akong umuwi kaninang umaga. Hindi ko kasi sya maiwan.

DINGDONG

DINGDONG

Sino kaya ung nagdodoorbell? Sila na ba un? Imposible. Sabi nila mamamasyal pa sila dun. E sino to?

Pagbukas ko ng gate, nagulat ako sa nakita kong nasa labas kaya sinarado ko din agad. Tapos umupo ulit ako sa sala at binuksan ko ung TV. Tss. Ano namang ginagawa nya dito? Magkasama na nga sila kagabi tapos pupunta pa sya dito?? Kitang kita ko kung paano sya nagulat nung binuksan ko ung gate. Bakit? Sya lang ba may karapatang pumunta dito kila Julie??

Paulit ulit pa rin syang nagdoorbell pero di ko sya pinagbubuksan ng gate. At wala akong balak papasukin sya dito. Ano sya sinuswerte?? Maghintay sya sa wala.

"Dave!! Sino ba un??" narinig kong sigaw ni Julie mula sa kwarto nya.

"Wala! Nanlilimos lang!" pagsisinungaling ko. Di nya dapat malaman na nandito ung lalaking un.

"Bakit doorbell ng doorbell?? Paalisin mo na un Dave! Ang ingay e!" sigaw nya ulit. Tss. Ayokong kausapin ung lalaking un. Baka kung ano lang magawa ko sakanya e. Pero, inuulit ko, hindi sya dapat makita ni Julie. Kaya labag man sa loob ko ay pinuntahan ko rin sya.

"Umalis ka na." sabi ko pagbukas ko ulit ng gate. Pero hinarang ko ung katawan ko sa gate para hindi sya makapasok sa loob.

"Nasan si Julia?" sigaw nya.

"Nasa loob."

"Papasukin mo ako. Alam naman nyang dadating ako." pagpipilit nya. Mas matangkad sya sakin ng konti pero di nya ako kaya.

"Tss. Hindi pwede."

"Bakit?? Nasan ba sila Tita?? Sila nagsabing bumalik ako ngayon kaya papasukin mo na ko."

"Malamang nakalimutan nila. Wala kasi sila dito e." Biglang nanlaki ung mata nya sa sinabi ko.

"Ano??! Don't tell me kayo lang ni Julia dyan sa loob??" sigaw nya ulit. Wow. Ang talino nya. Naisip nya un?

"Oo. Kaya umalis ka na. Istorbo ka e." I said while smirking.

"What the!! Anong ibig mong sabihin??" sabi nya tapos hinawakan nya ung kwelyo ng damit ko.

"Bitawan mo ako. Kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso." sabi ko habang nakaikom ung kamao ko. Kailangan kong pigilan sarili ko. Kahit matagal na akong nagpipigil na bugbugin to, ayokong magalit sakin si Julie.

"Anong ginawa mo kay Julia??!" sigaw nya na may halong galit.

"Wala pa. Pero kung hindi ka dumating malamang may ginagawa na kami ngayon."

"E g*go ka pala e!" susuntukin na dapat ako ni Carlo ng..

"Dave-- Carlo!! Ano ba?! Bitawan mo si Dave!!" awat ni Julie samin. Binitawan naman ni Carlo ung kwelyo ko. Pero napansin kong nakatitig sya kay Julie. Paglingon ko kay Julie, nagulat ako sa itsura nya--- nakatapis lang sya ng tuwalya.

"Hoy! G*go ka! Baka gusto mong dukutin ko yang mata mo?!" pagkasabi ko nun kay Carlo, sinarado ko agad ung pinto tapos hinatak ko si Julie papasok.

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon