dave's
TOK TOK TOK!
"Dave naman!! Papasukin mo na ako!!"
Tss. Ayan na naman sya. Nung Lunes pa sya ganyan. Bale 3 gabi na syang nangungulit na ituloy daw ung tutorial session namin. Sinabi ko naman na sakanya na ayoko na pero di pa rin sya tumitigil. Tsk. Para rin naman sakanya tong ginagawa ko e. Para di na sya ulit masaktan.. Hayst. Sana naman maintindihan nya, kahit hindi ko sabihin, na it's for her own good.
"Dave!!! Nakakapikon ka na talaga!!!" sigaw nya ulit. Hayst. Tulugan ko na nga lang. Tutal hinihintay naman sya nung Carlo na un sa kotse nya. Tss. Mukang okay na ulit sila. Sila na kaya ulit? E malamang nga sila na ulit. Tsssss. Ano namang paki alam ko sakanila?? Buhay nila un!! Tsss..
Hindi pa ako nakakahiga nang tumunog ung cellphone ko. Text galing kay Kat. Bakit kaya sya nagtext? Ang laki laki na ng kasalanan ko sa girlfriend ko. Tsk.. Kailangan kong bumawi sakanya pag uwi nya.
Babasahin ko na sana ung text ni Kat ng sumigaw ulit si Julie.
"Dave!! Ano ba?!!" Tsk. Nakakarindi na talaga.
"Ah Julia? Ako na lang kakausap kay Dave. Umuwi ka na lang muna." Si Mama yon. Mukang pati sila narindi na rin kay Julie.
"E Tita, malapit na po kasi ung Finals e. Marami pa po kaming di napapag aralan."
"Oo nga e. Kakausapin ko na lang si Dave. Hmmm.Nasabi nga pala sakin ng mama mo na hindi ka pa daw nakakabili ng gown."
Gown? Gown para saan? Bakit kailangan ni Julie ng gown? Dinikit ko ung tenga ko sa may pinto ng kwarto ko para marinig ko silang mabuti. Humina kasi ung boses ni Julie. Hindi na kasi sya sumisigaw.
"Ah Tita, ano kasi e.. Hindi na po ako pupunta sa JS Prom."
O_O
JS Prom?! SHET! Nakalimutan ko na un! E bakit hindi na sya pupunta? E akala ko ba gusto nyang pumunta dun? Nainis pa nga sya sakin nun nung inistorbo ko si Lance nu kasi yayayain daw syang maging date nung loverboy sa Prom. Tapos ngayon, hindi na sya pupunta??! Bakit??!
"Hala!! Bakit?? Wala ka bang date?? Ayan o. Si Dave. Sasabihin ko sakanya na sya ang magiging date mo sa prom nyo."
-___-
Binenta ako ng sarili kong nanay. Tsk. Pero nasabi ko nga pala kay Julie na pag wala syang date, e ako ang magiging date nya sa prom na un. Tsss. Yayain ko kaya syang pumunta sa prom? Pinangako ko naman sakanya un e. Kaysa naman hindi sya pumunta tapos ako ung sisisihin nya. Tsss. Saka, siguro magiging masaya un lalo na't kasama ko sya.
"Ah hindi po Tita. Hindi po dahil sa wala akong date. Uhm.. Medyo nawalan lang po ako ng interest na pumunta." sagot ni Julie na lalong humina ung boses.
Nawalan ng interest? Bakit? Hindi kaya dahil sakin? Dahil hindi ko sya niyaya na pumunta sa prom? Sige. Yayayain ko na sya. Pero last na un. Hindi na dapat sya lumapit sakin pagkatapos nun. Hayst.
"Sabagay. Nandyan naman si Carlo incase na wala kang date e. I met him already Julie. He's a nice guy. And sweet, if I may say. Alalang alala kaya sya sayo nung nasa hospital kayo ni Dave. Pasado sya sakin as your boyfriend.."
Tsss. Nanay ko ba talaga sya?? Tsss.. Ano ka ba naman Dave??! Paano nga naman syang mawawalan ng date e bumalik na ung boyfriend nya?? Tsss. Hindi ko na pala kailangan ma-guilty na wala syang ka-date. Siguradong mag-eenjoy sila dun! Tsss.
KRINGGGGG
KRINGGGGG
Shit! Tumatawag si Kat. Hindi ko pa pala nababasa ung text nya. Dapat kay Kat na talaga ako magconcentrate ngayon. I should stop thinking about Julie!
+++++++++++++++++++++
julianne's
KRINGGGGG
KRINGGGGG
Huh? May nagring na cellphone. Cellphone ko kaya un?
Habang hinahanap ko ung cellphone ko sa bag ko, biglang lumabas si Dave sa kwarto nya. Sa wakas!!
"Ma, labas muna ako sandali." paalam nya kay Tita Rose habang nasa tenga nya ung cellphone nya. Cellphone pala nya ung nagring.
"Dave.." pagtawag ko sakanya. Pero di nya ako pinansin o nilingon man lang. Dali dali syang bumaba ng hagdan. Mukang nagmamadali ata talaga sya. Pero sana, sana lang naman e, nilingon nya ako kahit sandali. Halata naman kasing iniiwasan nya ako e. Kahit sa school, sinubukan kong kausapin sya pero todo iwas talaga sya. 3 araw na nga akong mukang tanga na katok ng katok sa pinto ng kwarto nya e. Pero wala pa rin. Tapos ngayon... Hayst..
"Hello Kat? Oo.. Papunta na ko dyan."
O_O
Ah. Ung Kat na naman pala ung tumawag sakanya. Sino ba ung Kat na un?? Girlfriend nya ba un? Tsss. Ano nga bang pakialam ko kung girlfriend nya un?? Tsk.
Pagkalabas nya ng bahay nila, narinig ko ung harurot ng motor nya. Nagmamadali talaga ang mokong. Tss. Baka ang bilis na naman magpaandar nun!! Hayst.
Nagpaalam na ako kay Tita na uuwi na lang ako kasi umalis naman na si Dave e. Pero bago ako umalis, sinabi ni Tita na dapat daw akong pumunta dun sa prom. Last chance ko na daw kasi un. Narealize ko na tama si Tita Rose, last chance ko na un. At hindi naman porke't hindi si Dave ung kapartner ko, e hindi na ako pupunta. Sigurado naman akong ung Kat na un ung ka-date nya e. Kasi naman! Nung pinatigil ko na si Lance sa panliligaw sakim, na-set ko na sa utak ko na si Dave na ung magiging date ko. Naexcite pa nga ako e. Kaso, hindi naman pala.. Pero kailangan ko pa ring pumunta dun! Kailangan kong ipamukha kay Dave na makakapunta pa rin ako sa Prom kahit hindi sya ang ka-date ko!! #_#
Kaya pagdating ko sa kotse ni Carlo, ginawa ko ung isang bagay na hindi ko dapat gawin pero dapat. Hayst.. Ako na'ng magulo..
"Carlo? Can you be my Prom Date?"
+___+
========================
May aattend ba ng JS Prom senyo? Well, excited na ako para senyo!! Enjoy! :))
Comment?
Vote?
Love?ö
Thanks for reading! :))