julianne's
"AY SHEMAY!!"
T_T
Si Dave naman pala. Makasigaw.. Nahuli nya akong nakatingin sa picture nya.O_O Nakakahiya! Agad kong sinabit pabalik ung picture nya.
Naiinip kasi akong maghintay sa sala nila e. Kaya dito na ako sa kwarto nya naghintay.. Tapos bigla kong napansin ung framed picture nya na nakasabit sa gilid ng aparador nya. Ang bata pa nya dun sa picture. Bata pa lang naman kami, e magkakilala na kami. Pero bakit ngayon ko lang napansin na ang cute cute nya non? Tapos ngayon, ang gwapo na nya.
"I SAID WHAT ARE YOU DOING IN MY ROOM???!!!"
"B-Bakit ka ba sumisigaw ha?? Nandito ako kasi--- Anong nangyari sayo??" Dali dali ko syang nilapitan. Nakita ko kasing may sugat sya sa labi saka sa kilay. Napaaway na naman kaya sya?? Hindi kaya ginantihan sya nila Vince? Iniisip ko pa lang na gaganti sila, natatakot na ko.. Naiisip ko pa lang ung mga mukha nila, nanginginig na agad ung buong katawan ko. No Julia! Don't think about them!! Focus on Dave!! Hindi ka na naman nila malalapitan ulit Julia... Alam kong hindi papayag si Dave na masaktan nila ulit ako..
"W-Wala to.. Umuwi ka na."
"Anong wala?? May sugat ka kaya!! Patingin nga!" Hahawakan ko na sana ung mukha nya pero bigla syang umilag. Tapos naglakad sya papunta sa may bintana ng kwarto nya. Bakit ba sya umiiwas? Parang titignan lang ung sugat nya e.. Tapos talagang lumayo pa sakin ah.
"Umuwi ka na..."
"Hindi! Hindi ako uuwi hangga't hindi mo pinapagamot sakin yang sugat mo!!" Padabog akong naglakad papunta sa kama nya tapos umupo ako dun.
"HINDI BA SINABI KO SA'YO NA WAG NA WAG KANG LALAPIT SA KAMA KO??!!" sigaw ulit nya tapos nakatingin sya ng masama sakin. Hindi naman ung tingin nya na para nya kong papatayin pero nakakatakot pa rin ung tingin nya. Hanggang ngayon ba naman pinagdadamot pa rin nya ung kama nya sakin?? E nung huli nga na pumunta ako dito e... Waaaaahhhh... Ayoko ng isipin ung 'almost kiss' namin dito sa kama nya! ToT
"NO!! Dito lang ako!!" sigaw ko pabalik. Pagkarinig nya nung sagot ko, naglakad sya papunta sakin. Tapos masama pa rin ung tingin nya.
"UMALIS KA SA KAMA KO AT UMUWI KA NA!!"
"Di mo ba ako narinig?? Sabi ko hindi ako aalis dito hangga't di mo pinapagamot sakin yang mga sugat mo! And besides, may tutorial session pa tayo no!!" Akala nya siguro basta basta nya lang ako mapapaalis a! Pwes nagkakamali sya! Kung nun ngang nag uumpisa ko pa lang syang turuan, e hindi ako sumuko. Ngayon pa kayang halos 1 buwan na lang e finals na.. Kailangan nyang pumasa! Dapat gumadruate sya kasabay ko..
"Don't make me do this Julianne." sabi nya. Tapos nilapit nya ung mukha nya sa mukha ko.
O_O
Hahalikan nya ba ako??
"E di gawin mo!!" sigaw ko sakanya. Ha! Sinong tinakot nya??
Habang nakaupo ako sa kama nya at sya naman ay nakatayo sa harap ko, nilapit pa nya ung mukha nya. Ako naman, napapikit na lang...
"Tsss. Tempting Julianne. Very tempting." sabi nya tapos naramdaman ko na lang na hawak nya ung braso ko. Iba ung iniisip kong gagawin nya sa ginawa nya..
Hinatak nya ako patayo sa kama nya at hinatak nya ako papalabas sa kwarto nya. Hindi lang un katulad nung iba nyang paghatak sakin dati.. Ung ngayon may pwersa talaga. Mas marahas. Pati ung paghawak nya sa braso ko, masakit, mahigpit. Parang mababali ung buto ko..
"Huy Dave! Ano ba??! Bitawan mo nga ako!!"
binitiwan naman nya ako.. Kasi nasa labas na kami ng kwarto nya.
"Wag ka ng babalik dito!!" sigaw nya tapos sinara nya ng malakas ung pinto. Ano bang problema nya?? Galit ba sya sakin?? Hindi ko sya maintindihan? Anong wag na akong babalik?? Paano na ung tutorial session namin??
"Hoy Dave!! Buksan mo ung pinto!! Di ako aalis dito!!" Sigaw ko habang kumakatok ng malakas sa pinto.
Walang sagot.
Ah alam ko na!
"Dave!! Aray!! Ang sakit!! Ung sugat ko dumudugo!!" Narinig kong may tumakbo sa loob ng kwarto nya. Tapos agad nyang binuksan ung pinto nya.
"Okay ka lang??! Sobrang sakit ba??! Tara! Dalin na kita sa hospital!!" nagmamadaling sabi ni Dave.
"HAHAHA!!! Sabi ko na e!! Gotcha Dave! Hahaha!! Grabe! Nakakatawa! If you just saw your face!! Hahahaha.." hawak ko pa ung tyan ko habang tumatawa. Sobrang natawa talaga ako kaya Dave!
Sya naman, di na nakapagsalita tapos pumasok na lang sya agad sa kwarto nya. Padabog nyang sinarado ung pinto nya.
Hayst. Mukang lalo lang syang nainis sakin.
"Hoy Dave! Kasi naman e! Sorry na!! Papasukin mo na ako!! May tutorial session pa tayo!!"
Biglang bumukas ung pinto. Nakatayo sya sa may pinto at walang reaksyon ung mukha nya. Papapasukin na nya ako? Ayos a. Walang masyadong hirap..
"Tss. Papapasukin mo rin pala ako e." Nagsimula na akong maglakad papasok pero bigla nyang nilagay ung kamay nya sa noo ko.
O_o
Wala naman akong sakit ah?? Tinitignan ba nya kung may lagnat ako?
"Ano ba Dave? Tanggalin mo nga---"
"Ung bag mo." sabi nya sabay hagis ng bag ko sakin. Tapos nun, sinarado nya ulit ung pinto.
"Dave naman e!! Tssss.. Nakakainis ka!! Buksan mo na ung pinto!! May usapan tayo!! Kailangan nating ituloy ung tutorial session natin!! Kasi naman e!!"
Mga 5 minuto pa akong nagsisigaw sa labas ng kwarto nya bago ako sumuko at nagdesisyon na umuwi na. Kainis! Kundi nga lang parang sumasakit ung tagiliran ko e. Tsss. Bakit kaya biglang sumakit to??
Bukas, babalik ako! Akala mo ha! Di mo ako basta basta mapapasuko Dave! Hahaha..
Teka.. Parang may mali?? Bakit Julianne na ung tawag sakin ni Dave? Bakit hindi na Julie??
Ano ba to?? Nakakainis na talaga sya!!!
=====================
Lablabssss! :))