mnj ch42.a

46.1K 668 449
                                    

dave's

'Hi babe! Dito ako sa hide out ngayon. Come here please. Missing you already. LoveU!'

- Kat

Her text message should have been brought smile on my face. It should have been made me feel so damn happy. Dapat un ang maramdaman ko. Pero hindi e. Sa halip, naiinis ako. Sa kanya at sa sarili ko. For the last two days, sya lagi kasama ko. Tapos ngayon magtetext sya na magkita na naman kami.. Just f*cking great. I immediately deleted her text message not even bothering to send a reply.

E halos 5 oras pa nga lang akong nandito sa bahay e! At dun sa limang oras na un, wala akong ibang ginawa kundi isipin siya-si Julie ko. Alam kong wala akong karapatan na tawagin syang akin pero I just can't help myself. I miss her so much. I miss her smile, her laugh.. Her kisses that were so addicting and damn arousing. Stop Dave. Mahirap ng mag isip ng kung ano ano habang nakahiga sa kama. On the same bed that I already shared with her. Wala naman kaming ginawang kababalaghan and yet that memory was the best I have in this bed.

Nung last time na nakahiga ako dito sa kama ko, kasama ko sya. Nakahiga kami habang hawak ko ung kamay nya. I even told her na gusto ko sya. Well, impliedly. Ayokong sumuko sya sakin. But then, alam kong sumuko na talaga sya. Piliin ko ba naman si Kat over her. Ang gago ko talaga.

TOK TOK TOK!

"Kuya! Nandyan ka ba?" tanong ni Emman. Di na ako sumagot. It's better kung iisipin nya na wala pa rin ako dito o tulog ako, kesa madamay sya sa init ng ulo ko.

"Kuya, I know you're there. Gusto ko lang sabihin na nasa ospital pa si Julia. Baka lang gusto mong dumalaw.."

Di pa rin ako sumagot. Pero nakatingin ako sa pinto. Sa loob ng 2 araw, sinadya kong hindi alamin kung anong nangyari kay Julie at di din ako nagtangkang tumakas kay Kat para dalawin sya. I already made my decision at hindi ko basta basta mababawi un. Pero ngayong alam ko na nasa ospital pa rin sya, gusto kong tumakbo pababa sa motor ko para puntahan sya. But I can't. Pareho kaming mahihirapan pagnagpakita pa ako sa kanya.

"Saka kuya.. Di kasi nagsasalita si Julia. Di nya kami kinakausap. Alam mo ba kung anong--" Di ko na pinatapos si Emman. I hurriedly opened the door at hinawakan ko sa balikat si Emman. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Kahit ako din nagulat-sa sinabi nya at ginawa ko. Bakit hindi nagsasalita si Julie?! Ano bang nangyari sakanya?! I want to ask Emman a thousand of questions. Pero I choose not to.. Isa lang ang tinanong ko.

"Saang ospital?!"

*****

(dave's pa rin)

I need to see her. Kahit ngayon na lang. Even if hindi nya ako harapin o ayaw nya akong makita at makausap. I badly need to see her. To make sure she's okay. Kahit na alam kong hindi sya okay emotionally. But please let her be okay physically.

Ano ba?! Bakit ba ang tagal ng mga elevator? Apat nga sila pero ang tatagal naman! Saka bakit ba nasa 10th floor ung kwarto ni Julie? Badtrip naman o! Nasan na ba ung mga hagdan?! Makapaghagdan na nga lang!!

Pagtalikod ko, saka namang tunog nung elevator signalling na meron ng nakakababa dito sa ground floor. Pagbukas nung pinto, nagulat ako sa nakita ko.

Si Julie. She was wearing a pink pajama and white large-sized tshirt. Her hair was in a messy bun. At walang nakatusok sakanyang swero, which made me breathe a little. At least alam kong hindi naman sya grabe. Pero bakit nandito sya sa baba? Saka bakit mag isa lang sya? Nasaan sila Tito at Tita? Sila Mommy and Daddy? Alam kong nandito sila. How come hinahayaan nilang maglakad si Julie dito sa ospital ng mag isa?

Pagtingin ko sa mukha nya, nakita kong nakatingin sya sakin. She's pretty much the same, except from the fact na halatang pumayat sya. Still, she's the most beautiful girl in my world. Pero mukhang may kakaiba sakanya ngayon? Hindi ko lang malaman kung ano pero alam kong may iba.

"Jul---"

Teka. Hindi ba nya ako nakita? Bakit nilagpasan nya lang ako?

Weird. I know she saw me. Nagkatinginan kaya kami! Tsk! Alam kong galit sya sakin pero di ito ang ineexpect kong reaction nya. I expected na sisigawan nya ako. O papaalisin. Pero ung ganito? No! Not the silent treatment please. Alam kong wala akong karapatang piliin kung ano ung gagawin ni Julie sakin, pero mas gusto ko pa na sigaw sigawan nya ako kesa magpretend sya na di ako nag eexist sa mundo.

Teka, di nya ba ako nakikilala? Definitely not that one. Hindi naman sinabi ni Emman na nawalan ng alaala si Julie e. Sabi nya lang hindi sya nagsasalita. Damn! Hindi ko nga pala pinatapos si Emman! Pero hindi! Wag naman sanang hindi nya ako maalala! Hindi pwede un! Damn it Julie! You can't just forget me!

Dahan dahan akong tumakbo papalapit sakanya. I don't want to attract any attention. Specifically, from the hospital guards. I don't want to ruin this probably only chance i got para makausap sya.

"Julie--" napahinto sya at lumingon sakin sandali. But as if she didn't see me, tuloy pa rin sya paglalakad nya. Ako naman napahinto. Dun ko lang napansin kung ano ung iba sakanya.

Her eyes. Her eyes that

always seemed to glow, happy.. Ngayon parang walang buhay. Blangko. Malungkot. Then I know, she's emotionally wrecked. Masakit mang aminin pero ako ang dahilan nun. Kasalanan ko. Dahil sa kagaguhan ko. Dahil sa kahinaan ko. Dahil sinaktan ko sya. Dahil mas pinili ko si Kat kesa sakanya. Pero higit sa lahat, dahil minahal ko sya. Mahal na mahal ko sya.

++++++

yow peeps!

Been a long long while ne?

I missed you all.

As usual, maikli ang UD.

Pero happy ako at may nasulat ako.

Sana kayo din!

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon