mnj ch7

90.4K 626 54
                                    

julianne's

"Sorry na nga di ba?? Okay sige! Pag wala kang date sa prom na un, I WILL BE YOUR DATE!"

Seryoso ba sya?

"H-Huh? You don't need to---"

"I insist. Di pa rin naman ako nakakapunta sa ganon."

Am I hearing this correctly?

Isang gang member/gang leader, gustong mag JS PROM??

Haha. Ang cute..

"Okay. You'll be my date kapag wala akong naging date. For now, sagutan mo muna yan.."

Surprisingly, natapos ang session namin ng maayos.

Sumabay na rin sya samin na magdinner. Habang nagdidinner kami, nagkukwentuhan sila ni Daddy. Si mama naman, inaasikaso ung bunso namin, si Charles, 3years old pa lang.

Si Yssa naman, ang tahimik. Freshman pa lang sya. Magkaiba kami ng school ni Yssa. Pareho sila ni Emman. Oo. Magkaiba nga ng school si Emman at Dave. Kaya malamang, ako lang talaga ang nakakaalam ng pagiging gang leader ni Dave.

Bakit nga ba ang tahimik ni Yssa? Usually naman, nakikipagkwentuhan sya samin kapag kumakain. Ang daldal kaya nya.

Tapos ngayon, ang tahimik nya. Titingin saglit kay Dave, tapos sakin naman titingin.

T.T

"Psst Yssa. Bakit ang tahimik mo?"

"E kasi..."

"Bakit nga ba Yssa?" si mama naman yung nagtanong.

"Kasi si Kuya Dave saka si Ate Julia, bagay pala. Si kuya Dave parang si Prince Charming tapos si ate parang si Cinderella"

sabi ni Yssa habang magkahawak ang dalawang kamay at nagniningning ang mga mata.

O___O

Nasabi ko ba na grabe ang pagiging creative ng utak nyang si Yssa??

Napahinto sa pagkkwentuhan si Daddy at si Dave.

"He He.. Ang cute mo talaga Yssa" sabi ko sabay kurot kay Yssa sa tagiliran.

"Aray Ate! Totoo naman kasi eh. Parang ikaw ung Princess in distress tapos si Kuya Dave yung knight in shining armor mo."

O.O

"Tapos ung ex ni Ate ung evil witch...mmmmmmppp"

Shemay.

Huli na nang matakpan ko ung bibig ng madaldal kong kapatid. See? Sabi senyo madaldal sya eh..

Ok lang naman sana eh. Alam naman nila mama at daddy ung tungkol samin nung ex ko. Kaso si Dave.. Nakakahiya.

Pagtingin ko kay Dave nakataas ung isa nyang kilay tapos nakatingin sakin. Nung nakita nyang nakita kong nakatingin ako sakanya, kay Yssa na sya tumingin. Then tumawa.

Bakit sya tumawa??

Iniisip ba nya na di pa ako nagkakaboyfriend?? Hanep a!

Oo na. Ako na'ng hindi kagandahan. Pero matalino naman ako ah!

Kainis talaga!!

Pagkatapos ng dinner namin, nagpaalam sya na uuwi na sya. Inutusan ako ni mama na ihatid si Dave sa gate namin. Kahit ayoko, no choice naman ako eh. Kaya sumunod na lang ako.

Di naman kami nag-usap ni Dave. Basta basta na lang sya umalis agad. Di man lang nga nag thankyou sakin. Grrrrrrr..

Pagkahiga ko sa kama ko, biglang tumunog ung cellphone ko.

May nagtext. Si Steph siguro. Sya lang naman ang nagtetext sakin. But recently, magtetext na din sakin si Lance.

From: 0917*******

Msg:

Sino ung kasama mo kanina??

Huh? Sino kaya to? Di naman siguro si Steph to kasi naka-save yung number ni Steph sa cellphone ko. Si Lance kaya to? Hindi rin. Naka-save din number nya eh.

Saka sino ung tinutukoy nya na kasama ko kanina? Si Lance ba?

To: 0917*******

Msg:

Who are you?

After 2 minutes, nagring yung phone ko.

Tumatawag ung nagtext sakin kanina.

"Hello? Sino ka?"

"I MISS YOU BABY"

+++++++++++++++++++

COMMENTs?

SUGGESTIONs?

VIOLENT REACTIONs?

They are HIGHLY APPRECIATED!:))

Supah THANKS for reading!!

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon