lance's
"OCEAN PARK?"
"Oo. Bakit? Ayaw mo dito? Sa iba na lang tayo pumunta kung gusto mo.."
"Hindi. Okay lang. Ngayon pa lang nga ako nakapunta dito e."
Kahapon, masama ung kutob ko dun sa sasabihin nya sakin. Di ko alam kung bakit pero malakas ung pakiramdam ko na hindi ako matutuwa dun sa sasabihin. Kaya sinabi ko sakanya na wag muna nyang sabihin kung ano man un. Sabi ko, ngayon na lang nya sabihin, pagkatapos ng 'date' namin. Tama. Sa wakas natuloy din.. Biglaan nga e. Sa Valentine's Day ko pa sana sya dadalin dito ee. Kaso naisip ko, IT'S NOW OR NEVER. I need to change her mind.. And I will do that by showing her this side of me.
"WOW!! Grabe! Paano nila nadala dito lahat ng water creatures na yan? Ang dami!!" Kitang kita ko ung saya sa mukha nya habang nakatingin sya sa loob ng giant aquarium. Ang sarap nyang tignan. Siguradong pati mga isda maiinlove sakanya..
"Almost all of the water creatures here came from various seas and oceans. Karamihan pa galing sa ibang bansa. Alam mo ba kung ano ung reason kung bakit sila nilagay sa loob ng giant aquarium na yan?" I have her full attention habang kinakausap ko sya. And this is what I want. Sa school kasi hindi ko sya nasosolo. Laging may distractions-- ung gangleader, ung ex nya and even her bestfriend, Steph.
"Huh? BAKIT??"
"They were placed here so that I WOULD SEE YOU THIS HAPPY." Hindi masyadong maliwanag dito pero kitang kita ko ung pamumula ng mukha nya. Ang ganda nya talaga kahit saang anggulo mo tignan. While I was looking at her, I suddenly saw the sadness in her eyes. Bakit? Bakit sya biglang lumungkot??
"Is there a problem Julia?"
"Huh?? W-Wala! Ano lang kasi... Ano ka ba naman!*Palo sa braso ni Lance* Sana sinabi mo na gusto mo lang pala akong sumaya, e di sana pinakain mo na lang ako ng Strawberry taho. Kawawa naman ung mga isda o. Nakakulong sila dahil sakin." she said while facing the aquarium. Parang nailang bigla si Julia. No. Hindi ito ang dapat mangyari. I want her to be comfortable with me..
Teka. Strawberry Taho... Noted..
"Now I know. Uhm. Julia??"
"Hmmm?"
"Can I hold your hand? Kahit ngayon lang."
Halata namang nagulat sya. Ang kyut. Namilog ung mga mata nya.. But hesitation filled her face. Hayst... I should have not thought of this thing at all..
Babawiin ko na sana ung sinabi ko nang bigla nyang iabot sakin ung kanang kamay nya.. At nakangiti sya.
"Thank you Julia.." Di ko maipaliwanag ung saya na nararamdaman ko. Kahit na siguro ano pa ung sabihin nya mamaya, matatanggap ko...
O pipilitin kong tanggapin.
Cause she really made me happy today.. Sana hindi na matapos tong araw na to...
+++++++++++++++++++++
julianne's
Shems.
Bakit naman kasi ganon kalungkot ung mukha nya?? Di ko alam kung bakit pero I suddenly felt guilty nung nakita ko ung sad sad face nya. He was trying his best para maging masaya tong date namin na to. And I should give him credit for this. Saka hawak lang naman sa kamay. I know he's a gentleman. Di nya ako babastusin..
Maybe alam na nya kung ano talaga ung sasabihin ko sakanya. That's why he was doing this to make me change my mind. But I don't know. Bahala na mamaya, pagkahatid nya sakin.
After namin sa Ocean Park, we ate dinner in a high class restaurant. He really knows how to make a girl feel special. Aba. Di basta basta nakakakain dun sa restaurant na un. Kailangan pa ng reservation.. Tsk..
Bago kami umuwi, dumaan kami sa isang Dancing Fountain Show. There, I got a chance to look at him carefully. I cannot believe it. Ung lalaking crush na crush ko noon at ngayon, ay nililigawan ako. Ang bilis ng pangyayari. While I was looking at him, I felt so doubtful about dun sa sasabihin ko sakanya.. Baka masaktan ko sya. Ng sobra...
+++++++++++++++++++++
"Tara pasok ka muna."
Nandito na kami sa harap ng bahay namin.
"No. Wag na Julia. Maybe next time.."
"Hmmm.. Thanks for today Lance. I really enjoyed it." tama. I really enjoyed this day, this date and his company.
"Good to hear that Julia. Thank you din. Pinasaya mo ako."
Nginitian ko lang sya. Dumating na kasi ung time na kailangan ko ng sabihin sakanya..
"Lance..."
"I know Julia. I-It's UNFAIR. Pero, anong magagawa ko if you're already decided. Pagka graduate natin, I WILL COURT YOU AGAIN. By that time, di mo na ako mababasted."
He said all this while looking straight into my eyes. I could see his sincerity, hurt, agony and pain through those very expressive eyes.
"Lance"
Gusto ko ng bawiin lahat. I don't want to see him hurting this way.
"For now, let's just concentrate first on our studies. Maglalaban pa tayo sa pagiging Valedictorian.. Galingan mo ah."
"Lance, let's be friends. Please."
Nabigla sya sa sinabi ko. Pero mas nabigla ako sa sinabi nya.
"I can't promise that Julia. Masakit kasi e. In time, let's see."
Naiiyak ako. Di ko inaasahan na mawawalan ako ng kaibigan ngayong araw na to. Akala ko kasi mawawalan lang ako ng manliligaw e.o_o
"Lance" Nilapitan ko sya at niyakap. I don't want to lose him as a friend. Pero nasaktan ko sya kaya kailangan ko syang intindihin..
"TSSS..Tama na yan. Gabi na."
O_O
Hindi si Daddy un ah.. Lalong hindi si Mama un, boses lalaki e.
"Dave?? Anong ginagawa mo dito samin??"
"TUTOR?"
=====================
Sinong mag aagree sakin pag sinabe kong ang EPAL ni Dave dito? Ang EPAL din ng otor! Saktan daw ba si Lance.T_T
Comment?? SLASH THAT.
Violent Reactions?? Eto dapat.
Vote?? Kahit wag na..O_O kainis ung Otor ee!
THANKS!:))