mnj ch39.d

53.4K 433 148
                                    

carlo's

"Julia?"

Walang sagot. Ni hindi man lang ako nilingon. Mukhang malalim ung iniisip nya. Kanina pa sya ganyan. Pagkadating palang namin dito sa restaurant, ganyan na sya. Di ko alam kung anong nangyari sakanila ni Dave sa loob ng bahay nila Julia. Ayoko na ring itanong kasi baka ayaw nyang pag usapan. At ayoko na rin namang isipin kasi masasaktan lang ako sa mga naiisip ko. G*go talaga ung Dave na un!! Bakit ba ginugulo nya kami ni Julia??

"Julia.." tawag ko ulit sabay hawak sa kamay nya. Buti naman at tumingin na sya.

"Huh?"

"Bakit di mo ginagalaw ung kinakain mo?"pagkasabi ko nun, napatingin sya sa mesa. Mukhang ngayon lang nya napansin na dumating na ung inorder namin.

"S-sorry. Medyo wala lang akong ganang kumain." sabi nya tapos sumubo sya ng konti. Ayokong nakikita syang malungkot. Nasasaktan ako.

"Julia? Alam mo ba ung alamat ng asin?" Nakuha ko ulit ung atensyon nya sa sinabi ko. Pero sandali lang un, bumalik na ulit sya sa pagtingin sa pagkain nya. Kaya tinuloy ko na lang ung sasabihin ko.

"Isang araw, may mga batang naglalaro sa tabing dagat. Ung isang bata may nakitang malaking bato. Dahil sa curiosity, tinikman nung bata ung bato. Sabi nya, 'Ang alat! As in! As in!'." ginamit ko na ung korning joke na to kay Wendy dati at napatawa ko naman sya. Pero mukhang walang epekto kay Julia kasi nakayuko pa rin sya. Kaya yumuko na lang din ako. Hayst.

Mayamaya, napatingin ako kay Julia. Nakatakip ung kamay nya sa bibig nya.

"Julia?? Okay ka lang??" napatayo ako at nilapitan ko sya. Umiiyak ba sya??

"S-sorry Carlo. H-hindi ko na napigilan. Hahahaha." tumawa sya ng tumawa habang nakatakip ung bibig nya. Napangiti ako sa pagtawa nya. Ang sarap pakinggan. Napatingin ako sa labi nya. Naalala ko tuloy ung paghalik nya sakin. Nagulat talaga ako sa ginawa nya. Di ko alam kung bakit nya ako hinalikan. Pero aaminin kong wala akong ginawa para pigilan sya. Matagal ko na kasing pangarap na mahalikan sya ng ganon. Ung hindi lang basta smack. I even want to feel her closer but not in a malicious way. Ramdam ko kasi ung paglayo nya sakin.

Ayoko mang aminin pero sa tingin ko, si Dave ang isa sa may kasalanan kung bakit nagbago na si Julia.Hindi na sya ung dating Julia na mahal na mahal ako. Pero ako mahal ko pa rin sya. Kasalanan ko rin naman kung bakit sya ganito ngayon e. Kaya magtitiis ako hanggang tuluyan na syang bumalik sakin.

Maalala ko lang, bago ako halikan ni Julia, parang narinig ko ung boses nung Dave na un. Pero paglingon ko naman, pagkatapos nung kiss namin ni Julia, wala naman sya. Guni guni ko lang ba un? Tsss. Basta! Hindi ko isusuko si Julia sakanya!!

"Hehe. Okay lang. Ang korni naman kasi nun. Buti naman napatawa kita." sabi ko tapos nginitian ko sya. Napahinto sya sa pagtawa nung narinig nya ung sinabi ko. Tapos tumingin sya sakin. Nagulat ako nung biglang tumulo ung luha nya. Agad ko namang pinunasan ung luha nya.

"Sorry Carlo. Di ko sinasadya." sabi nya tapos niyakap nya ako. Bakit sya nagsosorry??

"Julia? Bakit??"

"Sorry Carlo.. Sorry talaga.. Di ko sinasadya. Ayokong saktan ka. Believe me Carlo. Sorry talaga.." iyak pa rin nya. Napahinto naman ako sa sinabi nya. Di nya sinasadya? Ayaw nya akong saktan?? Shit. Ito na ba ung kinakatakot ko??

"Ssshhhhh.. T-Tahan na." pag aalo ko sakanya. Masakit tanggapin anf katotohanan pero mas masakit sakin ung pag iyak niya.

"Pero Carlo--"

"Please Julia. Wag mong itutuloy. Give me more chance please.." pagmamakaawa ko sakanya. Shit! Hindi ko kaya! Matagal kong hinintay na magkabalikan kami. Hindi ako susuko. Hindi to pwede!

"C-Carlo, may i--"

"Konti pa please Julia. Hindi ko kaya. Nawala ka na sakin dati. Di ko kakayanin pag nawala ka ulit. Mahal na mahal kita Julia." Desperado na kung desperado, pero mahal ko talaga sya. Ayokong mawala sya sakin. Hindi ko sya basta basta isusuko sa lalaking un!!

++++++++++

julianne's

Napahinto ako sa sinabi ni Carlo. Ganito nya ako kamahal? Na kahit alam nyang masasaktan ko lang sya ay di pa rin nya ako papakawalan? Di pa rin sya susuko? Pero ayokong maging unfair sakanya. He deserves to know my true feelings.

"Carlo please. Listen to me."

"Dahil ba sa Dave na un?" sabi nya pero iniwasan nya ung tingin ko.

"Carlo--"

"Mahal ka rin ba nya??" Ako naman ang napaiwas sa tingin nya. Tapos napayuko ako. Nakakahiya mang aminin pero ipagpapalit ko sya sa isang lalaking wala namang gusto sakin at mukhang pinaglalaruan lang ako.

"I'll pretend na wala akong alam. Na hindi ko alam na may gusto ka kay Dave. Julia, all I want is another chance. I want you back please.." dugtong nya.

Napatulala na naman ako sa sinabi nya. Bakit nya ba ginagawa sakin to? Bakit nya ginagawa to sa sarili nya? Hayst. Kung pwede ko lang sanang turuan ung puso ko na mahalin na lang ulit si Carlo at kalimutan na lang ung Dave na un. Kaso hindi ko kaya. Naiisip ko pa lang na di ko na makikita si Dave, parang dinudurog na ung puso ko.

"Gusto ko si Dave. Hindi. Di ko lang sya gusto. Mahal ko na sya." sabi ko habang nakayuko.

Hinawakan ni Carlo ung baba ko at inangat para iharap ung mukha ko sakanya.

"Maghihintay ako. Hihintayin kong mapagod ka sa pagmamahal sakanya. Hihintayin kita Julia, kahit gaano katagal." he said then he gave me a quick kiss on the lips. Naramdaman ko ung respeto at pagmamahal ni Carlo sakin dahil sa halik na un.

Napaisip tuloy ako. Tama bang pakawalan ko tong lalaki sa harap ko na mahal na mahal ako? Tama ba ung lalaking pinili kong mahalin?

Hayst.

Ang laki mong tanga Julie!!

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon