mnj ch19

66.6K 442 52
                                    

julianne's

"Julianne!!"

o_o

Napahinto ako sa paglalakad. Si, si, si..

"C-Carlo? Anong ginaga----"

"Julie tara na." mahigpit ung pagkakahawak ni Dave sa kamay ko kaya hindi ako makawala. Errr..Bakit nga ba gusto ko pang kumawala e diba nga iniiwasan ko tong Carlo na to?? Ang gulo ko..

"Sandali lang pare. Kakausapin ko muna ung GIRLFRIEND ko."

O____O

Girlfriend?? Ako ba un?? Mukang ako nga ung tinutukoy nya. Naramdaman ko na lang kasi ung paghawak nya sa kabila kong kamay.

Pero ano daw?? Ako?? Girlfriend nya? Ha.. Ha.. Nagpapatawa ba sya?? Hah.. Pwes hindi sya nakakatawa!!

Hahatakin ko na sana ung kamay ko mula kay Carlo ng marinig kong magsalita si Dave.

"Girlfriend?? E g*go ka pala eh!!"

Ang bilis ng pangyayari. Next thing I knew, nakahiga na si Carlo. At may dugo sya sa labi. Pumutok ata sa lakas ng suntok ni Dave.

"Carlo!"

Lalapit sana ako kay Carlo kaso si Dave hinatak ako papalayo kay Carlo.

"Julianne please. Let's talk!"

Gusto ko talagang lumapit sakanya. Hindi para kausapin sya kundi para matignan kung okay lang sya.

Bumitaw si Dave sa pagkakahawak nya sa kamay ko. Akala ko hahayaan na nya akong lumapit kay Carlo. Pero un pala, sya ung lalapit kay Carlo.

Bigla nyang hinawakan ung kwelyo ng damit ni Carlo..

"Hoy!! Ikaw g*go ka!! Wag na wag ka ng lalapit kay Julie!! Akin lang si Julie!!"

Pareho kaming natulala ni Carlo sa sinabi ni Dave. Shemay naman Dave. Ano na naman ba yung pinagsasabi mo?? Lalo mo lang pinapagulo ung sitwasyon ee. Or hindi? Hindi ba't eto ung gusto ko? Ung isipin ni Carlo na kay Dave na ko?

E bakit ganito ung nararamdaman ko habang tinitignan ko sya? Bakit parang nasasaktan ako? Bakit gusto ko syang lapitan?? Bakit?? Mahal ko pa ba sya?

Hinatak ulet ako ni Dave papalakad. Alam nyo na a. Pag nasprain mga kamay at braso ko, si Dave ang may sala. Makahatak ee!!

Di naman ako makareklamo kasi iba ung aura nya e. Parang pag ginulat mo e, mapapatay ka ng wala sa oras. Kaya tikom ko na lang bibig ko.

"Dyan ka lang. Kukunin ko lang ung bike ko"

Nandito na pala kami sakanila.. Di ko man lang namalayan. Anu na nga ulet ung kukunin nya? Ah ung bike daw nya..

BIKE? O_O

Don't tell me ung bike na tinutukoy nya ay ung...

BRRUUMMM..

O_O

"Sakay na!"

HINDIIIIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!!

Iling ako ng iling. Ayoko!! Di ako sasakay sa 'bike' nya!!

"Sasakay ka ba o iiwan kita?"

"H-Hindi Dave. Di mo ako mapapasakay dyan!!"

"Okay."

Pinaandar nya ulet ung motor nya. At umalis na sya. Ha! Akala nya ah! Akala nya siguro mapapasakay nya ako dun ah. Never!! Lalo na't mainit ung ulo nya. Baka kung mapano pa kame.

Tatanungin ko na lang kay mama kung saan ung restaurant. Or wag na lang kaya ako pumunta? Medyo wala na rin naman ako sa mood e.. Makauwi na nga lang. Itetext ko na lang si mama na hindi na ako pupunta..

BBRRRUUMMMMMMM...

O_o

"Wag ng maarte Julie."

++++++++

dave's

"Wag ng maarte Julie."

"Hoy Dave! Hindi ako nag iinarte!!"

"E bakit ayaw mo pang sumakay?!"

"A-Ano lang. Ano e... K-Kasi.." nauutal nyang sabi habang nakatingin sa 'bike' ko. Makailang beses din syang lumunok at huminga nga malalim..

"Takot ka talaga??"

Nanlaki ung mata nya. I'm just stating the obvious here..

"W-What?? Ofcourse not!! Baket naman ako matatakot?? Parang motor lang ee!!"

"E baket ayaw mo pang sumakay??"

Tsss. Deny pa. E halata namang takot.

"Ano kasi e.. Mainit ulo mo! Tama. Un ung dahilan.. Galit ka kaya hindi ka dapat nagd-drive. Magtaxi na lang tayo!"

ang bilis nyang magsalita. Halatang kinakabahan.

Pero tama naman sya. Medyo nakakaramdam pa rin ako ng galit dun sa g*gong un! Tsss.. Ang kapal ng mukha.

*sigh*

Hindi ko din alam kung bakit ko nasuntok ung lalaking un. Basta bigla na lang nagdilim ung paningin ko nung narinig kong sinabi nyang girlfriend nya si Julie.

"Okay na ko. Sumakay ka na. Hindi ko bibilisan."

Tumingin sya sakin na nakataas ung isang kilay.

"Talaga? Hindi na mainit ulo mo?"

"Oo. Sumakay ka na!"

"Eto na nga o.."

Naramdaman ko ung pagkapit nya sa balikat ko habang sumasakay sya sa motor ko. Nung sa tingin ko okay na sya sa pagkakaupo, pinaandar ko na ung motor. Pero parang may nakalimutan ako kaya hininto ko ulit.

"B-Bakit ka huminto?"

Nanginginig ung boses nya. Pati ung mga kamay nya na nasa balikat ko, nanginginig..

"Isuot mo to." sabi ko sabay abot sakanya ng helmet.

"E ikaw? Wala kang helmet."

"Tss. Okay lang ako. Sanay naman ako."

"P-Pero baka--"

"Ung kamay mo, ilagay mo sa bewang ko."

"Huh??"

Tsss..

Kinuha ko ung mga kamay nya at ako na mismo ang naglagay sa bewang ko.

"Hawak kang mabuti."

At pinaandar ko na ulit ung motor ko..

Tsk.

Bad idea pa ata ung paglagay ng kamay nya sa bewang ko kasi lalong nanginig ung mga kamay nya..

=======================

thanks for reading! :))

comment??

vote??

Lablab!

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon