julianne's
"Why dont we start with the sex education Julie? Let's have sex"
"WOI Julia!!"
"Ano???"
"Kanina pa ako salita nang salita dito, di ka naman pala nakikinig."
"Sorry Steph. Ano ba ung sinasabi mo?"
"WALA!!!"
Yan si Stephanie, ang matampuhin kong bestfriend.
"Steph, sorry na. Sabihin mo na kasi kung ano ba un"
"Wala nga, ok? Hmmmm. Tell me, bakit ba DREAMY yang itsura mo ngayon? Kaw ha, meron ba akong hindi alam??"
"Huh? Dreamy ka dyan! Uhm... Iniisip ko lang kung ano yung sagot dun sa mali ko sa exam natin kanina."
"LIAR!! Are you forgetting na photographer ako? Which means na observant ako Julia. And I know the difference between the dreamy face and the thinking face."
"Friend, I swear, I was just thinking. Ok?"
"Ok. Sino? Sinong iniisip mo?"
Gosh lang talaga. Di susuko tong bestfriend ko.
SIGH
Ang sama na ng tingin ng librarian samin.
"Spill it out friend"
Mukang wala naman na akong choice kaya sinabi ko na sakanya. Pero not the "Let's have sex" part.
"When you say Dave, h-hindi naman siguro ung gwapong leader ng gang dito sa school natin di ba??"
Nga pala, hindi nya alam na magkakilala kami nung Dave na tinutukoy nya. Though nakwento ko na sakanya ung tungkol sa pagspend namin ng Christmas kasama ang Alvarez family, di nya alam na family ni Dave Aldrin Alvarez-ang leader ng pinakamaangas na gang dito sa school namin- ang tinutukoy ko.
"B-bakit mo natanong?"
"E kasi di ba? Kahit pa gwapo sya at ang hawt hawt nya, e leader naman sya ng gang. E pano pagnainis sya bigla sayo tapos saktan ka nya? Balita ko pa naman kahit babae sinasaktan nya."
OO_
"TALAGA??"
"Yun ang narinig ko sa mga matatabilang dila. E galit ata yun sa mga babae e."
"B-bakit naman daw??"
"Di ko pa alam eh. Ipagtatanong ko."
"E ano... Uhm... Nananamantala ba yun? I mean, yung you know... RAPE?"
"Siguro? Di ko din alam. Teka friend, sya ba ha?? Sya ba ung itu-tutor mo??"
"Ofcourse not! Hindi sya un. Ibang Dave un. Di ko naman kilala ung Dave na tinutukoy mo eh"
"Ah. Akala ko sya eh. Para kasing bigla kang nacurious eh. Buti naman kung---- Syet friend. Nandito siya at nakatingin sya satin."
Biglang hininaan ni Steph ung boses nya. Paglingon ko sa likod ko, nakita ko si Dave na nakatingin samin.
Nang masama.
Agad kong binalik ang tingin ko sa libro ko.
Syemay!!
Bakit ang sama ng tingin nya samin? O sakin lang?
Narinig ba nya kami kaya sya galit?
O dahil sa pagsampal ko sakanya kagabi?
Tama.
Pagkatapos nya kasing sabihin YON, basta yun na yon, sinampal ko sya nang pakalakas lakas tapos umalis na ako agad. Di na rin ako nagpaalam kila Tita Rose.
"K-kanina pa ba sya dyan?"
"Di ko alam Julia. Patay tayo. Huhuhu"
"Ikaw kasi eh. Kung ano ano sinasabi mo"
"Sorry na friend. Pano na yan? Anong gagawin natin?"
Teka. Ano nga bang gagawin namin?
"Tara labas na tayo. Wag na lang tayo magpaapekto sakanya"
Ano ba naman kasing ginagawa nito dito sa library?? Don't tell me nag-aaral to dito...
"E baka mahalata nya."
"Friend di ba nga wag paapekto? Cool lang dapat."
Biglang nanlaki ung mga mata ni Steph. Tapos ngumunguso sa likuran ko.
NO PLEASE...
"MISS"
Ako ba? Ako ba tinatawag nya?
"MISS..."
Hindi, hindi ako yung tinatawag nya.
"Ssteph tara na. Baka may klase na tayo"
Tumayo na ako, si Steph din tumayo na.
Pag-ikot ko, di ko expected na sobrang lapit pala ni Dave sakin kaya bumangga ako sa matipuno nyang katawan.
"Ouch!!"
"Sorry. Di ka kasi nag-iingat eh. So... Di mo pala ako kilala ha. Sige. See you later sweetie" bulong nya sakin.
Pagkatapos nya akong bulungan, hinalikan nya ako sa pisngi.
Tapos nun, naglakad na sya papunta sa pinto. Pero bago sya tuluyang makalabas, sumigaw sya.
"MISS yung ID mo nga pala nasa sahig."
then he was gone.
Ako, di agad ako nakaalis sa kinatatayuan ko. Sobrang nabigla ako.
Saan ba ako nabigla?
Sa binulong nya sakin
o
sa paghalik na naman nya sa pisngi ko?
tsug tsug tsug
tsug tsug tsug
Syemay lang talaga!
I AM SO DEAD!!!
+++++++++++++++++++++
musique's
ang HAWT ni Dave.
Oo.