dave's
"Babe, anong gusto mong kainin? Magluluto ako." Narinig kong tanong ni Kat mula sa kusina ng condo nya.
"Busog ako." mahina kong sagot. Lumabas sya ng kusina tapos umupo sya sa tabi ko. Ung totoo, wala talaga akong ganang kumain. Kahit anong isip ang gawin ko, hindi ko maintindihan kung bakit sumama si Julie sa Carlo na un. Ang akala ko gusto nya ako? Inamin ko na nga na gusto ko sya e. Tsss. Tapos sinabi pa nya kay Kat na mali lang sya ng narinig. Naiinis talaga ako!
"Huh? Busog ka? Tsk. Akala ko sasabayan mo akong kumain." sabi nya ng nakanguso. May pagka isip at kilos bata talaga si Kat. Isa to sa minahal ko sakanya. Hayst. Pero di ko alam kung paanong nangyaring si Julie ung iniisip ko ngayon kahit sya ung kasama ko. Paanong si Julie na ung gusto ko. Tsss. Mahal ko na nga ata ung babaeng un.
"Kat, we need to talk." I said seriously. Alam kong masasaktan sya, at masasaktan din ako pagnakita ko syang nasasaktan, pero kailangan nyang malaman kung ano ung nararamdaman ko para kay Julie.
Biglang nag iba ung aura ng mukha nya. Pero huminga muna sya ng malalim bago nagsalita.
"I saw this coming." sabi nya habang nakapikit. Alam ko kung bakit sya nakapikit, para pigilan ung sarili nyang maiyak. Ayaw na ayaw nya kasing umiiyak e. Kaya nga nagulat ako nung nakita kong umiiyak sya kanina. Alam kong sobrang nasaktan sya sa narinig nya. Pero wala akong balak bawiin un.
"Kat, I'm--"
"I know. Gusto mo sya di ba? E mas nauna ko pa atang nahalata un kesa sayo mismo e. Hahaha." Nagulat ako sa pagtawa nya. Pero alam kong pilit lang ung pagtawa nya na un.
"Paanong?--"
"Nung JS pa Dave. The way you looked at her. Yung tipong parang mapapatay mo na sa tingin ung date nya pati ung prom King. Natatawa na lang ako sa twing naaalala ko. Pero, ang masakit kaya." napalingon ako sakanya dun sa huli nyang sinabi. Pagtingin ko sakanya, nakayuko na sya tapos tumutulo na ung mga luha nya.
"Kat, sor--"
"Wag Dave. Wag kang magsorry. Di mo naman ako iiwan, di ba?" sabi nya tapos humarap sya sakin. Nakita ko ulit sa mga mata ung sakit na nararamdaman nya.
"Gusto ko si Julie. Gustong gusto ko talaga sya." lakas loob kong inamin. Kanina ko pa gustong sabihin un sakanya. Alam kong masasaktan sya lalo pag inamin ko pero itong puso ko, kanina pa nagwawala. Pati ung isip ko, kanina pa sya iniisip. Gusto ko na nga syang tawagan para malaman kung naiuwi ba sya ni Carlo agad o kailangan ko pang bugbugin ung Carlo na un.
"Pero Dave, wag mo muna akong iwan.." sagot nya habang nakayuko at nakaikom ung mga kamay nya. Napansin ko rin na parang malalalim at mabibilis na ung hinga nya. Shit! Alam ko na to. Agad akong tumakbo sa kwarto nya at hinanap ko ung nebulizer nya. Buti na lang nakita ko agad. May asthma si Kat. Pero matagal na syang hindi inaatake, ngayon na lang ulit.
Pagbalik ko, iyak pa rin sya ng iyak. Tapos lalo syang nahihirapang makahinga. Agad kong pinagana ung nebulizer. At mayamaya, medyo umayos na uli ung paghinga nya pero umiiyak pa rin sya. Pag may nangyaring masama kay Kat, di ko mapapatawad sarili ko.
"Kat, okay ka na?"
Tumango sya bago nagsalita.
"D-Dave, wag mo muna akong iwan please." she said with a pleading face. Inalis ko ung tingin ko sakanya. Ayokong mangako sakanya e. Baka lalo ko lang syang masaktan.
"Pl-Please Dave. I need you. H-He's back." bigla akong napatingin sakanya.
"Sinong--"
"JP is back, Dave. Bumalik sya para saktan ulit ako!" sigaw ni Kat tapos umiyak sya ng umiyak. Napansin ko ring nanginginig ung katawan nya. At nakita ko ung sobrang lungkot at sakit sa mga mata nya. Mas kitang kita ung lungkot at sakit ngayon kesa kanina. Ganitong ganito ung mga mata nya nung una ko syang makita. Nung iniwan sya nung lalaking un. Nun ko sya sinimulang mahalin. Noon ko pinangako sa sarili ko na hinding hindi ko sya sasaktan at iiwan kagaya nung ginawa nung lalaking un. Pero heto ako ngayon, sinasaktan sya at handa syang iwan para sa ibang babae.
"Sssshhh.. Hangga't nasa tabi mo ako, di ka masasaktan ulit ng g*gong un." sabi ko habang nakayakap kay Kat. Di ko na alam kung tama o mali ba tong gagawin ko pero isa lang ang alam ko, hindi deserving si Kat sa lahat ng sakit na nararamdaman nya ngayon. Saka, minahal ko rin naman si Kat at alam kong kailangan nya pa ako. Hindi ko alam kung ano talagang nangyari sakanila nung lalaking un. Ang alam ko lang muntik ng hindi makayanan ni Kat ung pag iwan nya sakanya.
At isa pa pala, mukha namang hindi naniniwala si Julie nung sinabi ko na gusto ko sya. Tsss.
"H-Hindi mo ako iiwan?" tanong nya nung humiwalay sya sa pagkakayakap namin. Rinig ko sa boses nya na parang gumaan ung pakiramdam nya sa sinabi ko. Dahil don, naisip kong tama tong gagawin ko. Pero tong puso ko, parang tumututol.
"I'll stay with you, Kat."
Kasabay ng pagsabi ko nun, nag ring ung cellphone ko. Si Emman.
"Bak--"
"Nasa hospital si Julie."
Parang huminto ung mundo ko sa sinabi nya. Anong nangyari kay Julie?! Bakit nasa hospital sya?! Gusto ko sanang magtanong kay Emman kaso maririnig ako ni Kat. At alam kong lalo lang syang masasaktan.
Pinatay ko na lang ung cellphone. Di ko kasi alam ung isasagot ko.
"Sino un?"
"W-wala. Tara. K-kumain na tayo." sabi ko sabay tayo. Nagulat ako ng maramdaman ko ung pagyakap nya mula sa likod ko.
"Thank you Dave. I love you." sabi nya.
"O-okay." un na lang nasagot ko sakanya. Lutang ang isip ko. Sobrang nag aalala na kasi ako kay Julie. Kaso, hindi ko pa pwedeng iwan si Kat.
Ano ba?! Shit naman to. Mapapraning na ata ako!