mnj ch12

78.7K 514 48
                                    

julianne's

*sigh*

Papasok na naman. Palabas pa lang ako ng bahay pero parang gusto ko na ulit bumalik sa kwarto ko at maghapong humiga sa kama ko. Katulad ng ginawa ko kahapon. Maghapon talaga akong nakahiga sa bahay. First time kong umabsent this schoolyear.

Hayst. Tinamad kasi akong pumasok. Baka kasi pumunta na naman ung lalaking un sa school. Saka ang bigat pa rin kasi ng pakiramdam ko. Kahit na umiyak na ako ng bongga sa kay Dave. TT.TT

Akala ko nung una panaginip lang na nag iiyak ako kay Dave pero nagising ako sa kama nya. Wag kayo mag isip ng kung ano ano. Nakadamit naman ako nung nagising ako. Sya naman nagsasagot ng test materials na hindi ko maalalang ibinigay ko pala sakanya. Tapos puro muta ung mga mata ko... Natuyo kasi ung luha..T.T

Ang bait sakin ni Dave nung mga oras na un. Di sya nagtanong nung tungkol sa nangyari. Hindi din sya tumawa o nang asar. Well, gaya nga ng sinabi ko dati, sadyang tahimik lang talaga si Dave.

Pero nagulat ako nung ioffer nya na ihahatid nya ako...

At hulaan nyo kung saan nya ako balak pasakayin...

Oo dun nga..

Sa motor nya.

Pag ba gangster ka, kailangan motor ang rides? Hindi ba pwedeng kotse na lang? Hayst.

Buti na lang at napansin ata ni tito Ben na nag aalangan akong sumakay sa motor ni Dave kaya pinahiram nya ung kotse nya.

Kaso, etong si Dave may pagkadrag racer ata.. Ang bilis magpatakbo!! Akala ko di na kami magkakarating samin ng buhay.

Pagkababa ko ng kotse, pinaharurot agad nya ung kotse.. I was wondering if nakauwi un ng buhay.. Well anyway, masamang damo naman un kaya alam kong buhay pa un..

I know i know, that was mean. Lalo na't he took care of me last night. Pero kasi, di pa rin naman kami talaga ganon ka-okay sa isa't isa..

Okay okay! I feel guilty na kaya erase erase na ung masamang damo...

Wag na lang kaya ako pumasok ulit? Tama! Di na lang ako papa-----

"Hi Julia. Goodmorning!"

o_O

anong ginagawa nya dito?

"Lance? Anong ginagawa mo dito?"

"Ano kasi eh..uhm... S-susunduin sana kita." sabi nya pautal utal na medyo nakayuko pa dahil siguro nahihiya. Pero nakangiti sya. Ang gwapo...

"Hah? Bakit? Ah. Dahil ba absent ako kahapon? Don't worry wala naman akong sakit. Medyo sumama lang ng konti ung pakiramdam ko pero okay naman na ako." weeew ang haba ng paliwanag ko. Pero deep inside kinikilig ako..

"Buti naman kung ganon. Nag alala talaga ako sa'yo nung hindi ka pumasok kahapon. Susugurin ko na nga sana si Car... Sorry. Tara pasok na tayo."

So alam pala nya ung nangyari. Sino ba namang di makakaalam e sa hallway nangyari un. Tapos ang dami pang tao. Siguradong laman ako ng tsismis sa school. T_T

Ung Carlo naman kasi na un bumalik pa!! Tapos si Dave nakialam pa!!

O.O

SHEMAY!!

Nakialam nga pala si Dave samin! Tapos tinawag pa nya akong SWEETIE! T_T

Anong sasabihin ko kay Steph? Dinenay ko pa naman na si Dave ung tinuturuan ko twing gabi. Siguradong magagalit un! Bakit ba naman kasi di na lang ako nagsabi ng totoo eh?!!

"Julia? Okay ka lang?"

"Huh? Hehe. Oo naman. O malapit na pala tayo sa school." Grabe ang tagal ko na palang nag iisip. Nakakahiya naman kay Lance. Sinundo pa nya ako sa bahay pero eto ako, wala sa sarili. TToTT

"Oo nga eh. Okay ka lang ba? Ang lalim naman ng iniisip mo..."

"Pasensya na Lance ah. Ano kasi eh..."

"That's fine Julia. Alam ko namang may pinagdadaanan ka eh. Tara baba na tayo."

*smile*

Hayst. Kay gwapo naman talaga..

Teka? Alam nya?! Sabi na alam nya eh!! Tsk!!

Nasa harap na kami ng room namin nang bigla syang huminto at may kinuha sya sa bag nya. Did I already mentioned na magkaklase kami? Ayun. Magkaklase kami. Actually, running for valedictorian din sya eh.

"Julia?? CAN I COURT YOU?"

sabi nya sabay abot ng isang bouquet ng red roses.

========================

Comment?

Vote?

Thanks a lot!!

Lablab! :))

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon