julianne's
O____O
*sigh*
Valentine's Day pala ngayon. Di ko alam. Wala man lang nagpaalala sakin. Teka. May magbabago ba kung alam kong Valentine's day ngayon? Wala naman ata. Wala naman akong reregaluhan o hihintaying regalo. Buti pa sila... Sila.. Ung mga schoolmates ko, may mga dala silang bulaklak. Ung iba may malalaking regalo pa. Partida a, nandito pa kami nyan sa library. Paano pa ung mga nasa labas??o_
"ACHOOO!!! Tama na kakatitig sa mga bulaklak. Achooo!! Ikaw kasi e. Kung hindi mo sana binasted si Lance, e di sana may bulaklak ka din sana. Achooo!" kawawa naman si Steph. Uminom na sya ng gamot kontra allergy, pero bahing pa rin sya ng bahing. Dami kasing bulaklak ee.
"Di ko nga sya binasted. Parang pinahinto ko lang sya sa panliligaw sakin. Saka Steph, di naman ako mahilig sa bulaklak. Ang romantic lang tignan."
"Sus, parang ganon na rin un friend! Di mo ba nakita? Ang lungkot ni Lance. Di nga ngumingiti e."
*sigh*
Nakita ko sya. Imposible namang di ko sya makita e magkaklase kami sa ibang subject.
"Kahapon pa nya ako iniiwasan Steph." malungkot kong sabi kay Steph. Ang lungkot mawalan ng isang kaibigan. Mali ata ung ginawa kong desisyon.T_T
"What would you expect?? Binasted mo na tapos makikipagkaibigan pa sayo ng ganon kabilis?? Sus... Kundi lang talaga kita bestfriend Julia!"
"Wag ka ng mainis Steph. Kasi naman e!! Naguguluhan pa kasi ako! Di pa naaayos ung samin ni Carlo. Di lang sya nagpapakita ngayon pero alam kong babalik un.. Tapos si Dave pa. Naguguluhan talaga ako friend."
"AHA!! Huli ka!! May gusto ka kay Dave noh??"
O_O
Nagpapatawa ba tong si Steph? Ako magkakagusto kay Dave?? Hahahaha..
"Gutom ka? Naghahallucinate ka na ata Steph. Bakit naman ako magkakagusto dun??"
Steph gave me a questioning look. Di kumbinsido sa sinabi ko.
"*stare*. Talaga lang ha. Ang dating kasi sakin, binasted mo si Lance kasi naguguluhan ka sa nararamdaman mo para kay Dave."
O_O
Ikaw na'ng observant Steph!! Pero mali naman talaga sya ee.
"Tsss. Mukha namang wala kang balak maniwala sakin e. Let's just stop talking about him. Ikaw din. Baka marinig ka nya ulit."
Nanlaki ung mga mata nya. Tapos biglang tumahimik. Natakot ata.hahaha.. Pwede ko na palang ipanakot si Dave dito kay Steph e.
"Di ka pa ba uuwi Julia?"
"Huh? Anong oras na ba? Maaga pa ata e."
"Friend, di porke't single tayo ngayong Valentine's day, e wala na tayong karapatang lumabas. Tara! Mall tayo!" pag aaya ni Steph.
"Ayos sana. Kaso, may tutorial session pa kami ni Dave e."
"Oooops. May date pala kayo ni Fafa Dave.."
"Steph! It's not a date! Tutorial session nga e!"
"Whatever friend. Ako na lang mag isa ang gagala. Bye Juls! Mwuah!"
++++++++++++++++++++
dave's
Sa wakas umalis din... Kanina ko pa sya hinihintay na umalis..
*kalabit kalabit*
O___O
"Dave?? Anong?"
Anong ginagawa ko dito?? Pauwi na ko kanina e, kaso ung Carlo na un, nakita ko na naman sa gate. Hinihintay si Julie malamang...
"Tara, umuwi na tayo." Nakita kong napataas ung isa nyang kilay. Nagtataka siguro. Tsss. Dapat ko bang sabihin sakanya na nandyan si Carlo??
"Mauna ka na.. Mag aaral pa ko." Ako naman ang napataas ang kilay. Mag aaral? Akala ko tatanggihan nya ako ngayon dahil may date sila nung Lance na un. Pero mag aaral lang sya? Mukhang totoo ung mga narinig ko na binasted nya si Lance. E bakit sila magkayakap nun? Bakit sila nagtatawagan???
"Tsss. Tara na." Utos ko sakanya. Napatingin sya ng masama sakin. Tinignan ko lang din sya. Napansin kong parang umingay sa library. Tsss. Pinagbubulungan nila kami. Napansin din ni Julie un. Kaya dali dali nyang inayos ung gamit nya at lumabas agad sya ng library. Mas nauuna syang maglakad sakin.
"Dito tayo." Pinigilan ko sya sa paglalakad papunta sa front gate. Dun naghihintay si Carlo e. Baka makita pa nya.
"Saan tayo pupunta???"
"Sa back gate. Dun tayo dadaan.."
"Huh?? Bakit??" Tss. Di nya dapat malaman na nandito na naman ung Carlo na un. Baka mainis lang sya. Kahit pa gustong gusto ko ung itsura nya pagnaiinis sya, ayokong naiinis sya sa ibang tao. Gusto ko ako ung dahilan.
"Tss. Wag na magtanong."
"Huh?? Ayoko ngang sumama sa'yo! Ganito na lang, you go that way and i'll go this way, then, magkita na lang tayo sainyo. Okay?"
Ang tigas ng ulo. Ayaw pang sumunod sakin. Di ko na sya sinagot. Hinigit ko na lang ung kamay nya. Saka ako nagsimulang maglakad papunta sa back gate.
"Ano ba Dave? Bitawan mo ung kamay ko. Pinagtitinginan nila tayo o." bulong nya. Tama nga sya. Pinagtitinginan nga kami.
"Wala akong pakialam sakanila."
"Tsss. Ako meron!" bulong nya na pasigaw. Halatang naiinis na sya sakin. Nakakatawa ung itsura nya. Okay. Cute nga sya pag naiinis sya.
"Bilisan mo na lang maglakad." Akala ko aangal na naman sya pero sinunod naman nya ako. Nauna pa nga syang maglakad sakin e. Pero hawak ko pa rin ung kamay nya.
Dub Dub Dub Dub
Dubdudubdubdub
dub----dubdub dub
Shit. Anong nangyayari sa puso ko?? Bakit ganito? Di ko maintindihan kung bakit parang kakaiba ung pagtibok nya..
Binilisan ko na rin ung paglalakad kaya magkasabay na kami sa paglalakad. Magkahawak pa rin ung mga kamay namin.. Hanggang sa makalabas kami ng school. Ganon pa rin kami. Holding hands while walking.
Dubdubdubdubdub
dubdubdubdubdub
O_O
Ayan na naman sya. Ung puso ko. Ang bilis na naman ng tibok. Shit lang talaga.