Kabanata Treinta y Nueve

1.1K 67 14
                                    

Nefeli's Pov

A month later...

Nagtungo ako sa silid na palaging namamalagi si ama. Ang silid kung saan lahat nakikita ng mga mata niya ang nangyayari sa mga pangkaraniwang tao at sa mga diyos na ginagawa ang kanilang mga tungkulin.

"Ano at naparito ang anak ko?" Tanong nito sa malumanay na boses.

Tumabi ako sakanya at nagtitingin din sa iba't ibang senaryo na ipinapakita ng napakaraming bilog na salaming gawa sa ulap.

"That's.." natagpuan ko ang senaryo sa mundo ng libro kung saan ako galing.

Ibang-iba na ito kumpara no'ng naroroon pa ako. Napakagulo at maraming suliranin ang mga karakter. At ang lahat ng pinagmulan ng mga ito ay iisang tao lang. Ang bida sa storya. Na sa halip iligtas ang mundo ay tila sinasadya pa nitong sirain. Hindi nakasunod ayon sa plot ng libro.

"Anong nangyayari ama? Bakit ganoon ang pangyayari.. akala kapag nilisan ko ang mundo nila ay babalik na sa ayos ang lahat.." naguguluhan kong pahayag.

"Dahil hindi parin nililisan ng diyos ng underworld ang katawan ng bidang karakter."

"Ano?!"

Malumanay na ngumiti si ama. Wala sa wangis nito ang pag-aalala na masira ang laman ng orihinal na libro.

"Sa huling pagkakataon.. nais kong bumalik ka sa mundong iyon at pabalikin sa mundo kung saan nararapat ang diyos na iyon Nefeli. Ikaw lang ang makakagawa nito."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng amang hari. Napatitig ako sakanya ng napakatagal. Hanggang sa tapikin nito ng marahan ang aking ulo, kagaya ng gawain niya noon kapag sinisiguro niya sa akin ang isang bagay.

"Paano ko iyon gagawin ama? Bakit hindi kayo ang magpabalik sakanya? Hindi ba't kaya niyo naman iyong gawin?"

Mahinang iniling ni ama ang kanyang ulo. May ibig sabihin ang mga ngiting nakapaskil sakanyang mga labi. Ang mga mata niya'y may gustong ipahiwatig.

"Malalaman mo kapag nakaharap mo na ang tunay na siya."

Iyon ang huling narinig ko mula sa aking ama. Inabot ako ng ilang araw sa pag-iisip ng mga gagawin bago nagkaroon ng pinal na pasya.

Isa buwan magmula nang bumalik ako sa mundo ng mga diyos. Natutunan kong makinig sa mga paalala ni ama at pakisamahan ang iba pang diyos. Binago ko ang mga panget kong kaugalian at bumawi sa mga pagkakamaling nagawa.

Pinilit kalimutan ang mga taong nagkaroon ng panandaliang lugar sa buhay ko. Tapos ngayon kailangan kong muling tumapak sa mundo kung saan nasira ang harang ng puso ko.

"Sigurado ka na ba sa iyong gagawin Nefeli? Alam mong masasayang ang lahat ng sinimulan mong baguhin sa sarili mo kapag nagkaroon ka ulit ng pagnanais na manatili sa mundo na gawa ng tao."

Batid ko ang pag-aalala ng aking mga kuya. Ngunit hindi rin nila maitatanggi na ako ang susi para muling maitama ang daloy ng libro.

"Alam mong kailangan din ito ng kapatid natin Nyktos (god of darkness)."

"Nag-aalala lamang ako kapatid. Paano kung.."

Ngumit ako at kaagad kinontra ang negatibong iniisip nito.

"Hindi iyon mangyayari.. babalik ako rito. Natuto na ako sa pagkakamali ko noon kuya. Hindi ko na muli pang papakialaman ang mga bagay na nakatakda ng mangyari.. pupunta lamang ako roon para sa diyos na iyon.." turan ko.

"Diyos na natutunan mo na ring mahalin.."

"Syzgos!" Sabay na suway ng iba kong kapatid sakanya.

Totoo naman kasi iyon. Hindi ko iyon maitatanggi. Kuya Syzgos could feel my feelings for that god.

Nefeli: The Reincarnated Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon