CHAPTER 27

12.6K 338 104
                                    

"Can you pass me the analytics, Adlaw? 'Yung nasa green envelope."

Nakatiwarik ako dito sa sofa malapit sa kan'yang marinig ko ang bahagyang utos nito sa akin.

Nasa headrest ng sofa ang mga binti ko, habang ang ulo ko naman ay nakalaylay dito.

Ewan ko ba ang kumportable ng posisyon ko eh.

Padabog akong tumayo sa posisyon ko, habang may lollipop sa bunganga kasabay ng abot nun at pagbigay ko ng files kay Drix.

Naningkit naman ang mata ko ng makita kung ano ang nakasulat sa files na 'to, ng silipin ko.

Wala namang problema kay Drix kung magbasa basa ako ng files dito, dahil wala rin naman akong magawa. Pero, pag taas ng kilay ko nalang ang nagawa ko ng makita 'to.

Sinalubong ng isa kong mata nag kabila kasabay ng pagbasa nito, habang naglalakad patungo sa table ni Drix kung saan s'ya nag tratrabaho.

Mag iisang buwan na kasi kami dito sa Singapore, marami na rin kaming na puntahang mga lugar, na talaga naman ay magaganda.

Kahapon nga ay naligo kami sa beach, dahilan para sumakit ang katawan ko sa malalakas na alon.

Sa pamamalagi namin dito, ay mas lamang pa rin ang mga gala namin an talaga namang masaya kasi s'ya ang kasama.

Pero, ngayong araw ay kailangan n'yang mag trabaho bago kami bumalik sa pagsasaya.

The company still needs him, even though we're on vacation. May mga kailangan din kasi s'yang pirmahan, at ipasa sa kay Yuan sa Pilipinas.

Total, nandito na rin naman kami sa isa sa pinaka malaki nilang branch ay s'ya na rin ang humawak ng mga kailangang trabahuhin.

Drix was a perfectionist, he wanted everything to be perfect.

Kaya kahit pwede n'ya naman iutos, ay s'ya na lang gumawa para hindi magkamali.

Okay lang din naman sa akin, dahil masakit nga ang katawan ko dahil sa pag dadagat naminkahapon.

Pahinga muna sa gala, at trabaho na ulit s'ya, mga one day hehe.

Habang s'ya ay busy sa mga kontrata, at approval ng mga upgrades and even, ay andito lang ako palakad lakad sa paligid ng penthouse, at lumalapit lang sa kan'ya kapag may pinapaabot s'ya.

Nakabusangot lang ako, pero okay lang naman sa akin.

Ano lang 'to, generic face ganun.

Ayaw ko naman s'yang guluhin, dahil seryoso s'ya sa ginagawa n'ya.

Sabay naman kaming nag almusal, at nag lunch. Kailangan n'ya lang daw muna mag focus for this day, at naiintindihan ko 'yun.

Sa pananatili namin dito, ay nag iba na rin ang tono ng pakikipag usap ko dahil talagang sinasanay ako ni Drix makaipag usap sa ibang tao, pero hindi rin n'ya naman ako pinapalapit sa kanila.

It is fun to talk to overcome my social anxiety, especially since he has my back on every action that I'm making.

Kapag alam n'yang nauubos na ang social battery ko, ay s'ya na ang sumasalo sa mga topic na naiiwan ko sa mga empleyado n'ya.

Ang dami kong natutunan dito, lalo na sa mga bagay kung paano hawakan ang hotel na 'to. Pati na rin ang mga branch bussiness nila, katulad ng casino, at cargos.

Kaso, ang mas nakatuon lang talaga ang atensyon na ngayon ay dito sa hotel.

Sa kwento n'ya, si Yuan daw ang talagang may hawak ng mga casino nila, at 'yung cargos pero 'tong hotel ay s'yang may pinaka mabigat na responsibilidad.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now