WARNING: This chapter consists of DISTRUBING ACTS, MURDER, RAPE, and MENTAL DISTRESS that may not be suitable for all readers. Please if you know that you might get triggered by this kind of content PLEASE SKIP THIS CHAPTER!
Consider your own comfort before proceeding (READ AT YOUR OWN RISK!)
—-------------------
"Saan tayo pupunta?"
Ipinahinga ko ang ulo ko sa head rest ng kotse, habang hawak hawak n'ya ng buo ang isa kong kamay.
Inilagay ko ba ang kamay n'ya sa pisngi ko para maramdaman ang init ng katawan n'ya sa akin.
Inabot na kami ng gabi sa pamamasyal, pero hindi pa daw kami uuwi sa hotel. We're already done eating dinner, yet he still wants to go somewhere.
HIndi pa ba s'ya pagod? Kasi ako babagsak na 'yung katawan ko. I'm tired na...
"We're meeting a friend of mine..." Mahinang bulong nito, kasabay ng paghalik sa likod ng palad ko.
Wala na akong sinabi doon, hanggang sa tuluyang naipikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa pagod.
Hindi ko alam kung gaano pa kalayo ang byinahe namin, pero mukhang kabisadong kabisado rin ni Drix ang bansang 'to at kahit saan kami pumunta ay hindi kami naliligaw.
Ano pa bang aasahan ko, kung pati buong mundo alam n'ya dahil sa dalas n'yang lumabas dito? Isabay mo pa 'yung photographic memory na meron s'ya.
Sa isang tingin n'ya nga lang ay maalala n'ya na agad basta makita n'ya. I can admit the fact thathe was genius as hell.
Ang talino ng baby ko na 'to.
Natatawa na lang ako, kapag nag papatalinuhan kami ni Drix pagdating sa mga bagay bagay.
Matalino naman talaga s'ya, at mabilis maka pick up ng mga bagay pero kapag ako ang kausap n'ya at kalaban parang ang average n'ya lang kasi 'di n'ya ako nagagawang matalo sa kahitna ano pagdating sa academics.
Wala rin talaga akong ideya sa kung anong kayang gawin ng utak ko, para bang normal lang sa akin ang lahat habang s'ya ay nahihirapan pa.
Baka siguro bored lang din utak ko, sana all gan'to mabored.
Sa tagal ng byahe namin, ay hindi ko na namalayan na lumalim na rin pala 'yung tulog ko at isang malambot na kama ang s'yang naramdaman ko sa likuran ko.
Ang liwanag din ng ilaw na s'yang kumakatok sa mga pilik mata ko, kaya naman ay dahan dahan kong minulat 'yun.
Sa pag bukas ng nag iisang mata na meron ako, ay isang malambot na ngiti ni Drix ang sumalubong sa akin.
Nakatukod kasi ang siko nito sa kama, habang nakatagilid at nakatingin sa akin na mukhang inaayos pa ang buhok ko.
"Good evening my love." Ngiti nito sa akin.
"A...asaan tayo?" Inaantok pa na tanong ko, at niyakap s'ya sa katawan ko.
"I told you, we're visiting a friend." Ngiti n'ya sa akin, bago ako hinalikan ng malalim sa noo.
Mas nilapit n'ya naman ako sa kan'ya, at niyakap ako ng maghigpit.
Inaantok pa rin ako, pero sigurado akong wala kami sa kung saan kami na s-stay. Mas malaki ang lugar na 'to, at hindi s'ya mukhang hotel o ano.
Siniksik ko lang ang mukha ko sa dibdib ni Dix, nilalamig kasi ako kahit na suot ko na ang kaninang jacket na suot n'ya.
Ibinigay n'ya kasi sa akin 'yun nung lumubog na ang araw, dahil nga lamigin ako sa kung 'di malamang dahilan.
YOU ARE READING
UNDER Series #5: Controlling her desires.
Mystery / ThrillerAzaleinara Almiera Alcobra isn't someone that you can easily imagine. She was a firefighter and rescue team leader who was always in command of saving people even though she had a trauma nearing with someone. She fantasizes about death and will do...