Hindi ko na nasundan ang haba ng gabi, at nagising na lang na natutulog si Drix sa tabi ko.
Ang higpit ng yakap n'ya sa akin, sobrang higpit na para banag ayaw n'yo akong pakawalan.
Nakapulupot ang kamay n'ya sa akin, at nakasiksik ang sarili sa katawan ko na parang bata.
Tanging pagtingin na lang sa kisame ang nagawa ko, prinoproseso kung nagawa ko ba talaga ang lahat ng 'yun.
Hindi pumapasok sa utakko ang lahat ng mga 'yun, para nung nakaraan lang ay takot na takot ako pero kagabi...
Hindi ko nakilala ang sarili ko, na para bang hindi ako 'yung taong 'yun.
Nasapo ko na lang ang ulo ko dahil doon, at natawa na lang sa hindi malamang dahilan.
Sa mga ginawa namin ni Drix, ni isang boses ay wala akong narinig tanging ang mga paamong paalala n'ya lang sa akin.
Ang tahimik ng utak ko, para bang hindi ko kinatakutan ang bagay na 'to noon.
Natabunan ng mga malalambot na paalala ni Drix, ang boses na kinatatakutan ko.
Pero, hindi pa rin ako kontento sa sarili ko.
Sigurado akong hindi 'yun doon nag tatapos, hindi 'yun mananatili sa ganong posisyon.
Alam kong babalik pa s'ya, babalik at babalik pa rin 'yung boses na 'yun sa utak ko at kapag dumating 'yun, mas malaki ang sisingilin n'ya sa akin.
Kabisado ko na ang utak ko, ngayon ay nanahimik s'ya pero kapag muli ko 'yung narinig ay baka pagtangkaan ko na naman ang sarili ko.
Mas nakakatakot tuloy ngayon, dahil malaki ang babawiin nun sa akin kapag nagkataon.
Isang mariin na pagpikit sa mata ko ang nagawa ko, kasabay ng pulupot ng mga braso ko sa katawan ni Drix.
"Andito ka parin sa akin kapag dumating 'yun araw na 'yun diba?" Sobrang hinang bulong ko habang pinaglalaruan ang buhok nito. "Kasi kapag nawala ka...mawawala na ako sa sarili ko."
Ang kaninang mahigpit na yakap n'ya, ay mas lalo n'yang hinigpitan dahilan para mabaon ako sa dibdib n'ya.
Naangat ko pa ang ulo ko kasi nawalan ng hangin sa pagitan naman.
Literal na bumaon ako sa dibdib n'ya dahilan para kumulang ang hangin sa baga ko.
"Wah!" Buga ko, at natawa na lang ako sa sarili ko.
Para akong timang na natawa dahil doon, bahagyang nahampas pa ang katawan nito na bumaling naman sa marahan na paghaplos sa kan'ya.
Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming suot, at hindi ko naman magawang tumayo dahil nga ay ani mo'y linta 'tong lalaki sa tabi ko.
Pumorma ang maliit na ngiti sa mga labi ko, at tinitigan ang mukha nito.
Kanina pa ako gising at 'di na makatulog, pero 'tong katabi ko at ang lalim pa rin ng pagtulog.
Napagala ko na nga ang kamay ko sa kan'ya pero tulog pa rin.
Napagod ba 'to? Nakakpagod naman talaga, pero gising naman ako.
Pagkagat na lang ng pang ibabang labi ang nagawa ko ng muli kong maalala 'yung mukha n'ya kagabi.
Kahit nakahiga ay pumpadyak padyak pa ang paa ko sa kama.
Ang linaw pa rin ng itsura ng mukha nito sa memorya ko.
His rosy cheeks, that get along with his eyes squirting. 'Yung paggahl n'ya sa hininga n'ya, at pagkagat n'ya sa labi n'ya na sinabayan pa ng namumuong pawis n'ya habang nasa ibabaw ko s'ya.
YOU ARE READING
UNDER Series #5: Controlling her desires.
Mystery / ThrillerAzaleinara Almiera Alcobra isn't someone that you can easily imagine. She was a firefighter and rescue team leader who was always in command of saving people even though she had a trauma nearing with someone. She fantasizes about death and will do...