Tulala lang ako buong byahe habang naka yakap kay Drix.
I-namo lang ako nito simula ng sinabi kong nag iinit ang katawan, hindi ko rin talaga alam kung bakit.
Napanguso na lang ako doon, at kinalimutan na lang.
Baka nag s-short circuit lang din talaga ang utak ko, at katawan ko.
Unti unti naman 'yun nawala nung lumayo sa akin si Drix habang hinahalikan ako.
Hmm, weirdo...
Akala mo ay bata akong nakayapos kay Drix habang naglalakad palabas ng airport, ilang oras lang kasi ang naging byahe at wala naman akong ideya kung nasaan kami basta ang alam ko lang ay kasama ko s'ya.
What if kinidnap n'ya na ako? Okay lang, matutuwa pa nga ako eh.
"Nasaan tayo?"
"Hulaan mo–"
"Wag na, wag na mag tanong, mang hula na lang." Iritableng sambit ko kasabay ng pagbitaw sa kan'ya.
Nag tatanong ng maayos 'yung tao eh, mukha ba akong manghuhula? Bombero ako, hindi ako si Madam Awring!
Rinig ko ang mahinang pagtawa nito, kasabay ng muling paghatak sa bewang ko palapit sa kan'ya.
Pinaningkitan ko lang s'ya ng mata, pero nagpahatak pa rin.
"Sungit naman n'yang, Mera na 'yan." Balik nito sa akin, kasabay ng paghalik sa uluhan ko.
Napasimangot na lang ako doon, at krinus ang kamay ko sa dibdib habang naglalakd.
Sinasamaan ko rin ng tingin 'yung mga nakatingin sa akin.
Bakit n'yo ako tinititigan? Inaano ko ba kayo? Tingin ng tingin eh.
"We're in Singapore, Adlaw." Boses ni Drix sa gilid ko, dahilan para marahas kong binalik sa kan'ya ang mga mata ko.
Ano daw?!
"Singapore?!" Tanong ko ulit sa kan'ya, kasabay ng pagtango n'ya sa akin. "Yung may Lion na bumuga ng tubig?!"
Nanlaki ang mata ko doon, umakyat bigla ang excitement sa dibdib ko kasabay ng panginginig ng kamay ko.
"Yes, Adlaw...the one you always dreamed to visit." Ngiti nito na ikinatakip ng bibig ko.
Napahiwalay pa ako sa kan'ya dahil doon, pero ginaya n'ya lang ang reaksyon ko at tinakpan din ang bibig nito na may kunwaring gulat sa mga mata.
"Seryoso ba?" Muling ulit ko sa kan'ya.
"Mukha ba akong nagbibiro? We just landed." Ngiti nito sa akin, at kinuha ang kamay ko. "Let's go, we do have a lot of place to visit."
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko doon, at nag papadyak pa ang paa habang naglalakad.
Patalon talon pa ang hakbang ko habang hawak hawak n'ya ang kamay ko na nginitian n'ya lang.
Sumakay kami sa isang kulay punting kotse na may tatak na L sa unahan nito. Wala akong ideya sa kung anong brand nito, basta gumagana ay goods na.
"Kaninong kotse 'to?" Tanong ko sa kan'ya, dahil s'ya na ang nagmaneho nun pagkatapos ilagay sa likod ang mga gamit namin.
"Mine." Ngiti n'ya, kasabay ng pagkuha ng kamay ko ulit, na hinalikan n'ya pa.
"Ah–"
"Pinabili ko kanina." Pag putol n'ya sa akin na ikinaawang ng bibig ko.
"Ha?!" Gulat na tanong ko. "Wala bang jeep dito? Trcycle? Bakit bumili ka pa?"
Pinaningkitan n'ya lang ako dahil doon, at tinawanan pa ako ng marahan bago umiling.
YOU ARE READING
UNDER Series #5: Controlling her desires.
Mystery / ThrillerAzaleinara Almiera Alcobra isn't someone that you can easily imagine. She was a firefighter and rescue team leader who was always in command of saving people even though she had a trauma nearing with someone. She fantasizes about death and will do...
