CHAPTER 29

48.6K 831 263
                                        

"Adlaw..."

Paglalambing sa akin ni Drix, nakayakap s'ya sa akin ngmahigpit habang nakalubog ang mukha sa leegan ko.

Simula ng magising ako ay inaamo na nito ako, kasabay ng pagbuhat n'ya sa akin paalis ng kama.

S'ya pa nga ang nagluto ng almusal namin, at hindi kumalag sa akin na ani mo'y linta.

Tulala lang ako habang sinusubuan n'ya ako ng pagkain, na g-guilty pa rin ako sa nangyari sa amin kagabi.

Ilang beses n'ya sa akin sinabi na wala akong kasalanan, pero hindi ko magawang hindi inisipin 'yun.

Akala ko talaga wala na s'ya, inaabangan lang pala ang tyempo kung saan n'ya ako pwedeng kantihin na mahihirapan at mawawala ako sa sarili ko.

Nawawala na naman ako sa sarili ko, siguro kung wala si Drix sa tabi ko ay baka nagtangka na naman ako.

Sinugurado n'ya talaga na kakalma ako sa mga braso n'ya, na hindi ako matutulog na magulo ang utak ko, at natatakot ako.

Yakap yakap lang ako nito mula sa likuran, habang pinakandong n'ya ako sa mga hita n'ya habang nagkwekwento ng mga bagay na gusto n'yang gawin kasama ako.

Mas matagal kaysa noon angpagkalma ko, pero hindi s'ya naubusan ng pasensya hanggang sa unti unti ko ng naramdaman ang antok sa katawan ko dahil sa malalambing na boses na pinaparinig n'ya sa akin.

Unti unting nawala ang sakit ng utak ko dahil sa boses na 'yun, dahil sa kung paano n'ya ako amuhin.

Hanggang sa makatulog ako, at magising ay s'ya ang nasa tabi ko.

Hindi n'ya ako hinayaan maramdaman na mag isa ako habang kasama s'ya, wala na s'yang pake kung wala s'yang tulog o ano basta mabantayan n'ya lang ako sa mga posibilidad na gawin ko sa sarili ko.

Ako dapat ang sumusyo sa amin, yet Drix was the one who was taking care of me.

Nakagat ko na lang ang pang ibabang labi ko doon, kasabay ng malambot na pagyakap ko sa kan'ya at hindi nagsasalita kahit pinapakain n'ya ako.

Gaya ng dati, at lagi n'yang ginagawa ay sa tabi ko s'ya nakaupo kasabay ng pagbalot ng mga binti ko sa kan'ya sa ilalim ng lamesa.

"Shh, it's fine." Paghaplos n'ya sa likuran ko, at hinalikan ko pa ang ulo ko.

Para akong bata na yumapos sa kan'ya, pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Simula una, ginagawa na lahat ni Drix para sa akin, pero ako lang lagi ang may problema.

Ako lang 'yung laging hindi mabigay ang mga bagay na kayang ibigay ng normal na babae sa kan'ya.

Anong magagawa ko, hindi ako normal eh? Ibang iba ako, pero sa hindi magandang paraan.

Iba ako sa kanilang lahat, pero 'yun pagkakaiba ko ang hindi ko masikmura.

Ako lagi ang may problema sa aming dalawa...

Na kahit anong gawin ko, kahit anong distraction ang gawin ko para mawala 'yun sa utak ko ay hindi ko magawang kalimutan ang nakaraan ko.

Nawawala na naman ako sa sarili kong utak, nalulunod na naman ako sa sarili ko–

"Don't blame yourself, it wasn't your fault." Marahang sambit nito sa akin, kasabay ng paghawk sa dalawang pisngi ko.

Imbis na tumahan, ay mas lalong bumagsak ang luha sa mga mata ko, kasabay ng pangiginig ng labi ko.

Wala akong ibang nakita sa ekpresyon ni Drix, maliban sa malambot at ng aamo n'yang ngiti kasabay ng paghalik n'ya sa gilid ng mata ko.

"You've come so far from who you are, far from how I met you." Ngiti nito sa akin, habang marahan na hinahaplos ang pisngi ko ng hinalalaki n'ya. "Malayong malayo ka na, Adlaw kung sino ka...don't let those voice comes over you again, everything takes time...and, we will wait for that? Right? Andito lang ako sa tabi mo." Malambot na paala n'ya sa akin.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now