CHAPTER 39

45K 983 361
                                        

"P-PAANO KA NAPUNTA DITONG DEMONYO KA?!"

Ayan ang malakas na sigaw ko ng mapagtanto kung sino nga talaga 'tong lalaking nasa harapan ko.

Nagising ako sa madilim, at hindi pamilyar na lugar.

Malayong malayo sa maingay na syodad kung saan ako namamalagi, binabalot ang katawan ko ng parehong takot at pagkalito.

Halata ang pagtanda sa itsura ng lalaking to, pero hindi mo maikakaila ang demonyong pagkatao na s'yang napapakilabot sa buong sistema ko.

Nakasalampa ako sa sahig habang nakatali ang mga kamay ko sa likuran habang nasa harap ko s'ya, malaki ang ngisi na ani mo'y asong ulol na sabik sabik sa butong nakuha n'ya sa daan.

Wala pa ring nababago sa kan'ya kahit iba na ang pananmit nito, malayo sa miserableng itsura n'ya noon.

Ang ayos ng damit nito, naka tailored suit, mukhang mamahalin, at naka brush up pa ang buhok. Ang ayos ng itsura n'ya pero hindi ang ugali at kalagayan ko ngayon.

Pilit akong kumalag pero walang magawa ang katawan ko sa higpit ng taling nakatali sa akin, na pumipigil sa mga galaw ko.

"Why...why are you raging ateme? Don't you missed me–"

"PUTANGINA MO GARRO! BAKIT HINDI KA PA NASUNOG SA IMPYERNO!" Bulasawsaw ko sa kan'ya pero tinawanan lang ako ng gago.

Nanginginig ang mga kamay ko, pero hindi ko magawang magpatalo sa mag atitig nito sa akin.

Nawala ang lahat ng kaninang nararamdman ko, at sakit ang s'yang nagpahina sa akin ng pandalian dahil sa nalaman ko, at napalitan ng panggagalaiti.

Muling nabuhay 'yung galit na matagal ko ng binaon at mukhang nakalimutan ang lagi kong iniisip na kamatayan sa utak ko.

"Hush...you're dad won't love it kapag nalaman n'yang nagmumura ka." nanlaki ang mata ko ng binanggit n'ya sa harapan ko ang tatay ko.

Nag aapoy ang mga mata ko, at gustong haiyin na alng ang leegan nito kung makakagalaw lang ako.

Para naman akong tinakasan ng kaluluwa gumalaw 'to sa posisyon n'ya, lalo na ng lumapit sa akin 'to at bahagyang nilapt ang mga kamay sa ulo ko na s'yang nagpakawala sa lahat ng kuryente sa katawan ko.

Bumigat ang paghinga ko, lumalim ang bawat hangin na nilalabas ng dibdib ko.

"W-WAG MO AKONG HAWAKAN!" Pumapalagag na sambit ko sakan'ya, at mukhang alam n'ya kung paano pakuluin ang dugo ko dahil nang aasar pa 'to kung ilalapat n'ya ba ang kamay n'ya sa balat ko o kung ano.

"Should I put my hands on you?" Nakangising tanong nito sa akin, habang nasa ibabaw ko ang kamay nito. "Or, I should?" Muling pang aasar nito.

Marahas na pag lunok ang s'yang nagawa ko dahil doon, at nangbabadyang bumagsak ang mga galit na luha ko dahil sa inaakto n'ya.

Nanginginig ang mga kamay ko, pero hindi ko pinakita ang takot sa kan'ya.

Hindi ko maisip na makikita ko ulit s'ya, pero mas lalong wala akong ideya na makikita ko s'ya dito! Dito sa ibang bansa!

"P-paano ka ba napunta dito?! Wala ako sa pilipinas...paanong, paanong nasundan mo ako dito?!" Utal pero mariing tanong ko sa kan'ya.

"Hush...I don't think matutuwa ka kapag nalaman mo kung paano..." Pag iling iling nito, kasabay ng pag baba n'ya sa posisyon ko. "Don't question anything, if you can't handle–"

"Fuck you!" I spit on him, along with that curse.

Wala 'tong sinabi pero natawa lang sa ginawa ko sa kan'ya, dahilan para mangnot ang noo ko.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Stories to obsess over. Discover now