PROLOGUE

2.9K 54 1
                                    


***

"Hindi na kita mahal. Matagal na!" Galit na sinabi ni Joper sa akin. Isa siyang lesbiyana, halos kasing-tangkad ko lang, maputi, maganda lalo na kung naging babae siya. "Nakakasawa yung pagdududa mo, yung pagseselos mo nakakasakal." Dagdag niya habang umiiyak lang ako sa harap niya.

 
"Kelan pa?" Tanong ko habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Pinipilit kong wag maiyak habang nagsasalita ako dahil baka bigla nn lang akong layasan nito.

 
"Isang taon na. Kaya pwede ba umalis ka na." Sagot niya sa akin. Masakit, sobrang sakit sa pakiramdam na pinatagal pa niya lahat kahit wala na siyang nararamdaman.

 
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Sana noon mo pa ako hiniwalayan para hindi ganito." Ani ko habang halos maglupasay na ako sa pag-iyak ko. Hindi siya umiimik.

 
Sana noon pa. Sana hindi niya na pinatagal ng isang taon pa bago niya ako hiniwalayan at iniwan sa ere. Sana hindi niya na hinayaan na mahalin ko pa iya ng sobra pa. Sana noon pa lang iniwan niya na ako para mas matanggap ko pa.

 
Umalis ako sa harap niya ng walang pasabi. Gusto ko siyang yakapin ngunit pinigilan ko iyon para maipakita ko ang tapang ko, para maipakita kong tuloy ang buhay kahit wala na siya sa tabi ko.

 
Hindi ako lumingon, pinilit kong maging matapang. Nagawa ko, na kahit lumuluha ako sa daan okay lang basta nagawa ko.

 
Matapang ako, pipilitin kong maging matapang para masabi mo sa sarili mong "Sayang wala na si Gela sa tabi ko!"

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon