XVII.

420 9 0
                                    

Joper's POV

Alas sais pa lang ay nagising na ako. Oo, antok na antok pa rin ako pero mas gugustuhin kong aantok antok kesa hindi magawa ang gusto ko. Lumabas ako agad ng bahay nila Gela para utuin si Ian sa kanila. Buti na lang maaga siyang nagising ngayon at mukhang nasa mood naman siya.

"Ian. Dalhin mo naman 'yong oto ko sa shop." Sabi ko kay Ian. "Paki-pacheck. Brakes. Oil. Tubig. Lahat. Ipakondisyon mo, babyahe kami eh." Dagdag ko sa kanya. Nginitian lang ako ni Ian. Alam ko na 'yon, siyempre hindi libre ang serbisyo niyan. Hindi naman nagpapabayad pero may ibig sabihin ang mga ngiti niyang iyon.

Pagkabigay ko sa susi ng oto ko ay agad akong nagtungo sa bahay. Kinuha ko ang travelling bag ko at nilagyan iyon ng mga damit ko, ilang pambahay, pang-alis, panloob, sapatos at tsinelas lang naman.

Habang nag-aayos ako ay narinig kong bumukas ang gate namin, napasilip naman ako sa terrace. Sakto dumating si Mama. Pagbaba ko ay dala ko na ang travelling bag ko at ang isusuot ko sa pag-alis namin ni Gela.

"Ma, aalis kami ni Gela. Five days akong mawawala." Paalam ko ng maayos kay Mama habang kinukuha ko ang tootbrush ko at iba pang toiletries ko.

"Paano 'yong trabaho mo sa Health Center?" Tanong sa akin ni Mama na mukhang gulat.

"Nagpaalam na ako ron Ma." Sagot ko kay Mama. Nagpaalam na talaga ako pero ang paalam ko ay ilang araw lang. Itetext ko na lang sila ulit mamaya. Ilang araw akong nanligaw sa Health Center para mapapayag sila.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Mama sa akin na ibinaba pa talaga ang suot na salamin para tingnan ako at siguro para ipakita sa akin ang interrogating look niya.

"Hindi ko alam. Ma naman eh, aalis na siya kaya pagbigyan mo muna ako." Sabi ko kay Mama habang napapakamot pa ako ng ulo dahil sa pagiging matanong niya.

"Oo na. Sige na. Pasalubong ah." Sagot na lang ni Mama at parang itinataboy pa ako dahil sa senyas ng kamay niya.

"Yes!" Sabi ko. "Thanks Ma. Oo may pasalubong kayo ni CK sa akin." Dagdag ko pa saka ako umalis ng bahay oara bumalik kila Gela, dala ko na ang mga gamit ko.

Pagkarating ko kila Gela ay gising na si Tintin at nakatulala sa sala. Bukas ang TV pero hindi naman siya nanonood. "Good Morning." Bati ko kay Tintin. "Ikaw pa lang ang gising?" Tanong ko kay Tintin. Nakatingin lang siya sa dala-dala kong bag na inilagay ko sa tabi ng sofa nila Gela.

"Good Morning. Saan ang lakad?" Sagot niya sa akin na nananatiling nakapako pa rin ang mata sa dala ko.

"Hindi ko pa alam. Aalis kami ni Gela." Sagot ko sa kanya. Dumeretso ako sa refrigerator ni Gela at binuksan iyon. "Anong gusto niyong breakfast?" Tanong ko kay Tintin na naupo na lang sa dining table.

"Any. Hindi naman kami maarte." Sagot ni Tintin sa akin na nag-iinat pa ng braso niya. "I'll give you a hand." Tintin offered. Gusto kong tumanggi pero hindi ko na lamang ginawa, baka kasi biglang magsigising ang mga tulog at pagkain agad ang hanapin kaya kailangan ko na ng tulong.

"Thanks." Sagot ko na lang kay Tintin habang inilalabas ang mga pwedeng lutuin  sa ref ni Gela at ang ibang pinamalengke namin kahapon.

Nagsaing ai Tintin, hindi raw kasi mahilig sa fried rice si Alex at Jov. Habang nagsasaing siya ay iniluto ko naman ang hotdogs, tocino at ang itlog. Inaayos na rin ni Tintin ang dining table, inurong namin ng kaunti iyon dahil nakadikit sa pader, hindi kami magkakasya pag ganon ang pwesto kaya medyo inilagay namin sa gitna. Nagluto rin pala ako ng tinolang manok para sa mga gusto ng sabaw, sakto at paborito daw ni Jov iyon.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon