Gela's POVNaalimpungatan ako ng wala na si Joper sa tabi ko. Agad akong bumangon at bumaba baka sakaling maaga na naman nagluto si Joper ng almusal. Huling araw na ng day off ko ngayon at si Joper naman ay mamayang tanghali pa raw ang pasok.
Halos takbuhin ko na ang hagdan para lang malaman kung nagluluto na nga ba siya pero kahit amoy ng sinangag o ng tocino na madalas niya lutuin tuwing almusal ay wala, wala akong maamoy na pagkain.
"Da..." halos pasigaw ko ng tawag sa mga oras na 'to dahil bigla na naman siyang nawala sa tabi ko. "Sabi ko naman sa'yo 'wag mo 'ko iniiwan sa higaan eh." Halos pabulong ko na lang na pakikipag-usap sa sarili ko.
Halos maglalabing-limang minuto na rin ata siguro akong naka-upo sa sofa pero hindi ko pa rin alam kung nasaan si Joper. Umakyat na lamang ako sa kwarto para kunin ang phone ko, tatawagan ko na lang siya.
Nakakaramdam ako ng pananamlay, hindi ko alam kung bakit. Para akong nanghihina pero wala naman akong sakit na dinaramdam, ang sigla sigla ko pa nga kagabi bago kami matulog ni Joper eh.
Pagkakita ko sa telepono ko ay agad kong i-dinial ang number ni Joper, nag-ring naman agad 'yon. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Pero walang sumasagot. "Nasaan ka ba?" Tanong ko sa sarili ko. Sa sobrang inis ko ay binato ko ang phone ko sa kama at agad na tinungo ang banyo para mag-hilamos, wala naman sigurong masama kung puntahan ko siya sa kanila ng ganito kaaga.
Nagsuot ako ng jogging pants at t-shirt para naman hindi nakakahiya kapag lumabas ako. Nang makita kong okay naman ang hitsura ko ay lumabas na ako ng bahay, naka-lock ang gate. Siguro noong lumabas si Joper ay ibinalik din niya sa pagkaka-lock ang gate.
Maaraw na pagkalabas ko ng bahay, alas siyete y media pa lang pero mainit na. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, mabuti na lang at wala pa ang Mama niya sa kanila. Wala kasi 'yong motor kaya hindi ako masyadong kabado. Napansin kong hindi umaalis ang tingin sa akin ng isa nilang kapitbahay, nakakapagtaka naman na ngayon lang niya ako tiningnan ng ganito. "Pwede po bang pumasok?" Tanong ko sa kaniya, kahit alam kong hindi naman ako dapat nagpapaalam sa kaniya.
"Wala atang tao 'dyan eh. Umalis na si Joper kanina pa." Sagot sa akin ni Ate Rachel, ito 'yong tsismosa nilang kapitbahay na laging alam ang bagong issue. "Mga alas sais ata ng maaga 'yon." Dagdag pa nito.
"Ay, sige Ate, salamat." Tugon ko na lang at saka umalis na. Napa-isip naman ako bigla kung saan pupunta si Joper ng ganoon kaaga. Hindi man lang niya ako ginising para sabihan o hindi man lang siya nagluto ng almusal para makakain ako, kaming dalawa.
Pagkabalik ko sa bahay ay sumalampak ako sa sofa, nakatingala sa kisame at nag-iisip ng pwede kong gawin. Ngayon lang ako iniwan ni Joper sa higaan ng hindi ko siya nadadatnan sa kusina, madalas kasi sa kusina ko lang siya nakikita eh.
Nagulat na lang ako sa biglaang pagtunog ng phone ko na ipinatong ko sa center table kanina bago pa man ako magtungo kila Joper. Agad kong kinuha iyon dahil baka si Joper na nga. Pagtingin ko sa screen, unknown number na naman.
Be ready...
Eto ang unang message sa akin noong number may katagalan na rin, eto 'yong araw na nag-away kami ni Joper dahil sa litrato na hinalikan ako ni Jaja. Siya rin ang nagtext sa akin ngayon ngayon lang.
How's your day? Mabigat ba ang pakiramdam mo ngayon. Don't worry, masasanay ka rin.
Laman ng text niya ngayon. Gusto ko sana siyang replyan pero wala ako sa mood alamin kung sino siya, sa umpisa pa lang magpapakilala naman 'to kung gusto niya di'ba? Pero oo, totoong mabigat ang pakiramdam ko ngayon dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Nakakainis naman, may plano pa naman akong sumama kay Joper sa trabaho niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...