XXV.

243 5 0
                                    

Melanie's POV

Hindi kami lumabas ng hotel nila Aira ngayon dahil tamad na tamad kami, hindi namin alam kung dahil ba sa haba ng byahe papunta dito o dahil sa sobrang init na nararamdaman namin sa labas. Andito lang kami sa kwarto ni Jaja mula umaga hanggang ngayon na malapit ng matapos ang tanghalian.

"Ano Ja, hindi mo pa rin ba ipapakita sa amin 'yong trip mong chick?" Si Aira iyon na talagang hindi tinigilan si Jaja sa pangangantyaw niya. Hindi naman daw bestfriend ni Aira itong si Jaja pero sobrang close talaga silang dalawa.

Kanina ko pa nga tinititigan itong si Jaja eh, maganda siya kung babae siya, malamang ay mas maganda pa ito kay Aira kung tutuusin pero naging isa siyang lesbiyana. Sayang naman.

Naisip ko rin na bakit hindi na lang sila ni Aira ang magkatuluyan para hindi habol ng habol si Aira kay Lyko. Kung mabait lang din naman siguro itong si Aira ay magugustuhan siya ni Jaja, eh hindi eh, saksakan ng maldita at sama ng ugali, ewan ko ba kung paanong natagalan din siya ni Lyko. Ha ha ha. Ang sama ko na masyado kaiisip sa malditang kinaibigan ko.

"Oo na, eto na, excited lang talaga." Sagot na lang ni Jaja sabay tayo patungo sa kwarto niya.

"Overcharged na 'yan." Sigaw ni Aira para lang marinig siya ni Jaja. "Ikaw? Ano naman iniisip mo dyan?" Tanong ni Aira sa akin ng maibaling niya ang atensyon niya sa akin.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong iniisip ko dahil blanko ang utak ko ngayon, parang makinang walang langis kaya hindi gumagana, gumana man ay sobrang bagal naman sa pagproseso. "Kung anong move ang gagawin ko kapag wala na si Gela sa Manila." Sagot ko na lang sa kanya kahit na hindi namann talaga iyon ang iniisip ko.

"'Wag kang mag-alala, tutulungan naman kita eh. 'Wag mo masyadong iniisip 'yan ngayon." Sagot niya sa akin. At least sa sinabi kong iyon sa kanya nalaman ko na tutulungan pa rin niya ako kahit medyo alanganin na ang sitwasyon.

Ang ikinakatakot ko lang naman sa ngayon kapag sumama si Joper kay Gela sa Boracay. Hindi ko nga alam kung ano na ba ginagawa nila ngayon don eh, kasi sabi ni Joper they will stay there for good, it means Joper is willing to give up her job just to be with Gela. Nakakaiyak naman isipin 'yong ganun, para akong mababaliw sa katotohanang mahal na mahal ni Joper si Gela.

"Eto na, baka mapanga-nga ka 'pag nakita mo na 'to." Biglang pagsasalita ni Jaja pagkalabas niya ng kwarto niya habang nakatingin sa phone niya na lumapit sa amin ni Aira.

"Dali, dali..." si Aira iyon na halata sa kanya ang pag-ka-excite sa ipapakitang litrato ng kaibigan niya.

Naupo ng maayos si Jaja sa gitna namin ni Aira at nag-umpisa na siyang kalikutin ang phone niya hanggang sa makarating iyon sa Photos, titig na titig si Aira sa phone ni Jaja na halos idikit na ang mukha sa screen niyon at kulang na lang ay siya na ang humawak noon para lang makita agad. Masyadong maraming pictures ang dinaanan namin bago pa niya makita ang litrato ng babaeng gusto niya.

Nang makita na walang umiimik sa amin kahit isa, tanging ang paghinga lang ata namin ang maririnig mo dahil na rin sa kagustuhan namin na makita ura-urada ang babaeng tinutukoy ni Jaja.

"Oh, ayan na. Maganda di'ba?" Si Jaja iyon habang ihinaharap kay Aira ang screen ng phone niya dahil nga kulang na lang ay idikit nito ang mukha niya sa screen ng phone ni Jaja.

"Oy, patingin naman." Sabi ko kaya lumipat ako sa kabilang gilid ni Aira at tinitigan ang mukha ng babaeng nasa litrato.

Hindi ako pinansin ni Aira, titig na titig siya sa picture na ipinakita ni Jaja sa amin, nangungunot pa nga ang noo niya dahil sa nakita niya, hindi siya maka-imik.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon