Gela's POVNagising ako ng alas siyete ng umaga para lang mag-ayos ng gamit ko. Alas onse y media daw ako susunduin ng service tulad ng sinabi ni Sir Manuel sa akin noong huli kaming nag-kausap.
Kahit masakit pa ang ulo ko ay pilit akong bumangon, naparami ata ang inom ko dahil sa makulit kong Bespar kagabi, 3 oras lang ang naging tulog ko at mabilis naman kaming natapos sa binili nilang inumin dahil na rin salubong ang tagay namin.
Wala na si Joper sa tabi ko, baka nag-luluto na siya sa baba. Pagbangon ko ay nagpalit lang ako ng maayos na damit, naka-suot na lang ako ng isang malaking t-shirt at wala ng iba.
Pagkababa ko ay nakita kong nakahain na ang lahat sa mesa. Halos sabay lang kaming natulog ni Joper pero mas maaga pa siyang nagising sa akin. Ganito na ba talaga siya ka-sweet mula noong nagka-ayos kaming dalawa? Sweet na nga siya noon, sweet pa siya lalo ngayon.
"Da..." lambing ko kay Joper habang inaayos ang mga plato sa mesa. Si Frey pa lang ang gising at nakaharap sa kalan at ang mga kaibigan niya na nanonood naman. "Bakit ang aga mo masyado. Nakatulog ka ba ng maayos?" dagdag ko sa kaniya.
"Oo naman. Ako pa ba?" Sagot niyang masigla at saka ngiting-ngiti ang mukha niya.
Napa-kunot ang noo ko dahil sa reaksyon niya at sinundan siya patungo sa kitchen sink at kinurot ng marahan sa tagiliran niya. "Bakit hindi ko naramdaman?" Sabi ko sa kanya. Napalingon siya sa akin at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. "What?" Tanong ko sa kaniya ng may pagtataka dahil sa ginagawa niya. Ngumiti lang siya. "Rapist..." bulong ko ng akmang pahakbang siya para kumuha ng tasa.
Natawa ng malakas si Joper at nagulat ako. "Iniisip mo may nangyari 'no?" Tanong niya sa akin, totoo, 'yon ang nasa isip ko kaya takang-taka ako kung bakit wala akong suot na kahit na anong panloob. "Da, kasi nag-shower ka kagabi, tapos paglabas mo nakatapis ka lang at nahiga agad sa kama." Kwento niyang mahina lang dahil nakakahiya nga naman kung marinig iyon ng mga kaibigan niya.
"Tapos? Paano ako nag-suot ng t-shirt?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa kasi niya ako deretsahin para hindi ako nabibitin.
"Hinayaan lang kita hanggang sa hindi ko na natiis, ni-rape na kita." Sagot niya sa akin sabay tawa niya ng malakas. "Biro lang. Nakatulog kang nakapulupot sa'yo 'yong bath towel. Dinamitan kita, tapos nong isusuot ko na 'yong panloob mo bigla mo akong sinipa. Ang sakit kaya non kaya hinayaan ko na lang." Paliwanag niya. Ipinakita pa niya sa akin ang sipa na ginawa ko sa kanya. Mayroon siyang pasa sa bandang balikat, malakas nga siguro talaga iyon.
"Sorry." Ani ko pagkakita ko sa pasa niya. "Pero nag-enjoy ka naman na ganon ako 'no?" Tanong ko pa sa kanya.
Tumango lang siyang naka-ngiti sa akin at saka siya lumabas agad. Alam niya sigurong makakatikim siya ng hampas sa akin kaya inunahan niya na agad ng pagtakbo.
Natapos na kaming nag-almusal ay hindi pa rin gumigising sila Tintin. Mukhang napasarap ng husto ang tulog nila. Okay lang naman maiwan sila rito dahil andito naman si Joper para asikasuhin ang lahat. Sa kanya ko ipapaubaya itong bahay. Siya ang maglilinis, maglalampaso, magpupunas at kung anu-ano pa. Haha, biro lang. Para kapag nasa Boracay na ako at may ipapadala ako sa kaniya, isang sabi ko lang in an instant andyan na.
Pagka-uwi ng mga kaibigan ni Joper ay umakyat ako para ayusin na ang gamit ko, maleta at kung anu-ano pa. Si Frey nagpa-iwan sa sala at manonood na lang daw muna. Hihintayin na rin niyang magising ang iba pa at ng may makasama na rin siya.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad akong niyakap ni Joper. "Da, naiiyak na ako." Bulong niya sa akin na nakayakap ng mahigpit. "Kung pwede lang kasi dito ka na lang." Dagdag pa nito sa akin. Nararamdaman ko ng unti-unti ng nababsa ang damit ko dahil sa mga luha niya.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...