Gela's POV
Hindi ko inakala sa sarili ko na makakayanan kong tanggihan si Lyko over Joper. Sabi ko pa naman sa sarili ko, mamahalin ko si Lyko dahil sa atensyon at oras na ibinibigay niya sa akin pero bakit hindi ko maiwasan si Joper, si Joper na sinaktan ako, binalewala at ipinagpalit sa iba.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing may sinasabi siya o hinihinging pabor ay agad niya akong napapa-oo. Hindi ko alam kung bakit sa bawat OO ko para akong lumulutang sa sobrang saya sa pakiramdam ko.
Nawawala sa isip ko na may nasasaktan akong tao at may nasisira akong relasyon. Ang sama ko ba? Masama ba ako kasi ako nagsasaya tapos may ibang taong nagdurusa?
"Ang lalim naman ng iniisip mo?" Puna ni Joper sa akin, nasa isang jeep na kami papunta sa Mandaluyong, at malapit na kami sa DOH office ng Mandaluyong. "Alam ko na gusto mo?" Nakangiti niyang pahabol sa akin.
Pinaningkitan ko lang siya ng mata, ayokong magsalita pero alam kong bakas sa mukha ko at sa mata ko na masaya ako sa mga sinasabi at sa mga ginagawa niya. Para kasing hindi kami nag-hiwalay. Parang kinailangan lang namin ng space para maipahinga yung relasyon namin na puro away at duda na.
"Saglit ko lang naman ipapasa 'to eh tapos kain tayo sa Jollibee." Sabi pa niya sa akin. Pagkain talaga ang panuhol sa akin ni Joper. Aminado akong malaki talaga ang ipinayat ko mula noong naghiwalay kami ni Joper. Siguro halos isang buwan akong walang kinakain noon at puro tubig at alak lang ang laman ng tiyan ko hanggang sa makasanayan ko na ngang minsanan na lang kung kumain. "Para po. Sa tabi lang." Ani Joper dahil andito na pala kami sa babaan, malayo pa ang lalakarin at pwede naman sumakay pero tinanggihan ko ang pagsakay.
"Lakad na lang tayo, maaga pa naman eh." Sabi ko sa kanya. Alas tres pa lang naman. Oo, lang. Kasi hanggang alas singko naman ang bigayan ng DTR nila.
Naisipan ko lang maglakad kahit alam ko sa sarili ko na tamad ako pagdating sa lakaran. Bukod sa mabagal ako ay kailangan may nginangata ako para malibang ako. Pero siyempre eto talaga yung dahilan, may iba kasi sa pakiramdam ko ngayon, para bang gusto ko buong magdamag ko siyang katabi at kasama dahil parang huli na 'to.
Nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad kami, hawak hawak niya ang kamay ko kaya kahit na hindi naka-baling sa daraanan ko yung paningin ko, ay ayos lang dahil andyan naman siya para alalayan ako.
"Bakit ba parang kanina ka pa nakatingin?" Tanong niya sa akin. Naiirita na rin siguro siya dahil kanina pa sa biyahe ko siya pinagmamasdan ng sobra. Kung ako nga ayaw ko rin ng tinititigan eh, ibang tao pa kaya. "Napagtanto mo na ba na kamukha ko talaga si Daniel Padilla?" Pabiro niyang pahabol sa akin at saka tumawa.
"Masaya ka ba pag kasama mo ko?" Tanong ko sa kanya. Nanatili pa rin na nakapako ang paningin ko sa mukha niya, sa labi niya at sa mga mata niya.
"May problema ka ba?" Sagot niya saka iniiwas ang tingin niya sa akin. "Alam ko yung mga tanungan mong ganyan." Dagdag pa niya sa akin. Halata sa boses niya ang pag-kadismaya dahil sa tanong ko sa kanya.
"Eh wala lang, gusto ko lang malaman." Sagot ko at iniiwas ko na ang tingin ko sa kanya dahil pakiramdam ko any time at this moment ay tutulo na ang luha sa mata ko. "Kasi ako, masaya ako. Kahit na alam ko nasaktan mo ako, kahit na alam kong may ibang tao naman na handang gawin lahat ng naging pagkukulang mo at kahit alam kong may masisira ako." Dagdag ko sa kanyang nakatingin sa malayo.
"Nagpapaalam ka na ba?" Deretsahang tanong niya sa akin habang pabagal ng pabagal ang paglalakad namin.
"Hindi. Baka kasi bigla ka na lang lumayo." Sagot ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang luha sa mata ko dahilan para mapahinto kami ni Joper sa paglalakad. "Baka kasi kung kailan nakakaramdam na ako ng sobrang kasiyahan, bigla mo na naman akong iiwanan." Dugtong ko pa sa kanya. Napasinghot ako dahil sa iyak na nagawa ko.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...