XV.

442 11 3
                                    

Gela's POV

Pagkakatok ko sa pinto ng opisina ni Sir Manuel ay huminga muna ako ng malalim bago ko iyon buksan. Pagkapasok ko ay mas nakahinga ako ng maluwag dahil wala doon si Aira. "Good Morning Sir." Bati ko sa kanya kahit pa hindi siya nakatingin sa akin dahil busy sa ginagawa niya.

"I was looking for you since yesterday." Sabi niya sa akin ng hindi ako nililingon.

"Sorry Sir." Tangi kong nasagot. Ayaw niya ng empleyadong nagdadahilan kaya hindi ko na tinangka pa. Tutal naman nasabi na rin naman ni Monika na rest day ko kahapon.

"You'll be leaving Manila in five days." Dire-diretsong sabi ni Mr. Manuel.

Bigla naman akong napatanga sa sinabi niyang iyon. 'Yong totoo? Minamadali nila ako? Mas excited pa sila sa akin ganon?

"May susundo sa'yo sa tinitirhan mo para samahan ka sa airport. Maayos na lahat." Dagdag pa ni Mr. Manuel, nanatili akong tahimik at walang imik. "Do you understand?" Tanong ni Mr. Manuel at nakatingin sa akin, mukhang gusto niyang malaman ang reaksyon ko.

"Y-yes Sir." Sagot ko na lang sa kanya. Gusto ko sanang itanong kung bakit napa-aga ata pero hindi ko na lang iyin tinangka. Common sense diba? Malamang kailangan na ako don sa Boracay di'ba? 'Yon lang 'yon.

"Hindi mo na rin kailangang pumasok ngayon until the next five days. Fix your things then you may go home and rest." Sa sinabi ni Mr. Manuel, ito lang ata ang nagustuhan ko. Ang mga nauna? Hindi dahil agad agad pinapaalis na ako dito para makapunta na sa Boracay.

Tumango na lamang ako at ngumiti siya saka ako umalis palabas sa opisina niya. Nakakatuwang isipin na may pahinga ako ng limang araw, kung susumahin mula noong rest day ko noong isang araw hanggang sa susunod ay halos isang linggo rin. Sa kabila ng tuwang iyon, gusto kong maiyak dahil limang araw na lang pala ako rito sa Manila. Ano na lang ang magiging reaksyon ni Joper? Ayaw pa naman niyang umalis ako tapos ngayon biglang mapapaaga pa.

Pagbalik ko sa locker room ay tinawagan ko si Joper. Hindi ko pa siguro sasabihin sa kanya na aalis ako, pag nagkita na lang siguro kami saka ko ipaaalam sa kanya na limang araw na lang ako dito.

"Hello Da. May ginagawa po ako." Bungad sa akin ni Joper.

"Da, pupuntahan ko na kasi si Lyko para kausapin, after that dederetso ako dyan sa trabaho mo." Sagot ko sa kanya. Sana hindi niya mahalatang malungkot ang tono ko. Sana hindi niya mahalatang may iniisip ako dahil sa tono ng boses at pananalita ko.

"Wala kang pasok?" Tanong niya sa akin. May ginagawa raw siya pero nagtanong pa rin.

"Cancelled Da. Mag-aayos lang ako para makapunta na rin ako dyan." Walang gana ko pa rin na sagot sa kanya habang ang iba kong gamit sa locker room ay unti-unti ko ng inilalabas.

"Okay. I love you. Mag-iingat ka. Tawagan mo ko kapag on the way ka na. Alright?" Sabi niya sa akin na ang sigla sigla pa.

"I love you too." Matipid kong sagot saka ko inend ang tawag. Napahinga ako ng malalim at napa-upo sa upuan. Napapatulala na lang ako bigla bigla dahil sa biglaang pag-alis ko. Hindi ako handa eh, ang dami ko pa naman plano para sa amin ni Joper bago ako umalis ng Manila.

"Oh! Kamusta pag-uusap niyo ni Sir?" Tanong ni Monika na hindi ko namalayan na andyan na pala.

"I'll be leaving in five days." sagot ko na lang sa kanya. Nakita ko siyang may dalang baunan, breaktime niya siguro. Dito lang din naman sa locker yan kakain.

"Agad? Akala ko two weeks pa? Nako ah. I smell something malansa." Komento ni Monika. Kahit ako naman, hindi ko maiwasan na isipin na si Aira ang may pakana nito mula sa umpisa pa lang.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon