XXIII.

241 7 0
                                    

Gela's POV

Nakakatuwang isipin na nagawa naming gumising ni Joper sa alarm ng phone namin, 'yon nga lang ay sa pagtunog pa ng alarm ng phone ko kami nagising at hindi sa tunog ng telepono niya.

Nagsipilyo lang kami at naghilamos ni Joper bago kami magtungo sa hall kung saan nakalatag ang breakfast buffet nila.

Nasa ika-apat na palapag ang hall at goodluck sa amin dahil walang elevator sa hotel na ito. Hindi man ito katulad ng ibang hotel na may elevator ay hindi naman nakakaboring ang umakyat sa hagdan nila dahil glass window ito mula first floor hanggang itaas kung saan kitang-kita mo ang view sa labas, ang magandang view sa labas.

Pag karating namin sa hall ay agad naming tiningnan ni Joper kung anong almusal ang hinahain nila, isang typical na pang-almusal ang nakahilera sa isang buffet table nila rito. Hindi naman nakakadismaya dahil hindi ka na lugi sa lugar na kinakainan mo, ang ganda rin kasi ng view.

Pag kakuha namin ng makakain ni Joper ay naupo kami malapit sa isang napakalaking glass window at doon naupo. Mabuti na lang at kokonti pa lang ang tao kaya nakakuha kami ng magandang mapupwestuhan.

"Da, you want coffee?" Tanong sa akin ni Joper. Tumango lang ako bilang pag-sang-ayon at saka siya tumayo para magtungo sa pwesto kung saan nakalagay ang mga hot beverages.

Nakatingin ako kay Joper mula sa pwesto niya, nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya nakikita na nakatingin ako sa kanya. Nagulat na lamang ako ng biglang lumapit sa akin ang taong pinagseselosan ni Joper. Nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya sa gilid ko. "Hi Miss, Good morning." Bati niya sa akin saka inilapag ang isang tasa ng kape sa tabi ng pinggan ko.

Napatingin ako bigla kay Joper, pabalik na siya sa pwesto namin. "Thanks but no thanks." Sabi ko sa kanya. Hindi naman sa nagtataray dahil sa sinabi ko at hindi rin naman nagpapaka-rude dahil sa inaasta ko, kundi dahil marunong lang akong umiwas sa mga bagay na alam kong maaaring maging dahilan ng pag-aaway namin o pagseselos ni Joper.

"May problema ho ba tayo?" Tanong ni Joper sabay lapag sa kapeng kinuha niya at napatayo ako bigla.

"Ah, wala naman. Makikipag-kaibigan lang 'Tol." Sagot ng lesbiyana sa amin. "Jaja nga pala." Sagot niya sabay lahad ng kamay niya sa harapan ni Joper. Tinitigan lang ni Joper ang kamay ni Jaja at parang nag-iisip pa ito.

"Joper." matipid na sagot ni Joper saka inabot ang kamay ni Jaja na may katagalan din na nakalahad sa harapan niya.

"And you are?" Tanong niya pagkabaling niya sa akin. Inilahad din niya ang kamay niya sa harapan ko.

Napatingin ako kay Joper na para bang nagtatanong. "Gela, girlfriend ko." Si Joper na ang mismong sumagot noon at kunwari'y inabot ni Joper sa akin ang phone ko para hindi ko mahawakan ang kamay ni Jaja.

Medyo napahiya si Jaja sa hindi ko pag-abot sa kamay niya pero nag-kibit-balikat na lamang ako, okay lang maging hard sa ibang tao basta 'wag lang kaming mag-aaway ni Joper 'no.

"Well, nice meeting you Gela." Biglang sabi ni Jaja at bigla namang tumikhim si Joper dahil mukhang hindi niya narinig ang pangalan nito na binanggit niya. "And Joper." Pahabol ni Jaja ng makahalata siya.

Pagkaalis ni Jaja ay naupo na kami at ipinagpatuloy ang pagkain naming dalawa.

"Nalingat lang ako sandali, may dumadamoves na." nakangiting sabi ni Joper, hindi ko alam kung anong saltik nito. Pero okay na rin at hindi siya nabadtrip.

"Baliw. Dumadamoves talaga?" tanging naisagot ko na lamang sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano 'yong magiging reaksyon ko. May kilig dahil sa inasta niya kanina, hindi niya talaga hahayaan na mahawakan ako ng iba.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon