Joper's POV
Halos buong maghapon akong nakahilata sa higaan ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Pagkatapos naming kumain ng mami ay pabiro pa akong inaya ni Ian na uminom ulit pero hindi ako pumayag dahil sa sakit ng ulo ko na parang binibiyak na.
Sinadya kong ilagay sa silent mode ang phone ko dahil alam kong mangungulit na naman sa katatawag si Melanie at pipilitin na naman akong aminin na sa mga kaibigan niya ang relasyon namin.
Bahala siya sa buhay niya kung aminin niya, madali lang naman ideny iyon sa kanila eh. Madali lang umiwas at madali lang magpanggap.
Agad kong kinuha ang phone ko at tinignan ang mga messages at calls. Hindi ako nagkamali, lahat halos ay galing kay Melanie, pero mas inuna kong buksan ng nag-iisang pangalan na nasa inbox ko, ang kay Gela.
Gela
Okay na yon. Past is past. Maging masaya na lang tayo sa kung anong meron tayo, sa kung sino at ano ang pinili natin para maging masaya tayo.
Nang mabasa ko iyon, sa pangalawang pagkakataon ay nadismaya na naman ako. Nanlumo ako sa nabasa ko. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Ngayon, nararamdaman ko ang naramdaman niya noong mga panahon at oras na sinasabi niya sa akin ang mga salitang to, mga salitang hindi ko inintindi dahil sa pagiging selfish ko dahil sarili ko lang ang inintindi ko.
"Ang tanga ko!" Sabi ko sa sarili ko. Alas kwatro na ng hapon ng magising ako, naisipan kong maligo na at umalis. "Sana hindi mali itong magiging desisyon ko, sana tama ako." Sabi ko pa at saka hinablot ko ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pintuan ng kwarto ko.
***
Andito ako ngayon sa harap ng Hotel Prestige at hinihintay ang paglabas ni Gela. Oo, susunduin ko siya. Paano ko nalaman na ganitong oras ang labas niya? Dahil alam kong 8 hours lang ang pasok niya sa trabaho, dahil alam kong kapag umaalis siya ng alas nuebe ay alas siyete naman ang out nito.
Nakita ko na siya mula sa pwesto ko at agad kong inistart ang engine ng sasakyan ko. Nagtungo ako agad sa harap ng hotel at huminto sa harapan niya, mabuti na lang at nauna ako sa taxi kung hindi ay nakasakay na ito.
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko, "Can we talk?" Bungad ko agad, ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. "Please." Pahabol ko.
Nakatingin lang siya sa akin na parang gulat na gulat dahil sa biglaang pagsulpot ko. "Talk about what?" Sagot sa akin ni Gela.
"Gela, may naghihintay sa likod natin. Sumakay ka muna. Please." Sabi ko sa kanya saka lingon sa likod, bumusina na ng isang beses ang taxi na nasa likuran ng sasakyan ko.
Napansin ko ang paglingon ni Gela sa likod dahil bumusina ulit ang taxi na nasa likuran ko. Agad siyang pumasok sa loob ng sasakyan ko, hindi pa man niya naisasara ng maayos ang pinto nito ay pinaandar ko na ang kotse ko.
Habang umaandar kami ay hindi maiwasan ang sulyapan siya kahit na dapat ay sa gitna ng daan lang ang dapat na tingin ko.
Busy siya sa kakalikot ng phone niya. Ipinapaalam kaya niya kay Lyko na dinaanan ko siya? Na magkasama kami ngayong dalawa?
"Oi Joper, Bratz tayo." Biglang sabi niya. Nagulat ako dahil halos pasigaw iyon. Pero sa kabilang banda naman ay natuwa ako dahil gusto niyang magpunta kami roon.
Hindi ko siya inimik nung ituro niya itong Bratz, isa kasi ito sa paborito niyang kainan noong kami pa.
Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ay agad akong bumaba at pinagbuksan siya ng pintuan ng kotse ko. Nag-aayos pa naman siya eh, simple lang, pinusod lang niya ang nakalugay niyang buhok.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...