THIRTY TWO

212 5 0
                                    

Melanie's POV

"It didn't work Aira." Halos nanggagalaiti ko ng sabi kay Aira habang andirito kami sa bar na madalas nnming puntahan. Well, kasama rin namin si Jaja. "Hindi ko alam kung paanong hindi nagalit si Joper kay Gela. Tang ina!" Halos pasigaw ko ng sabi dahil sa sobrang galit ko talaga.

"Maybe they really really love each other kaya napag-uusapan nila whatever the problem was." Pagsingit ni Jaja. Ilang beses niya na kaming sinabihan tungkol dito, na 'wag na naming ituloy dahil kung hindi naman talaga meant na maghiwalay ang dalawa ay hindi talaga mangyayari kahit ano pang kagagahan ang planuhin namin ni Aira.

"Shut up Jaja. Hindi mo na nga ako tinulungan ganyan pa ang sasabihin mo." Ani Aira kay Jaja, parang nawawalan na rin ata ng pag-asa itong si Aira dahil kahapon ng kausapin niya si Lyko ay hindi na raw siya nito pinapansin ng masyado. Pinapakinggan man siya, hindi na ito sumasagot. Kung may sasabihin siya, pagdududahan lang daw iyon ni Lyko.

Naluluha akong kinuha ang scotch glass ko at tinungga iyon, bottoms-up. Padabog kong ibinaba ang baso ng maubos ko. "Maybe they were really meant for each other." Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko sa mga mata ko. Ang hirap ata tanggapin na talo na ako, na wala na akong magagawa kundi tanggapin na hinding-hindi na kailanman babalik si Joper sa akin. Well, hindi naman siya kailanman naging akin.

"Acceptance is the best thing to do Melanie." Si Jaja iyon, sinesermonan ako habang nagsasalin ng alak sa baso ko. "And Aira." Pahabol niya sa pangalan ni Aira.

Hindi na lang umimik pa si Aira, nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot at pangingilid ng luha niya sa tuwing natatamaan ng ilaw ang mga mata nito.

Nanatili kaming tahimik na tatlo, nakasandal si Jaja habang kinakalikot ang phone niya. Si Aira naman ay nakatulala at pinapa-ikot-ikot ang baso niyang may laman na alak.

"Joper..." banggit ko sa pangalan niya.

"Anong sinasabi mo 'dyan?" Si Aira na nagtataka.

Tumayo ako at agad na tinungo ang side bar, nakita ko kasi doon si Joper at mag-isang umiinom. Hindi ako nagdalawang-isip na gawin iyon, epekto na ata ito ng alak na nainom ko, medyo nakakarami na rin kasi kami.

"Joper..." tawag ko sa kaniya, I hugged he from behind.

"M-melanie..." sambit niya at bigla siyang napatayo. "Bitiwan mo 'ko." Mahinahon naman niyang sabi.

Agad ko siyang binitawan at naupo sa katabing bar stool. "May kasama ka?" tanong ko na lang.

"Wala ka ng pake-alam don." Sagot niyang pabalang sa akin. Halata sa tono nito na ayaw nitong kausapin ako, ni hindi nga niya ako nililingon. Nag-order lang siya ng isang Sunrise Squeezer.

"I can accompany you." Alok ko sa kaniya.

"I don't need a companion lalo na kung ikaw lang din." Sagot niya sa akin. Hindi niya ako hinaharap, baglus ay nakatingin lamang siya sa kaniyang telepono at ng silipin ko iyon, tinititigan lang niya ang home screen nito kung saan naroon ang picture nila ni Gela na magkasama.

"What did I do to you Joper?" Tahasang tanong ko na kahit pa mukhang alam ko naman kung ano ang dahilan kung bakit siya nang-gagalaiti sa akin.

"Wala naman." Matipid at kalmado pa rin niyang sagot sa akin.

"About the photo." Ani ko. Natigilan ako dahil bakit ko pa ba kailangang i-open up ang tungkol sa picture na iyon.

"Oh, yeah. About the photo. Paano mo nakuhanan iyon? Ang galing ah." She said sarcastically. Napa-tsk pa nga siya ng lingunin niya ako. "Siguro kung wala lang namuong mga tanong sa utak ko, maniniwala ako sa litratong 'yon." Sabi pa niya sa akin.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon