II.

1.6K 30 0
                                    

Lyko's POV

"Good Morning Babe." Bati ko kay Gela ng makita ko siyang inaayos ang hinigaan naming dalawa. Nakakatuwang isipin na katabi ko siya buong magdamag, nakayakap ako sa kanya at hindi binitawan. Ang sarap sa pakiramdam na kasama mo ang mahal mo, ang taong minamahal mo pa lalo habang tumatagal. Bago lang kami ni Gela, pero hindi niya pinaramdam sa akin na wala akong halaga. Alam kong halos dalawang buwan pa lamang mula noong magkahiwalay sila ng ex niya na isang ring lesbiana pero hindi niya pinaramdam sa akin na mahal niya pa rin iyon.

"Good Morning." Nakangiting sagot niya sa akin. Iyan ang pinaka nagutuhan ko sa kaniya. Ang pag-ngiti niya. Ang sarp titigan ng mukha niyang nakangiti, kaya ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko paiiyakin si Gela. "Ang aga mo naman gumising, late ka na natulog." Dagdag niya.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Pupunta pa tayo sa inyo diba." Sagot ko sa kanya. "Magluluto ako doon." Dagdag ko pa.

"After lunch daw sila pupunta sa bahay Babe." Sabi ni Gela sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon dahil 9 na ng umaga pero andito pa rin kami sa bahay at halos kagigising lang niya. Sana pala ginising ko na siya kanina para maaga kaming nakauwi sa kanila at ng makapagluto pa ako ng pagkain para sa mga kaibigan niya. "Kaya ba natin?" Tanong pa niya.

"Oo naman. Isang oras lang naman papunta sa inyo, tapos daan na tayo sa palengke at pagdating sa inyo ako na bahala mag-luto." Sabi ko sa kanya. Kaya kong gawin lahat iyon at matapos bago pa dumating ang mga kaibigan niya, para namam sa kanya eh. Hindi man niya hilingin sa akin, kusa ko namang gagawin para sa kanya.

"Thank you Babe." Aniya saka ako niyakap ng mahigpit.

Nagpalit lang siya ng damit, naghilamos at nagsipilyo bago kami umalis sa bahay. Fresh na fresh pa rin ang mukha niya kahit bagong gising at kahit walang make-up. Napakasimple talaga ng girlfriend ko na kahit ngumiti lang siya ay maganda siya.

"Matunaw ako Babe." Siya sa akin. Nakatitig pala ako sa kanya, hindi ko pa kasi na-iistart ang sasakyan ko dahil sa pagkakatitig ko sa kanya. "Ano iniisip mo?" Tanong niya sa akin.

"Gusto ko yung kasimplehan mo. Mahal ko yung pagiging simple mo." Sagot ko sa kanya at inistart na ang sasakyan ko. Hindi ko na hinintay ang isasagot niya dahil ngiti pa lang niya alam ko ng thank you iyon at kung susuwertehin ay i love you pa.

Nagpaalam na kami kila Manang Glo ng isara nito ang gate. Nagbilin na rin ako sa kanila kanina bago pa kami umalis ni Gela.

"Traffic kaya?" Tanong ni Gela sa akin.

"Mamaya natin malalaman Babe pagkalabas natin ng subdivision." Nakangiti kong sagot sa kanya. Alam niya na kasing ayaw ko sa traffic dahil nakakaboring talaga at nakakaubos ng pasensya. Minsan nga kinakantahan na lang niya ako para malibang ako o kaya naman ay kukuhaan niya ako ng litrato habang nakakunot ang noo ko.

Napapasaya talaga ako ni Gela ng sobra sa tuwing nakakasama ko siya. Kahit sandaling oras lang kaming nagkikita o nagkakasama sa tuwing hindi nagkakatagpo yung off namin ay may naiiwan naman na ngiti sa akin dahil alam kong napangiti niya ako at napasaya. Ang swerte ko kasi nakilala ko siya. Hindi man nahahalata ng iba dahil tahimik siya at hindi pala-imik kapag hindi niya masyadong kilala ang tao ay mabait siya at talagang nakikisama.

***

"Babe Parmesan Cheese kelangan mo?" Si Gela na may hawak na parmesan at tinatanong ako. Mahilig sa Carbonara si Gela at ang gusto niya ay may parmesan, nagkataon lang na kagabi ay naubusan ako ng stock sa bahay kaya hindi ko nalagyan, pero nagustuhan naman daw niya.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon