Lyko's POV
Halos mag-aalas dose ng maka-alis ako sa restaurant dahil kailangan pa namin mag-ligpit at maglinis bago kami umalis.
Patakbo akong nagtungo sa oto ko At agad na inistart iyon para maka-alis na at makarating agad sa bahay nila Gela. Sana gising pa siya, sana nagbabasa pa siya at hindi makatulog.
Halos kausapin ko na ang sarili ko sa loob ng sasakyan na sana gising pa siya at sana nandoon siya sa kanila. Pero paano kung wala? Nasaan naman siya kung wala siya roon sa kanila? Ang pinaka-ayaw kong itanong sa sarili ko, si Joper kaya, kasama niya?
Natauhan na lamang ako sa biglaang pag-tunong ng telepono ko, kinuha ko iyon sa loob ng bag ko at sinilip ang screen para alamin kung kaninong pangalan ang naka-rehistro. "C'mon Aira. It's you again." I whispered. I didn't cancel the phone call, ibinalik ko na lamang iyon sa bag ko at hinayaan sa pag-tunog. Magsasawa rin yan.
Gusto kong tawagan si Gela ngayon para ipaalam sa kanya ang pag-punta ko. Hindi ko alam kung masasabi ko bang sorpresa 'to, may dala kasi akong bulaklak na ipinadeliver ko kanina pa, mabuti na nga lang at hindi ko nakalimutan na may bulaklak pala akong ipinadeliver. Sayang din 'to.
Sana lang talaga andon si Gela. May pasok iyon bukas kaya hindi naman siguro siya mag-pupunta sa bar o sa kung saan pa man kaya sigurado akong andon siya sa kanila.
***
Nakakatakot talaga dito kila Gela sa tuwing sumasapit na ang gabi, hindi dahil baka aswangin ka o bigla na lang may mang-holdap o biglang mang-snatch sa gamit mo kundi dahil sa mga aso na nagsisipag-tahulan pagpasok mo pa lamang sa unang block dito.
Gusto ko na ngang pulutin ang kahoy na nasa gilid ng isang bahay pero hindi ko na lang ginawa dahil baka makapatay pa ako ng aso.
Papalapit pa lang ako sa bahay nila Gela ng pag-takhan kong wala man lang kahit isang ilaw na nakabukas. Paglapit ko sa tapat ng gate ay agad kong kinuha ang susi sa bulsa ko. Sinusubukan ko iyon pero ayaw. "Tang-ina! Nagpalit ng padlock si Gela." Bulong ko sa sarili ko.
Naramdaman kong may taong nakatayo mula sa block nila Joper, hindi ko naman maaninagan ang mukha ng taong nakatingin sa gawi ko dahil natatakpan iyon ng anino ng mga halaman.
Nagkibit-balikat na lamang ako dahil baka sinilip lang kung sino ang pinag-kakaguluhan ng mga aso, sobrang kahol naman kasi ang ginagawa nila. Mabuti na lang talaga ang iba nakakulong sa bahay nila at ang iba naman ay nakatali pa.
Kinuha ko ang telepono ko at sinubukang tawagan si Gela para ipaalam na andito ako sa baba pero wala, wala talagang sumasagot.
Bago pa man ako lapain ng aso na nasa gilid ko ay umalis na ako sa tapat ng bahay nila at nagtungo sa sasakyan kong dismayadong-dismayado.
Naiiyak tuloy ako. 'Yong bulaklak na dala ko parang nalungkot din dahil parang nag-silagasan ang mga petals nito. Hindi ko pa rin nagawang itapon 'yong bulaklak kahit na ang panget na nito. Inilagay ko na lang sa back seat pagpasok ko sa sasakyan ko.
Hindi ko muna inistart iyon dahil narinig ko na naman ang pagtunog ng phone ko, text message lang iyon at baka si Aira na naman.
Tiningnan ko ang pangalan na nakarehistro sa phone ko habang nakayuko sa steering wheel ng sasakyan ko. Si Tintin, agad ko iyong binuksan at binasa.
Tintin
Lyko, hindi sumasagot si Gela eh. Pero wag kang mag-alala bukas tatawagan ko ulit siya. Goodnight
Napaangat ako sa pagkakayuko at bahagyang nabuhayan ng loob dahil sa nabasa ko. Mabuti na lang at andyan si Tintin para matulungan ako sa pag-kontak kay Gela. Mabuti na lang talaga.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...