FORTY ONE

275 6 0
                                    


Gela's POV

Nagising ako bandang alas nuebe na ng umaga. Bahagya akong nadismaya ng makitang wala na si Joper sa tabi ko, siguro ay pumayag na siya sa space na hinihingi ko. Bumangon ako at agad nagtungo sa banyo para ayusin ang sarili ko. Ang bigat sa pakiramdam, sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako para maghanda ng kakainin ko, nakaramdam kasi ako ng gutom kaya ako nagising. Mula ngayon, dapat ko ng sanayin ang sarili ko na ako na ang nagluluto ng almusal ko.

Pagkakita ko sa dining table, meron nakatakip doon sa lamesa. Inalis ko 'yon at nakita na may naka-handa ng almusal. Bigla kong naisip si Joper. Nilibot ko ang mata ko para makita kung ano pa ang meron na hindi ko pa napapansin masyado. May isang note na nakadikit sa TV ko.

"Hinandaan kita ng breakfast bago ako umalis. Pasensya ka na kung hindi na kita ginising ha, baka kasi maiyak lang ako. Kumain ka lagi. 'Wag na 'wag kang iinom ng mag-isa. Ingat ka sa pagmamaneho mo tuwing may lakad ka. 'Wag kang magpapagabi. Mahal na mahal na mahal kita Da. Mahal na mahal na mahal.  I want you to be happy, so, I'm giving you the space you asked me, the space you wanted to have. I love you Angela Gascon. I love you."

Nalungkot ako sa nabasa ko. Gusto ko siyang puntahan para bawiin ang space na hiningi ko dahil hindi ko siya kayang mawala. Mahal ko siya, sobrang mahal na mahal ko siya pero hindi ako matatahimik kung may parte sa puso ko na nasasaktan pa sa tuwing may maaalala ako. Pero mahal ko si Joper. Bakit ganon, kailangan pa namin humantong sa ganito kung pwede naman namin na pag-usapan ang lahat at kalimutan na lang. Palitan ng bagong magagandang ala-ala ang pangit na nakaraan.

Martes ngayon at may pasok si Joper. Ngayon, mauulit na naman ang nangyari noon. Pupuntahan ko si Joper, babawiin ko ang sinabi ko sa kaniya kanina.

Hindi ko na inabala ang sarili ko na pansinin ang almusal na hinanda ni Joper. Gusto ko man kumain, mas gugustuhin ko naman na makita na si Joper at mabawi ang lahat ng sinabi ko sa kaniya.

Nagmadali akong ayusin ang sarili ko. Hindi ko na nga nagawang magsuklay at hinayaan ko na lang na tumulo sa damit ko ang tubig na nagmumula sa maiksi kong buhok. Sinilip ko ang block nila Joper para tingnan kung naroon ang Mama niya para itanong sana kung saang health center na ba siya pumapasok ngayon pero wala.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko habang naglalakad patungo sa kotse ko at i-dinial ang numero ni Joper. Isa. Dalawa. Tatlo.

"Hello Da." Bungad ko ng sagutin na ang tawag ko.

"Gela? Nako, naiwan ni Joper 'tong cellphone niya dito sa clinic nong dumaan siya kanina." Si Sam 'yon, ang assistant nila. Nadismaya ako bigla pero baka sakali na rin na alam niya.

"Ate Sam, alam mo ba kung saang health center pumapasok si Joper?" Hindi na ako nagpa-dalos-dalos pa sa pagtatanong. I wanted to know it now.

"Hindi ko sigurado pero ang naaalala ko don daw sa pinaka-unang health center na na-assign sa kaniya." Napa-iling ako dahil hindi pa sigurado iyon pero bahala na siguro.

"Sige Ate Sam. Salamat." Pagtapos ay inend ko na ang tawag at agad akong pumasok na sa sasakyan ko. Wala ng pai-painit ng makina, agad ko na lang na pinaandar ang sasakyan ko palabas sa lugar namin.

Halos lahat na ata ng santo natawag ko na para lang ipagdasal na sana nga ay nasa health center na 'yon siya ngayon nailipat. Malapit lapit na ako at medyo kabado talaga ako, feeling ko gagawa ako ng isang makabagbag damdamin na eksena sa health center eh.

Natatanaw ko na ang center mula sa pwesto ko, nagbaba lang kasi ng pasahero ang nasa unahan kong jeep kaya nakahinto ako. Dahil walang parking lot sa center na ito ay itinabi ko sa 'di kalayuan ang sasakyan ko, siguro mga tatlong minutong lakaran lang naman.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon