V.

934 24 0
                                    

Gela's POV

"Okay na ako Babe. Tara na." Aya ko kay Lyko para makaalis na kaming dalawa. Ako pa rin ang hinintay niyang matapos sa pag-aayos kahit ako ang naunang maghanda sa kanya. Kailangan eh, make-up at ang uniform kong masyadong maraming patong.

Tumango lang siya at tumayo habang nakasunod sa akin. Sinigurado ko munang walang nakabukas at nakasaksak bago kami lumabas saka ko kinandado ang gate.

Palakad na kami ni Lyko papunta sa kung saan naka-park ang sasakyan niya ng mapansin kong palabas rin si Joper sa block nila.

Napansin kong suot niya ang damit na binigay ko sa kanya na binili ko noon sa Vigan. Nagtaka rin ako na kahit papaano pala ay ginagamit pa rin niya ang damit na bigay ko sa kanya. Napansin ko rin ang suot niyang relo, green. Iyon yung binigay kong relo sa kanya noon, hindi naman mamahalin iyon, nadaanan nga lang nin sa bangketa iyon at nagustuhan ko ang kulay kaya ko binili para sa aming dalawa. Agad kong itinago sa harapan ko ang kamay ko dahil iyon din ang suot suot kong relo. Hindi naman bawal sa trabaho ko eh, kaya iyon ang isinuot ko. Etong relong eto na rin kasi ang nakasanayan kong isuot mula noong binili namin ito.

Nasa likod namin siya ngayon na para bang nakasunod pero wala naman akong magagawa dahil iisa lang naman ang pwedeng daanan patungo sa labasan.

Nakahawak lang sa baywang ko si Lyko hanggang sa makarating kami sa puno ng alateris kung saan nakita kong nakatambay sina Ian at Kevin.

Nginitian ko si Ian ng makita ko siya doon kasama si Kevin at nginitian niya rin naman ako pabalik. Naging close kami ni Ian noong kami pa ni Joper at parang nagkalayo na lang kami noong wala na kami.

"Babe ikaw na mag-drive." Ani Lyko sa akin ng papalapit kami sa sasakyan niya saka iniabot ang susi niya.

"Sure ka?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman, para na rin masanay ka." Sagot niya sa akin saka siya pumasok sa loob ng sasakyan.

Pumasok na rin ako sa sasakyan at agadna inistart ang sasakyan niya. Ako na naman ang magmamaneho, natutuwa ako dahil natututo na ako ng unti-unti at makakasanayan ko ng magmaneho ng may ibang kasabay na sasakyan sa gitna ng kalsada.

Nasa harapan ko sila Joper na kadikit si Ian sa gitna ng daraanan ng sasakyan samantalang si Kevin ay nakagilid naman. Bubusina na sana ako ng biglang lumingon si Joper at Ian saka gumilid para kami ay makadaan.

Ngumiti ako kahit hindi ako sigurado kung nakita ba nila iyon o hindi. Tinted ang mga gilid na bintana ng sasakyan ni Lyko, pinasadya niyang hindi ipa-tinted ang harap at likod dahil hindi naman daw siya sobrang bihasa sa pagmamaneho.

"Baby. Close kayo nung isa?" Tanong ni Lyko ng makalagpas na kami sa kanila at dere-deretso na ang naging paglabas namin.

"Sino don?" Tanong ko sa kaniya dahil hindi ko naman alam ang tinutukoy ni Lyko.

"Yung naka-pulang damit." Hindi siya nakatingin sa akin. Hindi ko naman inisip na nagseselos aiya o galit dahil nginitian ko lang naman.

"Si Ian yun. Magkapatid ang turingan namin, mabait yon Babe." Sagot ko sa kanya. Deretso lang ang tingin ko sa daan dahil hindi pa nnman ako magaling mag-drive.

"Kahapon din Babe, nginitian niya ako nung kasama ko si Kris." Aniya. Tumingin na siya sa akin. Siguro nagtataka lang siya kung bakit nginitian ako ni Ian.

Nginitian ko na lang siya, siguro gusto lang niya malaman ang dahilan pero wala naman sigurong selos o ano pa man.

***

"Ingat ka Babe. Thank you." Sabi ko kay Lyko pagbaba ko sa sasakyan. Masyado pang maaga para sa shift ko pero okay na rin iyon para makapagpahinga ako, nakakapagod pa lang magdrive.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon