Joper's POVPagkarating namin ni Kevin sa Food Park ay talagang kinakabahan ako. Sino ba naman ang hindi? Planado namin ang lahat ng ito, si Kenneth at Ian ang nagsabi sa akin na makikipagkita si Gela sa kanila sa Food Park. Alam kong umalis siya, alam ko rin kung nasaan siya pero siyempre hindi ko ipinahalata iyon lahat kay Gela.
Kanina pa ako hinihintay ni Kevin sa isang kanto malapit sa Food Park, nagpabili ako sa kaniya ng bulaklak, tatlong pirasong Tulip, ang paboritong bulaklak ni Gela at pinarisan iyon ng ilang puti at pulang rosas.
"Parang first time ah." Siniko ako ni Kevin. Nagawa pa talaga nitong mang-asar.
"Ilang beses ko pa lang kasi nabibigyan si Gela ng bulaklak." Hindi naman ako naka-ayos ng sobra. Nakapambahay lang din ako dahil iyon ang sabi ni Ian na suot ni Gela. Ginaya ko lang ang suot niya, naka-hoody rin ako.
"Tara na nga." Giya ni Kevin sa akin sa loob ng Food Park patungo sa Rox Gastropub kung saan sila naka-pwesto.
Kinausap ko kasi sila Ian na gusto kong ligawan ulit si Gela, na gusto kong maging maayos na kaming dalawa at kalimutan na ang lahat ng hindi magandang nangyari sa amin noong nakaraang tatlong buwan. Pumayag naman sila sa gusto nila dahil sa tuwing nakikita raw nila ako kagabi na tumitingin sa gawi ni Gela ay pakiramdam nila dala-dala rin nila ang bigat ng pakiramdam na dala-dala ko.
Nalaman ko rin na alam pala nila Ian at Kenneth kung saan nagpunta si Gela, alam kung ano ang tunay na dahilan ng talagang pag-alis niya. Kung bakit nga naman kasi hindi ko siya nagawang habulin noon at kausapin para magpaliwanag. Kung bakit hindi ko siya agad pinuntahan sa kanila at kung bakit kasi naniwala ako kay Melanie.
Nakikita ko na ang pwesto nila Ian, si Ian at Kenneth ang magkatabi at nakaharap sa gawi namin ni Kevin, samantalang si Gela naman ay nakatalikod sa amin. Hindi ipinahalata nila Ian na dumating na kami, kilala ko naman si Gela na hindi basta-basta lumilingon lalo na kung hindi naman siya ang tinatawag.
Mula sa likuran ni Gela ay idinaan ko sa gilid niya ang mga bulaklak. Hinatak ni Kevin ang isang upuan mula sa kabilang mesa na hindi naman okupado at naupo sa gilid ni Ian. "Da..." halos pabulong ko ng tawag sa kaniya dahil sa hiya ko. Naka-upo siya at nakatayo ako sa likod niya.
"Nice." Pang-aasar ni Kenneth at ni Ian.
"Tulips..." sabay kuha ni Gela sa bulaklak. Naupo na rin ako sa tabi niya. "Thank you." Nakangiti niya akong hinarap at inamoy amoy ang mga bulaklak.
Nakikita ko sa mga mata ni Gela ang tuwa, hindi naman niya iyon masyadong ipinahalata sa amin pero dahil kilala namin siya ay hindi maiwasan na asarin siya lalo na ni Ian.
Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano, sa tagal ba naman ng panahon na hindi kami nagkasama-sama na kami-kami lang ay parang naipon na ang kwento namin. Hindi namin binuksan ang issue tungkol sa nangyari sa pagitan naming tatlo nila Melanie. Hindi namin pinag-usapan 'yon ngayon para hindi mabago ang mood ni Gela.
***
Hindi ako masyadong uminom dahil kay Gela, ayaw kasi niyang papigil sa pag-inom kaya ako na ang umiwas, ayoko naman na awatin siya dahil baka mabago ang mood niya. Mabuti na lang at gumaan na si Gela, karga ko siya sa likuran ko ng umuwi kami. Si Kenneth at Ian ay lasing na lasing din kaya kawawa si Kevin sa pag-akay sa dalawa. Natatawa na nga lang ako sa kulit ni Kenneth sa pang-aasar kay Ian kaya talagang kawawa si Kevin.
Pagkarating namin ni Gela dito sa kanila ay ihiniga ko muna siya sa sofa at kumuha ng tubig sa kusina, ayaw niya akong paalisin sa tabi niya pero nagpumilit ako para lang maka-inom muna siya ng tubig bago kami matulog.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...