VII.

698 16 0
                                    


Lyko's POV

Noong makausap ko si Gela ay nakaramdam ako ng excitement na magkita kami agad na dalawa. May sasabihin daw kasi siya sa akin, hindi nga lang siya sigurado kung good news o bad news iyon.

Alas nuebe na, pag-punta ko sa locker para mag-ayos ng gamit ay agad kong kinuha ang phone ko at sinilip kung may message ba siya o missed call.

"Nakauwi na kaya si Babe?" Bulong ko sa sarili ko dahil wala akong na-receive na kahit na ano mula sa kanya. Hindi ko na muna inabala ang sarili ko sa pagtetext sa kanya, baka kasi natraffic o nasa byahe pa siya.

Pagtapos kong mag-ayos sa sarili ko ay hindi ko na natiis na bigyan siya ng message. Nag-aalala rin kasi ako kahit papano.

Babe, pauwi na ako. Text mo ako agad kapag nasa bahay ka na ah. I love you.

Pagka-send ko ay siyang hablot ko sa bag ko at nagtungo na sasakyan ko. Hindi ako agad umalis, naghihintay pa muna ako sa reply ni Gela. Kung asan na ba siya o kung ano na ba ang lagay niya.

Tumunog ang phone ko ng dalawang beses. Agad kong binasa ang message na iyon.

Gela

Babe, I'm with a friend and we're having a friendly date. Ingat ka pauwi.

Agad akong napaisip sa sinabi niyang iyon. Friend? Sino? Friendly date talaga?

With whom? Saan?

Agad kong reply sa kanya. Parang kinabahan tuloy ako bigla, parang gusto ko siyang puntahan ngayon kung nasaang lupalop man siya.

May katagalan akong naghintay sa magiging sagot niya, sa reply niya pero wala na akong ma-receive pa.

Tumunog ang phone ko, agad ko iyong kinuha at binasa ang message na katatanggap ko.

Aira

Nandito ako sa bahay niyo. Let's talk. I have something to tell, about Gela.

Nang mabasa ko ang pangalan ni Gela sa text message ni Aira ay agad kong inistart ang engine ng sasakyan ko at pinaharurot ito hanggang sa maka-uwi ako.

***

"What about Gela?" Bungad ko kay Aira, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad kong itinanong sa kanya ang kung ano ang tungkol kay Gela.

"Si Gela lang pala ang makakapag-pauwi sa'yo agad eh." Sagot niya. Hindi niya sinagot ang tanong ko sa kanya. Ganitong kabado ako sa pag-aalala sa kanya ay ayokong binibitin ako lalo na kapag involve siya sa usapan. Hindi sa nagiging OA pero hindi ko kasi alam kung sino ang kasama niya at kung nasaan siya ngayon. "Wala ba siyang sinabi sa'yo na kahit na ano?" Dugtong ni Aira sa akin.

"Ano ba Aira. Spill it out. Pinapahaba mo pang yung usapan eh." Sabi ko sa kanya. Nakakainis na kasi, hindi nalamg niya ako deretsuhin dahil naiirita akong kaharap siya.

"Gela, Gela, Gela. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan mo sa kanya." Aniya. Nagtitimpi na pang ako sa kanya. Gusto ko na siyang palabasin dito sa bahay ko pero hindi ko magawa dahil may sasabihin siya tungkol kay Gela. "Isang hamak na empleyado sa hotel na ang Boss, eh ang Daddy ko." Huminto siya sa paglalakad ng pabalik balik at hinarap ako. "ALam mo bang isang hiling ko lang kay Daddy, pwede na siyang matanggal sa trabaho o kaya naman pwede ko siyang ilayo sa'yo." Sabi niya sa harap ko mismo at ang mga salitang iyon ay padiin niyang sinabi sa mukha ko.

"Aira! Ano ba? Bakit mo ba ginagawa to?" Tanong kong naiinis na talaga. Tumayo ako at hinawakan siya ng mahigpit sa magkabilang-braso.

"I don't want Gela to be happy. Kung hindi ka rin lang naman mapupunta sa akin, walang ibang babae ang pwedeng makakuha sa'yo." Sagot niya sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit at poot. Walang ginawang hindi maganda si Gela kay Aira pero bakit parang galit na galit siya rito. Walang karapatan si Aira na diktahan ako kung sino ang gusto kong ipalit sa kanya, kung sino ang gusto kong makasama at kung sino ang pinili kong mahalin kapalit niya.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon