Joper's POV
Narinig ko ang sinabi ni Melanie sa akin. 'May atraso eh.'. Hindi ko alam kung ano ang ibig saihin niya roon. Dumeretso ako sa bahay nila Gela, hindi para tanungin siya tungkol sa sinabi ni Melanie, kundi para ipakita kay Melanie na masayang-masaya ako sa kaniya at kahit na anong sabihin niya ay kay Gela pa rin ako maniniwala.
"Bakit hindi ka pa bihis?" Tanong sa akin ni Gela pagkakita niya sa akin na nakatayo ako sa tapat ng gate nila. Binuksan naman niya iyon at hinalikan ako sa labi ko. Niyakap ko naman siya, wala kaming pake-alam kahit pa hindi pa kami nakakapasok sa loob ng bahay. "Sabi ko magbihis ka muna eh." Dagdag pa nito.
"Ang bango naman ng niluluto mo Da Da ko." hindi ko pinansin ang sinasabi niya dahil nangibabaw sa akin na pansinin ang niluluto niya.
"Kakatapos ko lang mag-luto. Dalhin mo na rin 'tong Sopas at Carbonara para kay CK at sa Mama mo." Sabay abot sa akin ng lagayan.
"I love you." Sabi ko sa kaniya at niyakap ko siya.
"I love you too Da." Sagot naman niya sa akin. Alam kong totoo ang sinasabi niya sa akin at alam kong hindi siya gagawa ng ikagagalit ko o ng mga bagay na magiging sanhi ng pag-aaway naming dalawa. "Mag-bihis ka muna Da, tapos kain na tayo. May sasabihin din po ako sa'yo." Dugtong niya. Bigla naman akong kinabahan doon.
Napatingin ako sa kaniya, sa mga mata niya. "Kung pag-aawayan lang natin 'yan, 'wag mo ng i-kwento." Sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang biglang nasabi ko sa kaniya, napapraning na ata ako.
"Ano bang sinasabi mo dyan. May ikukuwento lang naman ako sa'yo." Sagot niya sa akin. Mali ang sinabi ko, alam kong mali ang sinabi kong iyon sa kaniya. Hindi kosiya dapat pag-dudahan dahil lang sa sinabi ni Melanie sa akin kanina. Gusto lang niya kaming masira, 'yon ang dahilan kaya niya sinabi iyon kanina.
"Sorry. Magbibihis lang ako tapos babalik ako agad dito." Sagot ko sa kaniya saka ako humalik sa noo niya at lumabas na.
Dala ang pagkaing niluto ni Gela ay nakasalubong ko ang Mama ko at ang kapatid ko na palabas na. "Ma!" Sigaw ko bago pa man sila makalayo. Tumakbo ako palapit sa gawi kung saan sila napahinto dahil sa pag-tawag ko. "Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kaniya.
"Kakatapos lang, kararating mo lang ba?" Tanong pabalik sa akin ni Mama. "Bakit parang lukot na lukot 'yang pagmumuka mo?" Dagdag pa nito.
"Halos kararating ko lang, may kinuha lang ako kila Gela." Sagot ko sabay abot sa kaniya ng niluto ni Gela. "Midnight snack niyo ni CK." Dugtong ko pa ng masigurado na hawak ni Mama ng mabuti ang lalagyan.
"Sige na. Mauna na kami, magrerest day daw si Sam ngayon." Sagot ni Mama at saka pinaandar na ulit ang motor.
"Ingat kayo Ma." pag-papaalala ko.
Pumasok na rin ako sa bahay. Agad kong sinilip ang lababo kung may mga dapat hugasan para bago ako bumalik kila Gela ay makapag-ligpit at makapag-linis muna ako dito sa bahay. Okay lang kay Mama na andon ako tuwing gabi kila Gela, tanggap niya na ganoon ang set-up namin ni Gela dahil nakikita niya naman daw na hindi ako nagpapabaya sa trabaho ko at maging sa trabaho ko sa bahay.
Kung minsan nga ay tinutulungan ako ni Gela sa paglalaba ng damit namin dito sa bahay. Hindi alam ni Mama iyon pero kalaunan ay sinabi ko na rin sa kaniya. Hindi naman nag-react ng sobra si Mama, nagulat lang siya dahil kaya pala natatapos ko ng maaga ang mga labahin ko ay dahil may kasama ako sa paglalaba, na may tumutulong sa akin para matapos ko agad ang trabaho ko sa bahay.
Pagkatapos kong makapag-bihis ay niligpit ko lang ang ibang kalat sa bahay, pinadaanan ko ng walis ang kusina namin hanggang sa sala. Nilinis ko rin muna ang dumi ng aso ko at pinakain ko na rin muna sila.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...