Gela's POV"Ian..." pasigaw kong tawag sa kaniya sa terminal ng bus, ang dami ko kasing dalang kung anu-ano para sa kanila. Tatlong buwan, oo, tatlong buwan akong namalagi sa Isabela. Matagal na rin 'yon para sa katulad kong umalis ng walang paalam sa mga kaibigan at lalo na kay Joper.
"Sakto 'yong dating namin ni Kenneth." Patakbo niya akong nilapitan para kunin ang iba kong dala-dalang gamit.
"Eh nasaan si Kenneth?" Tanong ko kay Ian dahil wala naman siya sa tabi nito.
"Nasa sasakyan." Matipid na sagot niya, baka nabibigatan na sa dala-dala niyang dalawang karton.
Tahimik naming tinungo kung saan naka-park ang sasakyan ko. Nang makita ni Kenneth na mukhang nahihirapan na si Ian ay patakbo siyang lumapit sa amin para salubungin kami. Namiss ko ang sasakyan ko, pinadala ko talaga kila Ian ang kotse ko dahil mukhang nangangalawang na ang makina nito.
"Eto 'yong susi, baka namiss mo ng magmaneho." Si Ian iyon, nahalata niya siguro na namiss ko ang kotse ko kaya inabot na rin niya sa akin agad ang susi ko.
Bago ako umalis noon ay ipinaubaya ko ang sasakyan ko kay Ian, sabi ko sa kaniya ilabas kung minsan para naman hindi masira at naka-tengga lang. Pero ang madalas pala maglabas noon at magdala sa AutoShop ay si Joper, may susi rin kasi siya ng sasakyan ko. Ibinabalita sa akin ni Ian iyon.
"Thank you Ian." Sagot ko saka ako pumasok sa loob ng sasakyan ko. Hindi na nila ako pinatulong pa sa pag-aayos ng dala kong gamit dahil baka napagod daw ako sa biyahe. Halatang pinagbigyan lang ako ni Ian na ako ang magmaneho ng kotse ko ngayon.
Pagkaayos ng mga gamit, si Ian ang naupo sa back seat, gusto raw niyang ma-stretch ang paa niya eh kaya si Kenneth ang nasa gilid ko ngayon. Alas sais na rin ng makarating ako sa terminal kaya gutom na ako, alam kong maging sila ay gutom na rin at tulad ng ipinangako ko noon ay ililibre ko sila sa Bratz.
"Bratz di'ba?" Tanong ko sa kanila, baka kasi nagbago na ang desisyon nila o may kainan ng bago at doon nila gustong pumunta.
"Oo. Tapos Rox Gastropub." Si Ian 'yon na ang ganda-ganda ng higa while taking pictures. Malamang ipopost niya sa facebook iyon with a hashtag, 'ATM o Welcome Back'.
"Iba na kasi ang Bratz ngayon, andon pa rin pero mas lumaki, naging Food Park na." Si Kenneth naman 'yon na halata rin ang pagka-excite.
"Go..." sagot ko naman. Pakiramdam ko ang saya saya ko ngayon.
Sa tatlong buwan na pamamalagi ko sa Isabela ay gumaan ang pakiramdam ko. Ang trabaho ko sa Elite Hotel, hindi ko alam kung may babalikan pa ako roon dahil isang buwan lang ang hiningi ko pero tatlong buwan akong nawala. Alam ng mga magulang ko ang tungkol don kaya naman ngayon ay sila muna ang nagbibigay sa'kin, ayaw kasi nilang galawin ko ang savings ko, ilaan ko raw sa iba pang mas importanteng bagay iyon.
Sa mga kaibigan ko, wala rin akong naka-usap na kahit na sino sa kanila kahit na ang Bespar ko at sobrang miss na miss na miss ko na talaga siya.
Si Joper? Hindi ko alam kung masasabi ko pa bang kami dahil sa bigla ko na lang na pag-alis at pag-iwan sa kaniya. Sa tatlong buwan kong pagkawala, naipahinga ko ang pagod ko sa lahat ng nangyari, humupa ang galit ko sa kaniya dahil sa nangyari pero hindi ko pa rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nagkita ulit kaming dalawa.
"Yes, malapit na tayo." Si Ian 'yon na napabalikwas ng upo mula sa likuran. Nakikita ko na nga ang Bratz, ang dating Bratz lang na ngayon ay isa ng kainan. Ang daming ilaw at ang daming sasakyan, dumoble ang mga dami ng mga customer. Nakakatuwa naman, ang daming nagbago.
BINABASA MO ANG
Kismet
RandomGela Gascon, isang simpleng dalagang nagmahal, nabalewala at naipit sa isang sitwasyong hindi inaakala. Nagmahal ng sobra. Ibinigay ang lahat ngunit para sa kapareha ay hindi naging sapat. Nabalewala at naging tanga. Ipinilit ang lahat ngunit hindi...